Chapter Seventy-Four

Start from the beginning
                                    

Dahan dahan akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Reign na nakatayo habang naka-cross arm pa. Ganun na lamang ang pagkahinto ko ng tiningnan ako nito sa kakaibang paraan.

Sa hindi malamang dahilan ay para bang may sandaling kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko.

"I don't want you to suffer even more, Veena. Not just how you suffer before," makahulugan na sambit nito saka tumalikod sa akin.

Pagkatapos ng ganap na iyon ay hindi na ako masyadong nakausap pa ni Reign. Kung minsan ay nag-uusap man ngunit hindi katulad dati. Ilang araw rin akong nagpahinga sa pagsunod sa mga ito. Hanggang sa isang araw ay nakita ko ang dalawa at naabutan sa isang napaka-awkward na posisyon.

Nakaupo noon si Kei sa upuan habang nakasandal sa inuupuan. Si Aly naman ay para bang nang-aakit na nakahilig sa kaniya. Agad akong napatago sa likod ng pader habang nakahawak sa dibdib.

Why?

Why do I have to feel this way?

Bakit parang naramdaman ko na ang bagay na ito? I don't know why but this kind of pain... this is very familiar. The betrayal. This is so familiar!

Nagkulong ako maghapon sa loob ng kwarto sa takot na baka makita ako ng iba na wala sa katinuan. Para akong nababaliw lalo na habang inaalala ang nangyari. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Ngunit maski sa aking pagtulog ay hindi pa rin ako tinantanan ng ala-alang iyon at sa katunayan ay mas marami pa akong nakita sa panaginip na iyon.

Me with Keifer and our two children. We keep doing fun things while laughing. Maybe this is just what I wanted to happen, right? This ain't reality. I'm just dreaming about the things I wanted to see.

But after years of not having such a nightmare, a very familiar scene suddenly popped up in my dreams. That is the same nightmare I had years ago before I met Kei. That is when I woke up as a mother of two kids and a wife of a mysterious man with a blurred face.

Kasabay ng pagsigaw ko matapos makita ang walang buhay na katawan ng sariling pamilya, ay agad akong napabangon sa pagkakatulog. Pawis na pawis habang tulala sa kawalan.

Nanginginig ang mga kamay ko nang tingnan ko ang mga ito. Hingal na hingal rin ako na para bang hinabol ng ilang kabayo habang natutulog.

"Are you dreaming again?" biglang tinig sa tabi ko. Agad akong napatingin dito at nakita si Reign na nakasandal sa pader habang naka-cross arm.

"Reign..." tawag ko dito.

"Hey!" tawag nito sa akin saka naglakad palapit sa katabing upuan sa katapat ng kama ko.

"What are you doing here?" takang tanong ko.

"Someone from downstairs called me saying that you're not eating anything since you came. That's why I came by. To see you," sagot nito saka tumalikod sa akin ang upuan saka umupo naman ito paharap sa akin. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng sandalan habang seryosong nakatingin sa akin.

Napayuko na lamang ako.

"Are you still dreaming about that? The mysterious guy?With two kids?" tanong nito sa akin.

"Huh? A- no. This is the first time I dreamt about it after so many years," sagot ko dito. Matapos namin maging magkaibigan ni Reign ay sinabi ko rin sa kanya ang tungkol doon kaya naman alam na alam niya ang panaginip na iyon.

"Are you feeling something? After you dreamt about it again?" tanong nito sa akin. Agad naman akong napakunot ng noo. I felt like something's going on. I feel like she knows something about it.

"Y-yeah, well there are some part of my dreams na hindi ko naman napanaginipan before. But... I felt it. The pain, I mean..." sagot ko saka napayuko.

"I knew it," sambit nito saka napatingala sa kisame.

"Huh? What do you mean, Reign?" nakakunot noong tanong ko.

" Tell me Veena... do you want to know something interesting? About your past life?" tanong nito sa akin.

"Huh?"

Noong una ay hindi pa ako makapaniwala dahil hindi ko siya maintindihan ngunit lahat ng sinasabi niya ay tugma sa mga nakita ko sa aking panaginip. Sinabi niya rin sa akin na katulad ni Sir Renz ay alam niya rin ang tunay na nangyari noon. Gayunpaman ay ayaw na niyang makialam dahil isang beses na niya itong nagawa noon ngunit mas lalo lamang nagbago at nasira ang dapat sanay panibagong buhay nila.

Napayuko na lamang ako matapos marinig ang mga katagang iyon.

"Iyon ang dahilan kung bakit ayaw kong mapalapit ka pang muli kay Keifer, Veena. Nakita ko kung paano ka traydurin noon ng asawa mo at maging ang kaibigan nito na si Aly. Hindi pa siya nakuntento at pinapatay ang mga anak mo. Gayunpaman ayaw kong bumalik ka sa mga panahon na iyon.Ayokong mabuhay ka dahil lamang sa masamang nangyari sa buhay mo noon, Veena," mahabang litanya nito habang pilit na pinapaintindi sa akin ang ibig niyang sabihin.

Dahan-dahan itong naglakad papunta sa tabi ng kama ko. Ipinatong nito ang kanang kamay sa ibabaw ng ulo ko.

"I don't want you to suffer even more, Veena. You are the kindest person I ever met before. You deserve better. So please, live your own life without being tainted by your past life," sambit nito sa akin.

I know what she wanted. I understand her. Even I, know that this is for the best. But... I want to know for the last time.

"But Reign, I... I want to try for one last time. Please, let me... I'll just talk to him!" mukhang nagulat si Reign matapos marinig ang pakiusap ko. Maya maya ay dahan dahan itong napangiti saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

"I knew you'd say that, Veena" nakangiting sambit nito.

Agad rin itong umalis sa tabi ko saka naglakad palayo sa kama.

"Okay then, give your heart one last time. Tell him that you like him and try to take him back, but if he doesn't want that, leave him. Got it?" tanong nito sa akin.

Dahan dahan akong napangiti. I know that there are only a few friends like Reign. She is the best person I can rely on every time I feel down. And... I trust her.

****

Napatingin ako kay Kei matapos makita ang gulat na ekspresyon nito.

"Wh-what did you say?" naninigurado na tanong sa akin ni Kei.

"I... I said let's go back together just like what we used to be," ulit ko dito saka bahagyang napayuko. For some reason, I can't look at him directly. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.

"Y-you don't want to?" nahihiyang tanong ko dito.

Well, what do I expect? Ilang linggo na ang nakaraan noong naghiwalay kami so he probably forget about me now. Besides, nandyan din naman si Aly. Napayuko na lamang ako nang bigla itong magsalita muli.

"Of course yes!" malakas na sigaw nito habang abot-langit ang ngiti.

"H-huh?"

Will I Wake Up?Where stories live. Discover now