Chapter 27

2.8K 164 10
                                    

HERMAPRHODITE
[Pangalawang Pag lalakbay]

"HANDA na ang lahat sa pag alis Ryy". Pia said. I just nodded at ngumiti. I watched them while fixing our things. Inalis na rin nila ang lahat ng tent lahat ng bakod at dinala nila lahat upang magamit sa susunod na piramido. 

"Mananatili lamang kami dito sa taas Mahal na Pag asa. Sana ay hindi kayo mainip sa pag hihintay". Sabi ni Hiope. 

"Drop the title Hiope. Huwag mo na akong tawagin na mahal na Pag asa. Tawagin mo nalang akong Ryy". Pahayag ko. She smiled at me at tumango.

"Sige Ryy". Lumapit ako kay Amara at kay Martha. They are carrying some bags kaya lumapit ako para kunin ang dala nila.

"Kaya na naming buhatin ang mga ito Ryy.". Sabi ni Amara. Pero ngumiti lang ako at nag lakad na dala ang mga bag. 

"Handa na upang umalis". Sabi ni Toni.  kaya lahat kami pumasok sa malaking karwahe na para bang isa nang bahay.

I am just so blessed because of them and thinking about this huge karwahe, bumabalik sa isip ko ang totoong mundo ko. Ano na kaya ang ganap sa mundong earth.

I am just wondering kung ano na ang oras doon, ano na ang buwan at anong taon na. Malay mo, kung dito mabilis ang takbo ng oras ay mas mabilis pa pala doon kapag nandito ako sa loob. 

I can picture this huge karwahe na para bang ganun sa van na sinasakyan ko whenever na may mahaba kaming biyahe. Para kasing pareho, ang kaibahan lang ay ang karwahe na ito ay pinapagana ng Kabayo. It's old fashion and old design yet it is so very comfortable and beautiful. Para itong sasakyan ng Royal Family.

You can stay at the top kasi may bubong naman, and you can stay at the back kasi malawang naman, or you can stay in the front kasama nila toni.

Meron din sa loob, mas malawang at mas okay dahil hindi malamig, hindi ka mababasa at may komportableng higaan. I can't imagine kung gaano siya katibay kasi ang dami naming dala pero kayang kaya parin.

Kaya nga lang, kailangang anim na kabayo ang hihila. They say na mahaba ang biyahe, I can not imagine kung gaano kapagod ang mga kabayo.

The karwahe starts to move ibig sabihin mag sisimula na ang pangalawang paglalakbay.

"Parang gusto kong mag stay sa taas kasama sina Pia". I said to Amara. She's beside me, looking at the medium window na meron ang karwahe. 

"Mahahamogan ka doon Ryy. Maaring magkasakit ka". She said worriedly. Ngumiti siya saakin and she's so beautiful. I can't imagine how beautiful she was.

"Do you remember what I said bago ako pumasok sa kinsayas?". I asked her. Her eyes are so innocent, her lips are naturally pink and her skin is beautiful, it looks so soft. 

Napangiti ako nang naguguluhan siya sa mga sinabi ko.

"Naaalala mo ba ang mga sinabi ko sayo noong bago pa ako pumasok sa Kinsayas?". I asked again.

Tumango siya, her mouth smells so good. Nakakaadik na amoy. Mayroon ba silang toothpaste at tooth brush dito? O kahit na anong mouth wash para maging ganito kabango ang maamoy ko? So natural. 

 The Hermaphrodite  {COMPLETED}Where stories live. Discover now