CHAPTER 52

8.7K 129 20
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

Agad kong inabot ang cellphone ko mula sa gilid ni tyler dahil pag riring nito, nakita ko naman na si kuya ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello kuya" mahinang sagot ko dito at narinig ko agad ang iyak ni tress mula sa kabilang linya dahilan para mangunot ang noo ko.

"[Sunduin mo na si tress umiiyak ito hindi ko alam kung paano patigilin ikaw ang hinahanap niya]" sabi nito kaya napabangon ako sa pag kakahiga ko.

"Sige kuya gawan mo muna ng paraan para mapatigil ito dahil baka mag suka siya" nag aalalang sabi ko, napatingin ako kay tyler ng haplosin nito ang likod ko ,agad kong pinatay ang tawag.

"Anong nangyari hon"

"Sunduin na natin si tress umiiyak ito" sabi ko at akmang tatayo na ng pigilan niya ako.

"I'll just pick him up. Just rest hon" sabi nito at mabilis na tumayo napalunok at agad umiwas ng tingin na makita ang hubad nitong katawan.

"Are you sure"

"Yes mag pahinga ka nalang" dinig kong sabi nito bago marinig ang pag bukas at pag sara ng pinto.

Ng makaalis ito saka lang ako bumangon at naligo bago linisin ang kwarto ni tress, nag luto narin ako ng pang dinner namin.

Maya maya pay narinig ko ang sasakyang bagong dating kaya agad kong binuksan ang pinto pero napatigil ako ng makitang hindi kotse ni tyler ang dumating, bigla akong kinabahan ng makita si tyrone. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko kundi para sa kanya.

"Good evening anjan ba si kuya kailangan ko lang siyang makausap, pinapatawag din siya ni daddy dahil hindi niya daw sinasagot ang tawag nito" malumanay na sagot nito.

"Ahm umalis siya sinundo si tress kila kuya ako na lang mag sabi sa kanya" agad na sabi ko gusto ko na siyang makaalis kaagad.

"Kanina pa ba siya umalis pwede ko naman siyang hintayin" sagot nito at mabilis na pumasok, napapikit ako bago tumingin sa labas.

"Wag na tyrone pwede ka ng umalis baka matatagalan pa iyon" tumingin ito sakin at biglang ngumiti.

"Ok lang naman iyon namimiss ko na rin si tress kaya hihintayin ko nalang".

"Hindi pwede tyrone pwede bang umalis ka na lang.

"Ahm may problema ba" tanong nito habang nakatingin sakin.

"Tyrone hindi naman sa ayaw kitang magtagal dito sa bahay pero kasi kailangan mo nang umalis baka, baka kasi may kailangan sayo si mama, baka hanapin ka niya, wag kang mag alala sasabihin ko kay tyler pwede ka ng umalis" sabi ko at mabilis siyang tinalikuran agad akong kumuha ng baso at nag kunwaring nauuhaw kahit hindi naman ,sinilip ko pa ito pero nag taka ako ng makitang hindi pa siya tumatayo.

Bigla akong nataranta ng matanaw mula sa bintana ang kotse ni tyler na papasok ng bahay, dahil sa pag kataranta ko nabitawan ko ang basong hawak ko dahilan para tumingin sakin si tyrone agad lumapit sakin at mabilis akong tinulungan, hindi ko rin nasagot ang mga tanong nito. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ng makita si tyler mula sa likod ni tyrone wala akong maisip na pwedeng gawin kaya naitulak ko nalang si tyrone kita ko ang gulat nito pero nung mapansin akong nakatingin sa likod niya ay agad naman nitong tinignan.

"Kuya-" sa sobrang bilis na pangyayari hindi ko namalayan mahigpit ko na palang hawak ang bubog na hawak ko habang si tyler ay mabigat na kamao ang patuloy na dinadapo sa mukha ni tyrone.

"GINAGAGO NIYO BA AKO!!!" malakas nitong sigaw na umalingawngaw sa buong bahay, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko habang nakatingin sa kanya na hindi ko maipaliwanag ang itsura dahil sa sobrang galit.

"TYLER makinig ka muna nagpapaliwanag ako" awat ko dito at mabilis na tumayo kahit nanghihina ang tuhod dahil sa takot.

"GAGO KA SINASAMANTALA MO TALAGA NA WALA AKO DITO SA BAHAY!!!" muling sigaw nito agad akong pumunta sa likuran nito at niyakap, para pakalmahin pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong tinulak ramdam ko ang sakit sa likod ko na tumama sa gilid ng mesa.

