Chapter 41

2.5K 177 28
                                    

HERMAPHRODITE

"Magandang umaga Mahal na Pag asa, tutuloy kana ba?". Kalalabas ko lang sa karwahe ay tumingin ako kaagad sa taas ng bundok at sa bukana nito. I took a deep breath and looked around. 

Umuulan parin ng snow, mabuti nalang at makapal ang ibinigay saakin na mga tela. Si Amara ay nasa loob ng karwahe at inaayos ang kaniyang  sarili. 

"Kailangan ko munang ayusin ang mga gamit ko Hiope. Hindi bat sinabi ko saiyo na Ryy nalang ang itawag mo saakin?". Nakangiti siyang lumapit saakin at iniabot ang isang baso ng mainit init na tia-a.

"Paumanhin Ryy, nasanay lamang ako sa binabanggit ng lahat, at isa na rin iyong pag papakita ng respeto Kamahalan". Umiling ako at humigop. Hindi ko na kailangan pang hipan ang mainit na tia-a dahil sa lamig palang ng panahon ay maaalis na kaagad ang init.

Para bang may yelo sa bunganga ko na hindi ko manlang ramdam ang init ng iniinon ko. 

"Gusto ko sanang humingi ng paumanhin dahil sa pag hihintay niyong lahat ng matagal na panahon. Alam kong hindi niyo inaasahan na mag tagal ako sa loob, maging ako ay hindi ko alam na ganun ang mangyayari". Pahayag ko. She smiled at me.

"Narinig ko lang din sa iba Ryy, napakaganda raw ng Diyosa sa loob ng piramidong iyon. Naisip ko na maaring nahulog ka sa kaniya kaya hindi mo na nais na lumabas". Natawa ako ng mahina dahil iyon ang totoo.

"Napaka ganda nga ng Diyosa Avery, Hiope. Hindi ko maipaliwanag ang lahat ng nangyari sa loob, hindi ko kaagad namalayan na matagal na pala ako doon, ni hindi ko alam kung hapon na ba o umaga na". Banggit ko. 

"Iyan din ang sabi ng Hermanis noon Ryy maging ang mga nakatataas. Hindi mo mamamalayan na tulog kana ba, o umaga na ba o gabi dahil sa kakaibang tinig at himig ng mga nilalang sa loob".  Tumingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, now she got my undivided attention. 

"Teka Hiope, naaalala ko na sa tuwing kumakanta ang mga sirena-". Naputol ang sinasabi ko dahil nagulat siya.

"Ibig sabihin totoo ang sabi sabi ng lahat na puro sirena ang laman ng piramidong iyon?!". She asked me still shocked about my statement. 

"Hindi lahat ay sirena, bago ako umalis nakilala ko si Lanister,  isa siyang kakaibang ibon na may mabughaw na mga pakpak.". Tumango tango siya.

"Ang Diyosa ay isang napaka gandang sirena Hiope, pati na rin ang iba niyang kasama ay mga sirena, nakilala ko rin si Amaya, isa rin siyang sirena. Napaka bait nilang lahat". Nakangiting kwento ko. 

"Nakakagulat Ryy. Ngayon alam ko na ang isa sa laman ng mga piramidong lagi naming nadaraanan". Bulong niya. 

"Hindi ka maniniwala sa lawak ng dagat sa loob, hindi ko maisip na sa loob ng isang piramido na nasa gitna ng mainit na desyerto ay mayroong karagatan. Kakaiba lamang ang pakiramdam". I said smiling.

"Napaka mapalad mo Ryy". Natawa kaming pareho, tyaka naman dumating si Toni. Ngumiti ako sa kaniya nang yumuko siya para batiin ako.  

"Kailangan mo nang pumasok mahal na pag asa". She said. Kaya tumingin ako kay Hiope at tumayo na para bumalik sa karwahe.

Habang nag lalakad ay may inabot saakin si Toni.

"Isang liham galing sa Kinsayas, at isa ring liham galing sa piramido ni Diyosa Avery". Napangiti ako ng matamis at napatingin sa mga papel na iniaabot niya saakin. 

 The Hermaphrodite  {COMPLETED}Where stories live. Discover now