Seven

130 8 0
                                    

Chapter 7.

Labi.

"A-ano? Bakit 'yan ang sagot mo sa akin, Tessa? Hindi mo bah ako pipigilan na--" mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang pinapakinggan ang sinasabi nitong lalaking nasa harapan ko.

Nagkibit ako ng balikat at tamad siyang tiningnan. "Okay, break na tayo. Ano pa bah ang gusto mong marinig sa akin? Kung gusto mong break na tayo, edi break na tayo. Gaano bah kahirap intindihin iyon?" taas ang isang kilay at mayabang na tanong ko.

Umawang ang bibig niya.

Buwan ang lumipas noong may pumalo sa balikat ko. So far, maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na kagaya noon na para akong inutil na balbado. Balik na rin ako sa training session na sinasagawa ni Tita Kathlyn at habang patagal nang patagal ay parang gusto ko nang araw-araw ite train ang sarili. Nagsisimula na akong gumamit ng patalim at ang unang napili ko ay ang throwing knife.

Sa buwan na lumipas ay napansin ko ang panlalamig sa akin ni Warren, minsan pa nga ay nakikita ko siyang may kasamang ibang babae na kaedad niya lang. Malapit nang magpapasko nang sinabi niya sa akin na gusto niya nang makipag break.

At sino naman ako para pigilan siya? Eh gusto niya eh, ba't ko pa pipigilan eh wala akong nararamdaman sa kaniya sa simula pa lang.

Kay lungkot nga lang dahil hindi inabot ng isang taon ang-- ano bah tawag nito? Pagmamahalan? Psh! Bwahahaha! Pagmamahalan sa puwet niya! Eh alam ko namang hindi niya ako siniseryuso! Ako pa talaga ang pinagtitripan niya kasama ang mga tropa niya.

"Gusto mo bang bawiin ko ang sinabi ko?" dagdag ko.

Nanlaki ang mata niya. "Akala ko ay pipigilan mo 'ko... akala ko pipigilan mo akong makipag break sa iyo, bakit--"

"Bakit gulat na gulat ka sa mga pinagsasabi mo?" humakbang ako palapit sa kaniya at walang pasabing hinablot ang damit niya dahilan para halos magkahalikan na kami. "Sa pagkakaalam ko... nag bet kayo ng mga tropa mo 'di bah? Na kapag mahuhulog ako sa'yo, babayaran ka nila." mas lalong nagulat ang ekspresyon niya.

"P-paano mo nalaman--"

Natawa ako nang sarkastiko. "Paano ko nalaman?" tanong ko pa talaga. "Simple lang! Tinanong ko 'yung babae mo, ano nga ulit pangalan no'n? Charmaine-- Hah! Parang tunog napkin lang para sa may regla, ah?"

Marahas ko siyang tinulak sa pader at pabirong sinipa ang mukha niya, buti nalang at umiwas siya.

"Ano, Warren? Masarap bang ikama ang isang babae na kaedad mo?" first year highschool ako pero marami na akong alam sa ganito, sa libro ako kumukuha ng impormasyon. Hindi sa internet na puro porn lang ang naroon. Napangisi ako nang makita ang gulat na gulat niyang reaksyon. "Ikaw pa talaga ang nagulat eh nambabae ka naman na kahit tayo pa? Baliw!" tumawa ako na animo'y ako iyong nababaliw sa aming dalawa.

Hindi na siya nakapagsalita kaya bago pa masayang ang oras ko ay nakatanggap ang mukha niya sa suntok ko. Galit ako dahil kahit wala akong nararamdaman para sa kaniya ay apektado ako sa pagtataksil niya..

"'Yan ang para sa iyong leche ka! Doon ka na sa napkin mo! Nireregla na ang nguso mo, oh!" ilang butil ng luha ang tumulo sa pisngi niya.

Niyuko niya bigla ang ulo niya. "Kahit bet lang 'yon ay nagustohan pa rin kita, Tessa." natigilan ako pero sa huli ay muli na namang natawa. Sinandal ko ang sariling palad sa pader para maharangan siya.

"Hoy... kahit nagustohan mo 'ko, bakit nambabae ka? Baliw ka talaga 'noh? Pakasaya ka sana sa Amerika." alam kong ginagawa niya din ito dahil sa susunod na buwan ay magma migrate na sila sa Amerika. Muli ko siyang sinuntok pero mahina na iyon, doon ko na siya tinalikuran at sa pagtalikod ko ay kasabay ng pagtatapos ng relasyon naming wala namang nangyari kundi kataksilan lang. Atleast naging masaya ako sa mga chocolates na bigay niya.

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now