"MALANDI KA" sa pag kakataong ito hindi ko na nagawang lumapit pa sa kanya, ngayon lang ako nakarinig ng salitang ganon at sobrang sakit dahil sa kanya pa mismo ng galing, ramdam ko ang pagtulo ng luha ko pero agad ko itong pinunasan.

"Anong bang sinasabi mo tyler pwede bang makinig ka muna wala kaming mali na ginagawa bakit ba ayaw mong makinig" sabi ko dito at tumingin kay tyrone na hirap na hirap at hindi makagalaw napailing ako at tumingin kay tyler na masama ang tingin saming dalawa.

"SINONG GINAGAGO MO HAA!!" paulit ulit akong umiling habang patuloy na bumubuhos ang luha ko natigilan lamang ako ng biglang yumakap sakin si tress na umiiyak.

"B-bakit mo s-sinasaktan si m-mommy at si tito d-daddy" sabi ni tress sa ama niya natigilan naman si tyler at tumingin kay tress bago tumingin kay tyrone bago saakin.

"May nangyari ba habang wala ako" seryosong tanong nito umiling lamang ako.

"SAGUTIN MO AKO"

"Tyler wala ano bang sinasabi mo" mahinang sabi ko at niyakap si tress at tinakpan ang tenga nito.

"TELL ME"

"putang ina naman tyler ano bang pumasok sa isip mo at bakit tinatanong mo ako sa mga bagay na to na wala namang kwenta at bakit wala kang tiwala sakin".

"Tell me ako ba ang ama ni tress" natigilan ako sa tanong nito at mas lalo kong hinigpitan ang pag kakatakip sa tenga ni tress.

Tinatanong niya ba ako kung sino ang ama ng sarili niyang anak napaka gago, ganito ba siya kawalang tiwala sakin?. ganito ba siya kagago para tanungin kung anak niya ang sarili niyang dugo, pinaparehas niya ba ako sa ibang babae na kahit kapatid ng asawa niya ay lalandiin at papatol dito ganito ba ang tingin niya sakin?.

"Gago ka ba tyler pano mo natatanong ang bagay nato sakin bakit mo tinatanong sakin kung anak mo ba si tress ganito kaba ka gago".

"Anak ko ba si tress"

"TANG INA MO TYLER" sigaw ko at hindi namalayang nakatayo na pala ako habang pinag hahampas ko siya.

"BWISIT KA GAGO KA TATANUNGIN MO KUNG ANAK MO BA TALAGA ANG ANAK MO PUNYETA KA!!!" Malakas na sigaw ko dito.

"Tinatanggi mo ba ang sarili mong anak tyler haa" sabi ko dito at yumuko ng maramdaman ko ang pagod.

"Malay ko bang baka anak yan ni tyrone at may nangyari sa inyo habang wala ako-" inipon ko ang buong lakas ko para sampalin ang makapal niyang pagmumukha.

"Ganyan ba ang tingin mo sakin tyler na papatol sa kapatid mo yung totoo nag iisip ka pa ba" sabi ko dito at napatingin kay tyrone na hinang hina na umupo at tumingin sa kuya niya.

"Sa lahat ng sinabi mo kuya wala akong ibang naintidahan kundi ang gago ka" sabi nito dahilan para bigyan siya ng panibagong suntok ni tyler mukhang hindi pa ito nakuntento kaya sinipa niya pa ito ng ilang beses dahilan para bumalik ang lahat ng galit ko sa kanya.

Mabilis akong tumayo at binuhat si tress na hanggang ngayon wala pa rin tigil sa pag iyak, hinihiling ko din na sana hindi niya naintindihan ang lahat ng mga salitang binitawan namin.

Mabilis kaming pumasok sa kwarto ni tress diretso sa cr dahil nag susuka na ito.

"MOMMY" tawag nito sakin habang umiiyak parin.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang isang pinsan ko na luluwas ngayon pabalik sa probinsya, masyadong masakit ang araw na to ngayon at wala na akong ibang maisip kundi ang umalis bahala na siya sa buhay niya.

Kung ganito lang naman...kung ganito lang naman na wala siyang tiwala sakin at malandi lang tingin sakin habang iniisip na hindi niya anak ang sariling anak bakit gugustuhin ko pang mamalagi sa piling niya.

Sa gabing yun tahimik kaming nakaalis ng bahay sa tulong ng pinsan ko.

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now