Chapter 39

2.2K 156 10
                                    

HERMAPHRODITE

"Amin na ang kamay mo kamahalan!". Sigaw ni Lanister, agad kong kinuha ang kamay niya at tinulungan niya akong makasampa sa huling hakbang.

"Maraming salamat". Banggit ko. Tumayo ako nang maayos at tumingin sa inakyatan naming hagdan. It was so challenging at napaka hirap umakyat. Lalo nat napaka dulas ng bawat pag hakbang mo.

"Maayos ka lamang ba Kamahalan?". Tanong niya. I look at her and nod.

"Hinihingal lang ako ng kunti. Muntik na akong mahulog". Natawa kaming pareho. Umupo kami sa gilid at sumandal.

"Isa ka rin bang sirena?". Tanong ko sa kaniya nang iniabot niya ang banga ng tubig.

Umiling siya.

"Hindi Kamahalan, isa ako sa mga alalay ni Diyosa Avery". Sagot niya.

"Ibig sabihin lagi mo siyang kasama?". Tanong ko..

"Oo Kamahalan. Ako din ang magiging tagapag alaga ng inyong magiging supling". Napangiti ako sa sinabi niya..

"Kung ganun nga, may gusto akong iparating sa kaniya, at nais ko sana na ikabit mo ito sa aking magiging anak kung sakali na hindi ako makabalik Lanister". Sambit ko. Kumuha ako ng isang papel sa sketch pad ko at kinuha ang lapis.

Umupo ako nang maayos at nag simulang gumawa ng liham para kay Avery.

Mahal kong Avery..

Alam kong darating ang araw na aalis ako at hindi ko alam kung kakayanin ko bang hindi ka makita sa pang araw araw, alam kong may nag hihintay saakin sa ilabas at kailangan ko ng kasagutan, may malaking dahilan kung bakit nais nila akong lumabas Mahal ko. Sa aking pag alis ay sana maalagaan mo ang iyong sarili, kung sakaling ikaw ay mag buntis, nais kong maipangalan mo sa kaniya ang pangalan ng aking ina, Ramese, Ramese ang pangalan ng aking ina Mahal ko. Hanggang sa muli, babalik ako at sana sa pag balik ko wala nang bagay na nais tayong pag hiwalayin.

Ryzel Santiago

I wiped my tears at hinanap ang bracelet na binili ko pa sa Rio. Hindi ko maintindihan ang nangyayari saakin, bakit naaalala ko ang mga magulang ko at mga alaala ko sa labas ng mundong ito pero bakit hindi ko maalala kung may nag hihintay ba sa labas ng piramidong ito.

"Nais kong ibigay mo ito sa Diyosa, at ito naman, nais kong isuot mo sa kamay ng aking magiging anak sa panahon ng kaniyang kaarawan, kung siya ay mag isang taong gulang Lanister". Sabi ko sa kaniya.

"Bakit mo ibibigay saakin ito kamahalan kung babalik ka naman?". She asked. I shook my head.

"Hindi ko alam Lanister.". May feeling ako na babalik lang ako dito ng isang beses pag katapos ay wala na.

Masakit man isipin pero kailangan.

"Nasabi saakin ng tagapag bantay sa pinto ng piramido ay may mga grupo ng tao ang naninirahan sa tapat. Maaaring sila ang nag hihintay saiyo Kamahalan". Pahayag niya.

"Maaring sila nga.". Tumayo ako at inayos ko na ang aking sarili.

"Sa pag labas mo sa pintong iyan Kamahalan ay matutunghayan mo kaagad ang mga taong nag hihintay saiyo. Mag iingat ka sa iyong huling lakbay at sana ay malampasan mo kung ano mang bagyo at unos ang mararanasan mo. Nalalapit na ito Kamahalan". Huling pahayag ni Lanister bago nag bukas ang pakpak niya at nag pahulog siya sa mataas na talon.

Nakakagulat. Akala ko ay isang karaniwang tao lang si Lanister. Ngumiti ako ng matamis at hinawakan ang pinto.

"Paalam Lanister". Bulong ko at binuksan ang pinto. Lumiwanag ang pinto kaya tinakpan ko ang aking mga mata.

 The Hermaphrodite  {COMPLETED}Where stories live. Discover now