EPILOGUE

9.7K 111 11
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

"WAG KA MUNANG UMALIS!!!" Sigaw ko dito kaya natigilan ito at humarap sa akin akmang magsasalita ito ng agad ko ng unahan kita ko pa ang pag kalito sa kanyang mukha.

"Bantayan mo ang mga anak mo" ngumiti naman ito ng tipid at lumapit sa triplets.

"Mag luto ka!"

"But-"

"MAG LUTO KA SABI NAGUGUTOM AKO!!" malakas na sigaw kaya lumabas naman ito kaya agad kong sinundan binuksan nito ang ref at nag hanap ng pwedeng lulutuin palihim naman akong napangiti.

Pinanood ko ito hanggang matapos mag luto.

"linisin mo ang buong bahay" utos ko at sinilip ang kanyang niluto napangiwi pa ako dahil over cook ang gulay niya.

"S-sige"

Nakaramdam ako ng awa habang nakatingin dito na nag lilinis pawis na pawis narin siya pero parusa niya yan kaya dapat hindi ako maawa.

Ng matapos itong mag linis ay agad niyang hinubad ang damit niya at ginawa pang pamunas sa kanyang mukha samantalang hindi ko naman maiwas ang mata kong nakatingin sa kanyang katawan.

Ngayon ko lang napansin ang daming nag bago sa katawan niya pumayat siya at mabuhok na ang dibdib niya pero maganda parin ang katawan nito agad akong napa iwas ng tingin ng tumingin siya sakin.

"Palitan mo ang mga damit ng mga bata." mabilis kong utos ng makitang uupo siya tumango ito at ngumiti sakin pero inirapan ko lang siya sinundan ko pa ito hanggang makarating kami ng kwarto.

Nag kalkal ito sa closet ng triplets at mukhang naguguluhan pa siya para hindi alam kung anong ipapasuot sa anak niya kaya agad akong lumapit dito at pinakita sa kanya ang mga pangalan nila.

"Pakilinis narin ang bathroom." utos ko ulit ng matapos niyang bihisan ang mga bata tulad ng dati ngumiti lang ito pero alam kong pilit na halata naman na pagod na siya.

Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na ito gusto ko pa sanang mag reklamo dahil parang ang dali niya lang mag linis pero nangibabaw na ang awa ko.

Matapos niya ang trabaho niya ay nag hanap naman ito ng damit niya wala narin akong alam na ibang iuutos sa kanya.

Ramdam ko ang pag tingin niya sakin kaya napalunok ako.

"U-ung k-kwarto ni tress nalinis mo na ba?" Kabadong tanong ko dito at hindi magawang tumingin sa kan.

"Yeah"

"Ahm a-aalis na ba ako" huminga ako ng malalim at hindi makatingin sa kanya paano ko sasabihin sa kanyang wag siyang umalis.

Agad akong nag isip ng pwede pang ipagawa sa kanya pero wala talagang pumapasok sa utak ko.

"T-tawagan m-mo nalang ako pag may k-kailangan ka."tang ina naman scarlet, namasa na naman ang mata ko sabay silip dito na palabas na ng pinto.

Napaiyak ako ng makalabas na ito.

"GAGO KA TALAGA!!" malakas kong sigaw at mabilis na tumakbo sa pinto at niyakap ito mula sa kanyang likod wala akong kaideya ideya sa aking ginagawa basta ang alam ko lang ayoko siyang umalis.

"Aalis ka na naman pagkatapos mo kaming iwan at hindi nag pakita ng matagal tapos iiwan mo na naman kami!"

"Gago ka talaga kahit kailan , hindi mo na ako mahal!"

Matagal siyang hindi nagpakita samin at aalis na naman siya.

"Kala ko ba gusto mo akong umalis it's okay for me basta tawagan mo lang ako pag may kailangan ka at isa pa diba ayaw mo muna akong makita" dinig kong sabi nito dahilan para mas lalo kong higpitan ang pag kakayakap sa kanya.

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon