Chapter 31

2.6K 154 22
                                    

HERMAPHRODITE

Nagsimula akong mag lakad, kanina lang ay nakikita ko ang mga tent at sila Pia but now? I'm completely alone habang nag lalakad papasok sa bunganga ng pyramid.

Sobrang tahimik at ang naririnig ko lang ay mga tunog ng mga paniki, minsan ay mga kakaibang tunog dahilan para mapayakap ako sa sarili ko. 

Sa buong pag lalakad ko papalapit sa isang falls, I don't know and I don't have any idea kung saan nang gagaling ang falls, kasi ang naaalala ko isa itong pyramid.

Habang palapit ako ng palapit doon, ang mga bagay na iniisip ko kanina ay unti unting nag lalaho. Sa pagkakataon na ito nasa isip ko si Adalthy at ang mga supling sa tiyan niya.

At sa kabilang parte ng isip ko ay si Amara. Alam ko na ang mangyayari, na kapag nakapasok na akong tuluyan ay maaalis at mag lalaho sila sa isipan ko.

Ayaw kong mangyari iyon but I can't help it. I need to do this, I have to finish this mission para makita ko ang mga magiging anak ko at lalo na ang makabuo ng family together with my Amara. 

"Oh damn!". I immediately stop. Parang mahuhulog ang puso ko dahil sa muntik na akong mahulog sa malalim na bangin.

I study the place, it was strange, sa harap ko ay falls, sa lupang inaapakan ko ay nahati ni hindi ko akalain na dulo na pala ang inaapakan ko. 

Ito ba ang tahanan ng diyosa Avery? Where is she? Do I need to do something para lang lumabas siya or? I don't have any idea kung paano mag tawag ng Diyosa, lalo nat hindi ko naman kilala. 

But thinking about this falls? Paano nag ka falls sa loob ng pyramid? 

"Maligayang pag dating Mahal ko". A very beautiful voice. Parang gusto ko nalang matulog dahil sa ganda ng kaniyang boses. Her voice is so soft. I closed my eyes just to feel every words, paulit ulit nalang ang tunog sa isip ko. 

At parang ayaw ko nang maalis pa sa pandinig ko ang boses na iyon.

"Buksan mo ang mga mata mo Mahal ko. Maligayang pag dating". Muling pag sasalita ng kung kanino mang boses ang humahagod sa pandinig at sa puso ko.

Parang ayaw kong mag mulat ng mata, nais ko nalang umupo sa gilid at paulit ulit na pakinggan ang mala anghel na boses na iyon. 

"What are you doing to me Goddess? I feel like i'm in cloud nine. I can feel all my happiness, it was amazing, and all I can feel is my blissful emotion. I feel like i'm naked, I am vulnerable under your gaze". I said softly with my eyes close. 

I can't described the magic running through my body. I feel like all my veins are celebrating. 

"Buksan mo ang iyong mga mata Mahal ko, at sundin ang aking mga ipag uutos". Lalo akong napangiti nang mag salita muli ang nilalang na iyon. 

"Ikaw na ba ang Diyosa Avery?". Tanong ko. Sinusubukan na palambutin ang aking pananalita. 

"Isipin mong mabuti ang nais mong malaman Mahal ko. Imulat mo ang mga mata mo at gawin ang aking nais". Sa pagkakataon na ito, nag bukas ako ng mata.

I look around hoping that I will see her. How can a woman have a very angelic voice? 

At last, tumingin ako sa malalim na bangin, na hindi ko alam kung gaano kalalim dahil wala akong nakikitang binabagsakan ng tubig. 

"Tumalon ka Ryy, Tumalon ka upang masilayan mo ang aking mundo. Tumalon ka upang masilayan mo ako. Tumalon ka upang maramdaman mo ako. Tumalon ka at sundin ang aking nais. Tumalon ka at subukang mag tiwala. Tumalon ka upang maalis mo ang anu mang takot, poot, pag aalinlangan, sama ng loob at pagka makamundo. Tumalon ka Ryy". Paulit ulit.

 The Hermaphrodite  {COMPLETED}Where stories live. Discover now