Chapter 4

3.7K 243 7
                                    

HERMAPHRODITE

"Ano ba sa tingin mo ang nais mong isuot Ry?". Tumingin ako kay Amara.

Natawa ako ng mahina.

"Pag susuotin mo ako ng Dress Amara? Sa tingin ko mas okay na mag suot ako ng ganyan sa suot ni Pia". I said.

"Ayaw mo mag suot ng bistida? Sa tingin ko naman ay babagay sa iyo ang kasuotang ito. Ngunit kung hindi mo nais ay maaari kitang ihanapan ng iyong masusuot". She muttered, tumango lang ako at tumingin ulit sa bintana.

Kanina pa ako naaamazed sa lugar na to, sayang hindi ko nadala ang camera ko, kahit sana ang cellphone ko.

Nakakainis ang matsing na iyon.

"Pwede akong lumabas?". Tanong ko kay Pia na nakaupo sa upuan habang nag tatahi. 

"Hindi kapa maaaring lumabas hanggat hindi pa napapalitan ang iyong mga suot Ryy, kailangan mo munang manatili rito". She mumbled.

Lumapit ako sa kaniya para tignan ang tinatahi niyang mga tela.

"Para kanino ang mga iyan?". I asked her, kumuha pa ako ng tela para tignan.

"This is so soft". Bulong ko sa sarili ko. 

"Kami ay ang nag tatahi ng susuotin ng mga Prima, kung minsan ay susuotin naman ng Reyna".

"May Reyna dito?". Gulat na tanong ko.

"Oo, at mayroon ding Prinsesa". Napa wow ako sa hangin.

I can't wait to see the beauty of this unbelievable world. 

"Ito na Ryy, maaari ka nang mag palit, nandito ang isang silid, siguro habang nandito kapa ay makikitabi ka saamin ni Pia". Ngumiti ako to hide my confusion.  

"Ahh kasii.. Sige maraming salamat Amara". Pahayag ko at kinuha ang mga damit sa kamay niya.

Pumasok ako sa isang kwarto, may dalawang higaan na sa tingin ko ay kay Amara at Pia.

Makikitabi ako sa isa sa kanila, hindi pwede.  Pero wala akong magagawa.

Tinignan ko ang damit na ibinigay ni Amara, isang long sleeve na puti at ang pares ay brown na half pants, malambot ang tela at medyo malamig sa katawan kaya napangiti ako. 

Mukhang kailangan ko nang masanay sa pag susuot ng ganitong mga damit.

"Ayan, tapos na ako. Kamusta?". Nakangiting tanong ko sa dalawa. 

"Maayos lamang kami". Natawa ako sa sagot ni Pia.

Damn.

"I mean, bagay ko ba ang ganito?". Tanong ko.

Tinignan nila akong pareho at ngumiti.
"Oo naman, mas naging kaakit akit ang iyong itsura sa kasuotang iyan. Mag sisimula na akong igawahan ka ng ganyang pares upang mayroon kang pamalit". She said, I smiled at her.

 The Hermaphrodite  {COMPLETED}Where stories live. Discover now