Thirteen

100 5 0
                                    

Chapter 13.

Nagtama.

"Hindi niya bah hinahanap ang Papa niya?" bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ni Tita Kathlyn nang marinig ko siyang magsalita.

Sumilip ako nang kaunti sa nakaawang  na pinto at nakitang nandoon si Mama, nakaupo sa upuan kaharap ai Tita Kathlyn. Nakita ko doon si Tito Felix at Tita Mariella. Maliit lang ang bukas ng pinto pero sinigurado ko pa ring hindi nila ako mapapansin.

"Paano niya hahanapin kung may hinanakit siya sa sariling ama niya, Kathlyn?" si Mama naman ang narinig kong nagsalita. "Sa tuwing inuungkat ko si Yuuji ay palagi siyang umiiwas, nagagalit..."

"You can't tell her why Yuuji left you three here, alang-alang sa proteksyon ninyo." boses iyon ni Tita Mariella.

"Pero dapat mo pa ring sabihin sa kaniya, Therese kung gaano siya kamahal ng Papa niya. Huwag mo siyang hayaan na mas dagdagan ang hinanakit niya. Masama iyon kung magkikita sila ulit..." saad ni Tita Kathlyn.

"Iyon ang ginagawa namin ni Thrasha pero matigas talaga si Tessaiya, Kathlyn eh... naghahanap talaga siya ng paraan para hindi niya na marinig ang tungkol sa Papa niya. Sa tuwing bumibili ako ng mga gamit para sa kaniya na galing kay Yuuji, pinapatapon niya o pinapamigay niya," nanginig bigla ang boses ni Mama dahilan para mabahala na ako. "Nasasaktan ako para kay Yuuji... nasasaktan ako dahil nararamdaman kong hindi na siya kayang mahalin ng sariling anak--"

"He left you here because he sacrificed his self to protect his family, iyon ang dapat malaman ni Yui..." si Tita Vaeda na ang narinig ko, hindi ko na nakayanan pang pakinggan ang mga sinasabi nila.

Mas gusto kong hindi na sila pakinggan pa lalo na at tungkol na naman sa ama ko ang pinag-uusapan nila. Sa ngayon, magpapanggap nalang muna akong hindi ko sila narinig kaya umupo ako sa mga nakahilerang upuan saka sinubokang ipikit ang mga mata. Ngunit sa pagpikit nito...

Tumulo ang mga luhang hindi ko naman kinakailangan.

Mabilis kong pinunasan ang pisngi at huminga nang malalim. Niyuko ko ang sariling ulo at nagdesisyon na iblanko ang isipan ko.

Buti nalang ay dumating sila Yashniel galing sa canteen ng hospital. Ang ipinagpapasalamat ko ay hindi nila napansin ang namamasa kong pisngi. Wala sa sarili akong napangiti nang magsimula na namang magbangayan sina Renwick at Nicholas. Si Matthew naman ay sumandal sa akin, nagpapalambing.

Alas diez na ng gabi pero gising na gising pa kaming lima habang nag-uusap ng kung anu-ano.

'Di nagtagal ay lumabas na sila Mama, Tita Vaeda at Tita Mariella galing sa kwarto, higit isang oras ang inilaan nilang tatlo sa loob, mukhang sinsinan na nag-usap. Pagkalabas nila ay nasa akin kaagad ang paningin nila kaya mabilis akong umiwas ng tingin at pekeng ngumiti para hindi nila mapansin.

"Tessaiya," tawag sa akin ni Mama.

"Hmm?" tugon ko at tumayo para makalapit sa kaniya.

"Gusto kang makausap ng Tita Kathlyn mo, pumasok ka para pagkatapos ay umuwi na tayo." tumango ako saka sinunod ang sinabi niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin si Tita na nakaupo na ngayon sa kaniyang kama. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya nang makitang pumasok ako. Sinarado ko ang pinto at nagsimulang humakbang palapit.

Umupo ako sa upuan na inupuan ni Mama kanina.

"Kamusta, Tita?" pangangamusta ko nang makaupo. "Wala na ho bang masakit sa inyo?" dagdag ko.

When We Meet Again (When Series #3)Where stories live. Discover now