CHAPTER 6

20.1K 282 48
                                    


SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

"Good morning manang ang aga niyo ho ata ngayon." tanong ko kay manang at umupo.

Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ang sakit. Feeling ko stress na stress ako.

"Ikaw nga nag sabing agahan kong gumising ngayon dahil maaga kang papasok." sabi nito kaya napatingin ako sa kanya, lutang ata ako. May sinabi ba ako? Hindi ko na matandaan.

"Huh" tanging lumabas sa bibig ko.

"Sinabi mo yan kagabi iha nung kararating mo ang sabi mo pa nga bibisita ka sa parents mo." sabi nito naalala ko na, naalala ko na na wala ako sa sarili.

Yeah, I forgot.

Masyadong marami akong iniisip pati ibang tao kasi iniisip ko wala naman akong pake sa kanila kahit ano pang gawin nila, pero hindi ko lang talaga maiwasan mag isip at maawa sa mga kasintahan nila. Buti nalang si Tyler hindi niya ako niloloko, pero pag once na nalaman ko na niloloko niya ako, bahala siya, bahala siya sa buhay.

"Ganon ho ba." tanging sambit ko at uminom ng tubig, napatingin ako sa derestyo sa kanya ng muli itong magsalita.

"Oo iha ayan kumain kana para makaligo kana." sabi nito at tinanggal ang mga takip sa pagkain, nginitian ko siya at nagsimulang kumain.

Matapos kong maligo ay umupo ako sa kama habang nakatingin sa closet ko. Hindi ko alam kung anong susuotin ko, marami naman akong damit pero naguguluhan ako kung ano isusuot ko at kung anong babagay sa pupuntahan ko.

Ang laki ng problema ko diba?

Tumayo ako at lumapit sa closet, Ano kaya magandang suotin?

Napatingin ako sa black dress na regalo sakin ni tyler kinuha ko ito at humarap sa salamin, tinanggal ko ang towel na nakapalibot sa katawan ko.

Napansin kong medyo lumaki ang tiyan ko napaparami ata ako ng kain, masarap kasi mag luto si manang helena, medyo tumaba rin ako.

Sinuot ko na ang dress habang nakatingin parin sa salamin hanggang tuhod ko ito siyaka wala parin, sexy pa rin ako kahit medyo tumaba.

Napangiti ako bago sinuot ang heels na regalo din ni tyler sakin bigla ko tuloy siyang na miss, always naman.

Kinuha ko ang phone at humarap ulit sa salamin at kinunan ko ng litrato ang sarili.

Ng matapos ako ay namili ako ng maganda litrato para i send kay tyler.

Pag ka send na pag send ko ay kaagad naman niya itong nakita hindi siya busy?

Maya maya pay kinuha ko na bag ko sakto namang tumawag si tyler naupo ulit ako sa kama bago ito sagutin.

"[Saan ka pupunta?]" kaagad na tanong nito walang good morning? Hon?, naninibago lang ako.

"Good morning." sabi ko pero hindi siya nakatingin sakin.

"[Yeah saan ka pupunta.]" may diin ang pag kakasabi nito hindi ko alam parang biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ako sanay sa pananalita niya.

"Kila mama nagplano akong bisitahin sila." kalmang sabi ko.

"[Sa kanila lang pala tas ganyan suot scarlet.]" inoff ko ang camera ko dahil namamasa ang mga mata ko dahil lang sa pag tawag niya sa pangalan ko, hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa mismong pangalan ko.

Mabilis lang akong masaktan lalo na kapag siya ang nagsalita.

"[Palitan mo yang damit mo bago ka pumunta gusto mo lang ata pag fiestahan ka ng mga lalaki na makakakita sayo.]" tumulo ang luha bakit ganito siya ngayon.

Hindi ako sumagot at pinatay na lamang ang tawag bakit parang nag iiba siya.

Hindi ko siya pinakinggan at umalis parin ako ng bahay.

Nakarating ako sa kumpanya at ni isa ay wala akong pinansin sa mga bumati sakin tsk tyler.

Pumasok ako sa opisina tulad ng iba hindi ko rin pinansin si cathlyn na ngiting ngiti sakin.

Kinuha ko nalang ang papers sa harapan ko at inayos pina cancel ko rin ang mga meeting ko ngayon dahil nga bibisita ako sa parents ko at mahalagang kaibigan.

Nilagay ko sa isang folder ang mga papers at binitbit ito bago lumabas tulad kanina hindi ko rin pinansin ang kahit sino ang nakasalubong ko masama ang loob ko ngayon.

Hanggang makarating ako sa kotse agad kong pinaandar ito siyaka nakinig ng music dahil isa ito sa nag papagaan ng loob ko.

Huminto ako sa isang flower shop na dating pinag bibilhan ko, ang tagal narin ito.

"Good morning scarlet." bati sakin ni Shein na siyang may ari nito, ngitian ko siya bago makipag beso beso sa kanya.

"Good morning Shein long time no see." bati ko sa kanya.

"Oo nga tagal mo na kasing hindi pumunta dito."

"Masyado kasi akong naging busy."

Nag kwentuhan muna kami saglit bago umalis dala ang isang pumpon ng rosas.

Ihininto ko ang sasakyan malapit sa puntod niya kinuha ko ang bulaklak at binaba sa lapida.

He's my boy best friend he died because of car accident dahil sa kalasingan niya siya rin ang unang umamin na may gusto siya sakin bago si tyler, kaya lang nagkakagusto na ako kay tyler noon.

"Pasensya ka na Jade ha ngayon lang kita ulit nadalaw masyado narin kasi akong naging busy lalo na ngayon wala akong kasama dahil nasa Batangas si tyler." bigla tumulo ang luha ko ng maalala ko ang nangyari kanina.

"Alam mo nagtatampo ako ngayon sa kanya alam mo kung bakit syempre hindi." natawa ako "sinend ko kasi sa kanya ang itsura ko ngayon akala ko matutuwa siya nagkamali pala ako kung ano ano tuloy sinabi niya." muling tumulo ang luha hayts napaka babaw ng iniiyakan ko.

Pinunasan ko ang luha ko at napatingin ako sa phone dahil sa pag tunog dali dali ko tong tiningnan at nagbabakasakali na si tyler pero nagkamali ako si mama lang pala nag message siya at sinabi nito na nasa bahay na si kuya.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili.

"Aalis na ako Jade dadalawin kita sa susunod promise." sabi ko siyaka umalis at pumasok sa kotse nag text muna ako kay mama na malapit na ako bago ko paandarin ang kotse at tinahak ang daan papunta sa subdivision nila.

Sinigurado ko munang maayos ang sarili ko, mabilis pa naman silang manghula, dahil sa galing manghula ng parents ko ay napagkakamalan ko silang manghuhula dati.

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin