Chapter 40

2.3K 157 17
                                    

HERMAPHRODITE

Tatlong araw na kaming nag lalakbay at hindi ko inaasahan na ganito pala kahirap ang lalakbayin. Para makarating sa bundok asgal kailangan pa palang malampasan ang bundok na kasalukuyan naming dinaraanan.

Tumingin ako sa labas, ang sabi ni Pia ay may bagyo at kailangan parin naming mag lakbay. Hindi dapat matapos ang bilog na buwan, kailangan naming makarating doon sa tamang oras.

Hindi ko naisip na puro nyebe pala ang daraanan makapunta lang sa Bundok ng Prinsesa. Tho I love snow, I just hate the weather, bumabagyo kasi ng snow at sobrang nilalamig ang mga kabayo at mga tauhan namin. 

Mabagal lang ang usad ng karwahe na alam namin na hindi makakatulong sa pag mamadali namin. Sa tatlong araw na pag lalakbay namin ay hindi kami tumigil, ang kinakain namin ay tanging mga prutas lang.

Sa pag kakataon na ito, dalawang karwahe ang meron, una ay ang sinasakyan namin, pangalawa ay ang kina Martha at Pia, nadagdagan din ang tao na kasama namin dahil medyo wild ang pupuntahan namin.

Buntis si Martha kaya kailangan niyang manatili sa loob ng karwahe. Nais ko sana siyang kausapin ngunit sa tingin ko hindi ito ang tamang panahon para gawin iyon.

And speaking of Amara, she's still distant, she doesn't want to talk to me, ni tignan ako ay hindi niya magawa. Magkatabi nga kami ngunit parang wala akong kasama sa loob ng karwahe na ito. At wala akong alam na paraan upang magkaayos kami. 

"Hindi mo na ba talaga ako kakausapin Amara? Mahal ko nangungulila ako". Bulong ko sa kaniya. Yumuko ako para kunin ang isang mansanas, iniabot ko ito sa kaniya pero umiling lang siya. 

"Ngayon ka lamang nangulila Ryzel". Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na mag sasalita siya, for how many days ngayon lang niya ako kinausap. 

"Hindi mo alam ang aking nararamdaman. Masakit para saakin na hindi mo ako kausapin manlang o matignan". Bulong ko. Malakas ang ihip ng hangin at sobrang lamig.

Yakap ni Amara ang kaniyang sarili.  

"Masama lamang ang loob ko Ryy. Akala ko ay lalabas ka kaagad ngunit umabot na ng anim na buwan bago ka lumabas.". Pahayag niya. Lumapit ako nang kaunti sa kaniya at ngumiti ng kunti.

"Hindi ko din alam ang nangyari sa loob Amara, masyadong mabilis, hindi ko namalayan, wala akong naaalala na ganun na pala ako katagal sa loob. Ngunit aaminin ko saiyo na nagkaroon ako ng malalim na koneksyon sa Diyosa Avery at hindi ko maitatanggi kung gaano siya naging mabait saakin". Mahabang pahayag ko. 

"Nanaisin mo pa ba ako? Dahil alam kong mas nakalalamang ang Diyosa kaysa saakin, na isang alalay lamang at walang maipag mamalaki saiyo Ryy". Nakitaan ko siya ng luha at agad niya itong inalis. 

Tumayo ako at lumuhod sa harapan niya. Kinuha ko ang kaniyang mga kamay at sobrang lamig ng kaniyang balat kompara naman saakin.

Para bang isa siyang bangkay, o talagang nilalamig siya ng subra. Dinala ko ang kaniyang mga palad sa mukha ko upang iparamdam ang init na hatid ko sa kaniya.

I kissed the back of her hands slowly and I stared at her for a very long time. From her blue eyes ay naging kulay pink ang kaniyang mga mata, and I guess that is a good sign.  

"Magdaan man ang ilang magagandang mga binibini, makalimutan man kita panandalian dahil sa misyon na ito Mahal ko ay hinding hindi ka mawawala dito". Turo ko sa aking puso.

"Inaamin ko, na simula una hindi kita maalala, ngunit nitong pag labas ko, lagi kitang panaginip. Hindi ko alam na ikaw iyon dahil may bagay na pumipigil saakin upang maalala ka". Pahayag ko. 

 The Hermaphrodite  {COMPLETED}Where stories live. Discover now