Chapter 17

3.1K 203 22
                                    

HERMAPHRODITE

Kasama na namin si Martha sa napakalaking karwahe na sinasakyan namin, inutusan ako ng isang kawal na umupo sa malaking upuan kaya sumunod ako.

Habang sina Amara, Pia at Martha ay nasa gilid ko na nakaupo sa upuan.

Ang gara ng upuan ko, parang upuan ng Hari, puno pa ng mga mababangong bulaklak ang sinasakyan namin ngayon.

Naaalala ko tuloy ang Fiesta o kaya peoples day sa New york kung saan may mga floating avatars, floating cartoons,  mga malalaking lobo at mga sasakyan na puno nang design kasi nakasakay doon ang mga big celebrities.

Parang dito rin, nag sisimula palang ang parada ang ingay na ng mga instruments na hawak ng mga kawal.

Nakasuot ako ngayon ng gintong long sleeve na may lining na puti, may suot din akong cowboy hat pero gold siya at may mga sabit sabit. Para akong nasa mexico.   

Ang sinasakyan kong karwahe ay puno ng mga bulaklak at napapalibutan ng daan daang mga babaeng kawal. Nakakaamazed lang.

Habang pababa ang karwahe, doon na nag silabasan ang mga tao at nag simula silang isigaw ang pangalan ko. Ang iba ay tinatalsikan ako ng tinatawag nilang Banal na tubig, ang iba naman ay binabato ako ng papuri at mga bulaklak na nahuhulog lang sa loob ng karwahe.

"Napakaganda ng biyaya ng Apo!". Sigaw ng isang matanda.

Marami pa silang sinisigaw, puro magaganda at akma, pero naiilang ako kasi parang ako ang Diyos nila? Parang napaka halaga kong tao at kung sino man ang mananakit saakin sigurado akong ikamamatay niya.

"Tulungan mo kami Aming Pag asa!".

"Lahat kami ay nag hihintay sa iyong pagdating!". 

Nadaanan narin namin ang isang pyramid, damn subrang laki at ganda ng unang pyramid.

Napatingin ako sa likod para tignan ang daan kasi parang kaaalis lang namin bakit nasa tapat na kami kaagad ng unang pyramid.

Pagkatingin ko nagulat ako dahil sa subrang layo na pala ng naabot namin, maraming mga tao ang nag sisiksikan para lang mahawakan ang karwahe na sinasakyan ko.

This is the first time na nakita kong nakangiti ang mga tao dito, they are so happy and it made me happy too..

Ang sabi ng Reyna, sisilip ang mga Diyosa nang mga piramido, pero kanina pa ako nag hahanap ng pwedeng bintana pero wala.

Gusto ko sanang makita kung talagang diyosa nga sila, yun bang maganda at sexy? Para naman sulit ang stay ko.

Damn my perverted mind. I looked at my Amara.

Nagtama ang mga mata namin at parang proud siya saakin, sa una palang na nakita niya ako ipinag tatanggol na kaagad ako ni Amara. She always have a place in my heart na hinding hindi mapapalitan ng iba.

I love her smile. Nagkatitigan pa kaming dalawa, para bang kinakausap ako ng mata niya telling me that She's proud of me and she's happy because Im here, sitting in a fancy chair. 

May something kay Amara na nag papatibok ng puso ko, maliban sa kamukha niya si Maria Clara sa libro ay nahulog ako sa kabaitang loob niya.

I don't know, I never love someone, kung pag mamahal nga ang nararamdaman ko kay Amara then Im human.

Sa twenty years na existent ko sa mundo wala akong ibang minahal kundi ang mga magulang ko, I never love someone romantically but this girl, I think Im inlove with her.

Pero hindi ko sasabihin sa kaniya yun, I don't want her to get hurt. Ayaw kong saktan siya, She's like my medicine. She's special to me.

Ayaw kong maging unfair sa kaniya sa mga panahong nakikipag siping ako sa ibang babae habang siya ay nasasaktan.

Ayaw kong paasahin si Amara,  if ever na masabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko, alam kong mahihirapan ako.  Kaming dalawa.

Hindi ko pa man alam ang nararamdaman  niya para saakin, Im  not even sure kung mayroon ba o wala pero sana kahit na kunting nararamdaman manlang para saakin ay meron.  

I smiled at her, God! Anong ginawa ko para mabuhay kasabay ng babaeng ito. She's gorgeous and I don't know, lahat na ng  magagandang katangihan nasa kaniya.  

She's my muse, My one and only Amara.

"Aming Pag Asa!! Maaari mo bang biyayaan ang aking anak?!". Napatingin ako sa isang matanda.

"What do you mean?". I whispered.

"Bigyan mo rin ako ng apo Aming pag asa! Hindi lang ang mga Diyosa at ang Reyna ang dapat makinabang sayo!". Sigaw pa niya.

Nalampasan na namin ang ginang na iyon. Ano sa tingin niya ang sinasabi niya.

"Huwag mong babastusin ang Pag Asa matanda!". Rinig kong sabi ng kawal.  

Nasaan kaya ang Reyna? Kanina pa siya hinahanap ng mga mata ko. Sumama ba siya?

Nalagpasan narin namin ang pangalawang Pyramid ng hindi ko nalalaman, ganun naba kabilis ang usad ng parada na to?   

"Hermaprodayte!  Mabuhay ka at muling buhayin ang aming Kartiliya!". Sigaw nilang lahat ng paulit ulit.

Kumakaway ako sa lahat na para bang isang kandidato sa botohan. 

I mean, sinong hindi matutuwa sa ganitong pangyayare? Kahit na sanay na akong tinitingala ng lahat dahil sa mga title ko sa boxing and fighting wala paring katulad ang pagmamahal ng mga tao ng Kartiliya.

They are amazing people, noong unang nakita ko sila  akala ko mga masasamang tao sila, ang dating mga manunugal ay tumigil upang mag tapon ng mababangong bulaklak para saakin. 

Tumingin ako sa ibaba, damn she's so beautiful at hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

May hawak siyang isang rosas at inamoy niya ito na para bang isang Diyosa. I wish I was the one who gave that Rose to my Amara.  

Gustong gusto ko siyang lapitan at halikan, I remember our first kiss. Sakto pa na tumapat kami sa Bahay labanan.

Kung saan doon nangyare ang unang halik ko sa kaniya. 

I will never forget that kiss. Babaunin ko yun sa pagtanda ko. 

Sana makasama ko siya ng mas matagal pa.  

"Nagugutom ka ba Ryy?". Hindi ko alam na nakalapit na pala siya saakin. Nakatayo siya ngayon sa gilid ko.   

"Paano ako magugutom kung sa amoy at presensya mo palang ay busog na ako?". Biro ko sa kaniya dahilan para matawa siya.

"Mahaba pa ang dadaanan natin Ryy, kung ikaw ay nauuhaw o nagugutom sabihin mo lamang saakin". She said. Ngumiti ako at tumango.

"I will My love.".. damn. That was a lowkey confession.

 The Hermaphrodite  {COMPLETED}Where stories live. Discover now