CHAPTER 36

7.6K 125 8
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

Matapos kong maligo ay dumating na si tyler na amoy alak hindi ko siya pinansin at tuloy lang sa pag suklay ng buhok, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa mesang malapit sa higaan namin. Biglang pumasok sa utak ko ang wedding photo na tinapon ko. Hindi ko iyon sinasadya at wala ako sa sariling pag iisip kaya ko nagawa yun.

Nag mukha lang akong walang alam at kinuha ang lotion at ipahid sa mga braso ko at hita ng hindi tumitingin sa kanya.

"Where is our wedding picture." tanong nito at nilibot nito ang mata at kita ko ang pag tataka niya gusto ko tuloy matawa dahil sa kanyang reaksyon really kailangan niya pang hanapin ito samantalang gumagawa siya ng kalokohan ang lakas talaga ng tama ng lalaking to.

"Asan ang ibang gamit ng bahay." dagdag niya, pinag krus ko naman ang braso ko sa tapat ng dibdib ko bago sumagot.

"Nag linis kasi ako ng kalat dito sa kwarto kaya ayun nasama ko ang wedding picture natin ang ibang gamit naman nasira hindi ko naman sinadya sadyang madali lang sila masira at isa mas okay narin yun ayaw mo ba yun naging malinis din ang kwarto walang masyadong nakikita." dahilan ko at ginaya siyang tumingin sa paligid ayaw niya ba mas luminis nga ang kwarto pero mas magiging malinis pa nga to pag wala siya.

"I don't care about those things but the wedding picture." Sabi nito, alam ko naman na wala siyang pake sa mga gamit dito sa bahay kasi pwede naman niya iyon palitan.

"Anong problema don picture lang naman hindi naman importante yon." parang gusto kong sampalin ang sarili matapos kong sabihin ang mga katagang yun mas nangibabaw ang lungkot sa dibdib ko.

"Really that picture doesn't matter to you." napalunok ako at umiwas ng tingin mahalaga sakin yun nadala lang ako ng galit kaya ko natapon.

"Bakit mahalaga ba ang picture na yon sayo I think hindi naman don't worry pwede mo namang palitan yun kasama ang iba." seryosong sabi habang nasa iba parin ang tingin ayoko siyang tignan dahil pag nakikita ko magiging marupok lang ako. Kaagad na tumulo ang luha ko na mabilis ko namang pinunasan. I really hate this feeling.

"Scarlet" tawag nito sakin.

"Tyler" panggagaya ko sa kanya.

"What's your problem" sa mabilis na pangyayari naka tanggap siya sakin ng mag asawang sampal kulang pa nga yon.

"Problema ko wala pero ikaw anong problema mo." sabi ko dito pero nakatingin lang siya sakin at walang emosyon ang mga mata nito.

"I don't understand." Nakakainis na talaga siya.

"Anong problema mo sa akin anong mali sa akin dahil ba selosa ako kaya ka humahanap ng iba tyler hindi mo ako masisisi asawa mo ako! at karapatan kong mag selos sa tingin mo ba okay lang sakin na makita kitang may kasamang iba masisi mo ba kung iba ang takbo ng utak ko." hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak.

"Niloloko mo ba ako tyler." gusto kong masagot ang tanong ko galing mismo sa kanya at hindi galing sa litrato "mahal mo pa ba ako, nag lalaho na ba ang pag mamahal ko sakin." umiiyak kong tanong

"I do not understand what you are saying." talagang nag mamaangan pa siya shit ang gago niya talaga his still womanizer. "I love you so much at hindi kita kayang lokohin, I will never do that, sa tingin mo ba gagawa ako ng ikakasama ng loob mo." Dagdag pa nito.

"Nasasaktan din ako Tyler at please alalahanin mo naman ang anak mo" nakapikit kong sabi. Parang gusto ko nalang lumuhod at magmakaawa sa kanya na wag niya akong ginaganito, ang ayaw ko sa lahat ay ang niloloko ako.

"Hon" mabilis kong tinanggal ang kamay nitong humawak sakin.

Kinikilabutan ako sa tuwing hinahawakan niya ako lalo nat ngayon alam kong galing siya sa babae niya. Bakit ba kailangan niya pang umuwi bakit hindi nalang siya mag stay sa babae niya, at kung sino man ang babaeng yun ay sana makonsensya siya, may asawa at anak na nga yung tao, bakit hindi yun magpakamot sa ibang lalaki at sa walang asawa para naman hindi siya makasira ng pamilya.

"Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko then wag mong intindihin jan ka naman magaling eh ang mag maang maangan wag mo na lang isipin ang mga sinabi ko halata naman na walang kang alam eh." matigas kong sabi dito.

"I hope you don't go home and just stay with your woman." bulong ko habang nakatitig sa kanyang mata.

"Sa kwarto muna ako ni tress." dagdag ko at mabilis siyang iniwan akala ko pipigilan niya ako tulad ng palagi niyang ginagawa pero nagkamali ako hinayaan niya lang ako padabog kong sinara, ang pinto at nanghihinang lumapit sa pinto ni tress ramdam kong malapit ng bumigay ang tuhod ko pero pinilit ko parin makapasok sa kwarto ng anak ko at ni lock iyon.

Napatakip ako sa bunganga ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay at baka maputol ko ang mahimbing na tulog nito.

"Ang sakit sakit na tyler." bulong ko sa sarili ko at tahimik na umiyak.

Kasalanan ko bang madali lang akong masaktan kasalanan ko bang madali lang tumulo ang luha sa konting bagay.

Dahan dahan akong lumapit sa anak ko at tumabi dito.

Kinaumagahan maaga akong nagising dahil baka mauna na naman ang anak kong gumising kesa sa akin para naman pagkagising niya ay kakain na lang ito at hindi na kailangan pang mag hintay.

Napatigil ako ng makita si tyler sa kusina nagluluto na ito mas maaga pa pala ito nagising kesa saakin sabagay palagi naman hindi ko siya pinansin at dumeretsyo nalang sa lababo para mag hilamos at mag tooth brush hindi ko na rin pala kailangan mag luto.

"Good morning." dinig kong sabi nito at lumapit sakin hahalikan na sana ako ng bigla akong umiwas parang napahiya naman itong lumayo sa akin bumuntong hininga ako at sinulyapan ang niluluto niya.

"Tinimplahan na pala kita ng-"

"Sana wag nalang masasayang lang yan hindi ko naman iinumin sayo nalang." masungit na sabi ko at hindi na hinintay ang susunod na sasabihin basta ko nalang siyang iniwan.

"Why are you acting like this."dinig kong sabi niya dahilan para matawa ako.

"Trip ko lang tyler wala naman masama doon diba nakakasawa nadin kasing maging mabait palagi sayo kaya napag isipan kong mang trip muna katulad neto." sabi ko sabay irap sa kanya.

"Nag babago kana." Napairap ako.

"Sino ba ang dapat sisihin dito sino ba ang unang nag bago ako ba o ikaw." tanong ko napayuko ito at mukhang hindi alam kung anong isasagot pero kalaunan din sinabayan niya ang titig sakin at akmang bubuka ang labi nito ay mabilis ko ng inunahan.

"Nasusunog na ang niluluto mo." paalala ko dito bago tuluyang iwan.

Hanggang pumasok ito ng work niya hindi ko siya pinansin napapangiti lang ako kapag kaharap namin si tress.

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now