CHAPTER 60

6.2K 109 11
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

Nagising ako ng maramdaman na parang may nakapulupot na braso mula sa bewang ko dahan dahan akong gumalaw kasabay naman ng pagkawala ng bigat mula sa bewang dahilan para mapabangon ako. Agad kong tinignan ang paligid ko bago dumako ang tingin ko sa mga baby ko na tulog na tulog naman.

"Tyler" napatakip ako ng bunganga ng kusa ko nalang mabigkas ang pangalan niya huminga ako ng malalim at inayos ang sarili bago bumaba ng kama at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

Nanaginip lang ako.

Habang umiinom ako ng tubig ay narinig ko naman ay iyak mula sa kwarto kaya agad akong bumalik para tignan iyon, si baby tristan pala agad ko itong nilapitan at kinarga pero nagulat ako ng may makitang tao na tumalon palabas mula sa bintana agad kong naibaba si tristan at mabilis na sinundan ito pero bigla nalang itong nawala bigla akong kinabahan at mabilis na ni lock ang bintana.

Napatingin ako sa anak ng tumigil ito sa pag iyak.

Hindi ako nanaginip totoong may tao dito sa kwarto namin pero sino naman iyon.

Parang may sariling utak ang aking mga paa na lumabas ng bahay.

Natigilan ako ng makita ang isang bulto ng matangkad pilit kong pinalakas ang loob ko kahit ramdam na ramdam ko na ang takot sino ba ito at bakit andito siya sa bahay.

"Sino ka" lakas na loob na tanong ko pero nagulat nalang ako ng biglang mag labas ito ng baril at tinutok sakin 'parang na estatwa naman ako sa kinakatayuan ko ng iputok niya yon at mabilis na lumabas ng gate agad kong kinapa kapa ang sarili ko walang tumama sakin.

"Scarlet!" Dahan dahan akong tumingin sa likod mabilis lumapit si kuya sa sakin at mabilis akong niyakap mukhang nagising silang lahat dahil sa putok ng baril.

"Are you okay tinamaan ka ba!" Nag aalala na tanong nito tumango lang ako at tumingin sa gate kung saan lumabas ang lalaki akala ako talaga ang babarilin niya.

Bigla akong naguluhan ng mapansin hindi kumikilos si kuya parang wala siyang balak sundan iyon e dati dati naman ag may nangyayaring ganto naaelerto siya kaagad pero ngayon wala siyang ginagawa.

"Pumasok kana sa kwarto mo." sabi pa nito na parang walang nangyari para naman akong uto uto na sumunod sa kanya napatingin pa ako sa phone ko ng biglang sunod sunod na tumunog ito.

09*********

I miss you.
I'm sorry, please take care of yourself.
Ayokong madamay ka.
I'll be back soon.
I LOVE YOU

Marami pa itong message pero parang hindi ko na kayang basahin bigla bumilis ang tibok ng puso ko imposible!!patay na ang asawa ko.

Pinag lalaruan ba nila ako.

This is fucking bullshit!! Hindi magandang biro ito parang bumalik sakin ang lahat parang mas lalo nila akong pinapaasa na buhay pa ang asawa ko.

Nakakatangina!!

Ayoko ko ng ganito gusto ko ng mag move on pero paano kung may putang inang nag loloko sakin at gustong gusto akong pagtripan.

Mahal ko ang asawa ko pero hindi maganda ang mga ito lalo nat patay na siya.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko mabilis kong niyakap ang unan at tahimik na umiyak.

Miss na miss ko na siya!! I really miss my husband bakit kailangan mangyari ito.

Napatingin ako sa pinto ng biglang mag bukas pumasok si kuya agad siyang lumapit sakin at mabilis akong niyakap dahilan para mas lalo akong maiyak yumakap ako pabalik dito at walang paki kung mabasa ang damit niya dahil sa luha ko.

"K-kuya miss na miss ko na siya hindi ko kayang mag move on h-hindi ko k-kaya." umiiyak na sabi ko samantalang ito hinahaplos ang likod ko.

"Hindi kita masisisi alam kong mahirap at hindi mo yon kaya dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal wag kang susuko scarlet darating ang araw na maayos ang lahat."

"Alam kong may rason si tyler kung bakit niya ito nagawa sayo."

Hindi ko alam pero naguguluhan ako sa mga sinasabi niya ano bang ibig niyang sabihin bakit parang iba ang meaning sakin ng lahat bakit parang sinasabi niya lang na umalis lang si tyler at may pag asa pang bumalik anytime na gusto niya.

"Shhh mag pahinga ka na." sabi nito kasabay naman ng pag iiyak ng isang baby ko.

"Ako ng bahala matulog kana." dagdag nito bago siya lumapit sa crib kong saan ang nag iingay kita ko ang dadahan nitong pag buhat sa anak ko at kumendeng kendeng na parang ina na pinapatulog ang sariling anak, bigla nalang ako natawa dahil sa itsura niya, agad naman ako nitong tinignan ng masama dahilan para mas lalo akong matawa hanggang pati siya ay matawa narin hanggang sa makatulog ako.

Agad akong napabangon ng makitang mag tatanghali na mabilis akong tumungo sa crib kung nasaan ang mga anak ko pero wala ang mga ito wala silang tatlo agad akong lumabas ng kwarto at mabilis din nawala ang kaba sa dibdib ko ng makita si mama papa at si cathlyn tag isa isang karga napangiti naman ako at lumapit sa kanila kitang kita ko ang tuwa sa kanilang mga mata habang tawa ng tawa naman ang mga bulunggit ko

"Mag breakfast ka na iha tapos na kami pasensya na hindi ka na namin nahintay eto kasing si tress nagugutom na raw" sabi ni mama at tumingin kay tress ngumiti naman ako sa kanila at lumapit kay tress na sobrang seryoso oo palagi nalang siyang seryoso parang si tyler talaga siya

Mabilis kong kinurot ang pisngi nito ng makalapit ako napangiwi naman ito

"Mom stop it" saway nito sakin dahilan para matawa ako

"Ngumiti ka naman ng kahit kunti sige ka mabilis kang tatanda niyan" biro ko dito pilit naman itong ngumiti oo napipilitan talaga siya umupo ako sa tabi nito marami rin akong nababalitaan sa school about sa kanya madalas daw itong napaaway pati babae daw pinapatulan at mas malala pa dahil pati professor niya binabastos niya palagi ko naman siyang sinasabihan pero parang hindi siya nakikinig sakin matigas ang ulo niya mukhang ito ang kinakatakot ko ang mamana niya ang lahat ng ugali ng ama niya

Nag alala rin ako lalo nat may sakit ito

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon