CHAPTER 56

9.9K 146 13
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

Nagising akong masakit ang ulo ko dahan dahan kong minulat ang mata ko at puting kisame agad ang bumungad sa akin nilibot ko ang tingin ko nasa hospital pala ako

Babangon na sana ako ng maramdaman may nakapulupot na braso sa bewang ko agad kong tinignan kong sino ito nagulat ako ng makita si tyler kaya dali dali akong bumangon dahilan para magising ito. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na umiwas.

"Ano ba ang sikip sikip." reklamo ko at tumingin sa kabila kung saan ang laki ng space.

"Hon-"

"Doon ka nga."galit na sabi ko ng maalala ang mga nangyari para naman itong napahiya na agad bumama at pumunta ng sofa.

"Tyler"padabog kong tawag dito agad naman siyang tumingin sakin.

"Thank you" sabi ko sabay irap sakanya naiinis parin ako sa kanya kahit niligtas niya ako nasasaktan parin ako hindi lang sakin kundi narin pati sa kapatid niya at anak ko.

"Thank you for saving me and I owe you that but that doesn't mean I forgive you."

"For what hon" mabilis umikot ang mata ko dahil sa tanong niya.

"Sa pagliligtas mo sakin may iba pa ba." sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya napaka slow niya rin minsan. Hindi ko siya maiwasang sungitan dahil sa mga ginawa niya.

"Hon-" tang inang hon yan nakaka suka.

"Wag ka nang mag salita ang baho ng hininga mo." sabi ko kahit ang layo layo niya at palihim na inamoy ang sariling hininga.

Ewww!

"What-"

"Nagsasalita ka pa." tanong ko at masama siyang tinignan agad naman itong umiwas ng tingin at lumapit sa mga prutas at nag balat ng mansanas.

"Hindi ako nagugutom."

"Hon this is not for you." dahil sa sinabi niya nakaramdam agad ako ng hiya sarap niya tuloy batuhin. Papahiyain pa talaga ako, hindi ko alam kung nanadya ba talaga siya.

Ng matapos niyang mag balat ay kinain niya ito habang nakatingin sakin agad naman akong umiwas ng tingin nahiga ulit ako pero agad din akong napabangon ng maalala ang anak ko

"Nasaan ang anak ko"

"Nasa bahay kasama ni-"

"Tinatanong ko lang kung nasaan at yun lang ang sagutin mo hindi ko naman tinanong kong sino kasama niya"

"Mukhang okay ka na" napataas ang kilay ko ng makitang parang may binubulong ito

"May sinasabi ka"

"I said-"

"Mag sasalita ka pa talaga babatuhin na talaga kita sige subukan mo pa tatamaan ka sakin"

"You asking-"

Hindi ko na siya pinatapos at agad na siyang binato ng unan na agad naman niyang nasalo dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya

Nang iinis siya yun lang ang alam ko gustong gusto niya akong nakikita ganto dahil alam kong natutuwa siya dahilan para mamasa ang mata ko

"Lumayas ka nga dito ayokong nakikita yang pagmumukha mo" sabi ko dito pero nakatingin lang siya sakin at tinuloy ang pagkain ng mansanas na para bang walang narinig

"ANO BA!!" sigaw ko na pero ang gago naka relax lang na parang nanood ng magandang movie habang inis na inis na talaga ako kinuha ko pa ang isang unan at binato sa kanya sa pagkakataong ito hindi na niya sinalo at hinayaan yun na tumama sa kanya

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon