CHAPTER 37

7.5K 119 1
                                    


SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

Sa mga sumunod na araw hindi nag bago ang pakikitungo ko kay tyler at sa kwarto narin ni tress ako natutulog madalas na rin siyang hindi umuuwi pero hindi nayon naging bago sakin tuloy parin ang pag tanggap ko sa mga litrato na may kasamang babae si tyler.

Mas nahihirapan narin ako dahil hindi ko na kayang mag panggap sa anak ko, nahihirapan na akong umiyak ng tahimik. Parang gusto ko na lang sugurin si tyler at ang kanyang babae pero habang iniisip ko iyon ay nasasaktan na ako.

Gusto kong isagaw lahat ng galit para kahit papano naman sana mabawasan ito pero hindi ko kaya ayokong makita ako ng anak kong nagkaganito.

"Miss ayos ka lang."namalayan ko nalang ang sarili kong tulala sa mga gatas bigla akong napabalik sa wisyo ko dahil sa babaeng nag tanong sakin agad akong humingi ng tawad dahil kanina pa pala ito naghihintay na makaalis ako sa daanan.

Nag grogrocery ako ngayon para sa mga needs ni tress at mga snack na rin niya buti nalang at andon sa bahay si manang helena para bantayan ito.

Tuloy lang ako sa pag tingin tingin ng mga paborito ni tress ng biglang bumangga sakin muntik na akong matumba pero buti nalang nasalo agad ako ng kung sino.

"Maraming salamat." sabi ko dito at inayos ang sarili bago harapin ang sumalo sa akin pero bigla akong natigilan ng makilala kung sino ito.

"Scarlet is that you." tanong nito napaawang ang labi ko dahil sa malaking pagbabago niya mas lalo itong naging gwapo at nag matured ang katawan.

"Hey" napatingin ako sa kanyang mukha.

"Ikaw nga." masayang sabi pa nito at mabilis akong niyakap dahilan para mahiya ako may nakatingin kasi samin.

"Alex bitaw." saway ko dito at agad naman niyang sinunod

"Grabi dito lang pala kita makikita ang laking ng pagbabago mo ha" puri nito sakin.

"Ikaw din." Naiilang kong sabi.

Si alex ay kaibigan ko nung high school palang siya ang lagi kong kasama non na madalas din pag selosan ni tyler at, hindi ako makapaniwala ngayon nasa harapan ko na siya ang dating payat at moreno na alex ngayon ay sobrang puti na at malaki ang katawan para rin siyang si tyler  he looks hot sigurado akong maraming naghahabol din sa kanya.

"Ang ganda mo." bigla akong natawa dahil hindi parin siya nagbabago mahilig pa rin mambola.

"Ang pangit mo naman." birong sabi ko

"Ano palang ginagawa mo dito." tanong ko at tinuloy ang paghahanap ng pwede pang bilhin.

"Dito na ako titira at para matulungan narin ang kapatid ko sa kanyang business." nakangiting sabi nito.

"Ganon ba."

"At para narin balikan ang babaeng matagal ko ng gusto." bigla akong natigilan dahil nasa akin pa rin ang tingin niya at hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi at aaminin kong naiilang ako tumawa nalang ako ng pilit.

"Well Then good luck sayo." sabi ko nalang at tumahimik

"Tutal nagkita naman na tayo ngayon baka gusto mo munang kumain libre ko promise." dahil sa sinabi niya mas lalo akong nagutom dahil hindi pa naman ako kumain agad akong umoo dahilan para matuwa ito.

Pumunta kami sa isang restaurant na madalas namin puntahan ni tyler noon napailing nalang ako dahil palagi siyang pumapasok sa isip ko gusto kong sapakin ang sarili kasi kahit anong gawin kong paglimot sa mga nangyari at tuloy pa rin itong bumabagabag sa akin.

"Anong sayo."

"Ikaw nalang ang bahala tutal libre mo naman." pilit na ngiting sabi ko agad naman siyang tumango bago mag order.

"Hindi mo naman sinabi na mahilig kana pala sa snack ng mga bata ngayon." natatawang sabi nito ang napipilitan na tawa ko kanina ngayon ay totoo na.

"Sira para yan anak ko." sabi ko habang tumatawa samantalang siya ay natigilan at mukhang nag loloading pa sa kanya ang nasabi ko.

"Hoy" agaw ko sa atensyon niya sabay tampal sa kanyang pisngi.

"May anak ka na." hindi ko alam kong tama ba ako parang bigla nalang kasing naging malungkot ang boses niya "so ibig sabihin may asawa kana." naka tangang tanong nito.

"Syempre naman pwede ba akong mag kaanak ng walang asawa." natatawang sabi ko

"Ang pagkakaalam ko wala ka pang asawa." sabi pa nito at naging malungkot ang mga mata niya umiwas nalang ako ng tingin at pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko.

"So asan ang asawa mo ngayon kailangan pala nating bilisan kumain baka mamaya hinahanap ka na non."

"Nasa work siya ngayon at siyaka may nagbabantay naman sa anak namin."

"Pano kung makita tayo ng asawa mo baka mag selos yun."

"Bakit ba nag mamadali ka okay ha ako na mag sasabi ok lang at isa kung makita man tayo ng asawa ko ngayon ok lang at least wala naman tayong ginagawang mali." sa sinabi ko bigla kong naalala si tyler at ang babae nito hindi ako katulad nila.

"Hindi baka lang kasi"

"Kumain ka na nga lang pagkatapos natin kumain uuwi narin ako."

"Ihahatid na kita"

"Wag na may dala akong sasakyan ihatid mo nalang ako kung saan mo ako unang nakita andon ang kotse ko nakalimutan ko lang sabihin kanina kasi ang kulit mo."

"Ihahatid kita sa school" napamaang ako sa kanya panong napunta sa school ang kotse ko.

"Anong sinasabi mo"

"Sabi mo kung saan kita unang nakita" biro nito at tumawa pero parang pilit hindi katulad kanina.

"Sira ka talaga wag mo na nga lang ako ihatid"

"Joke lang eto naman hindi mabiro."

"Para ka kasing tanga tara na nga." yaya ko dito at kinuha ang bag ko napailing na lang siya at sumunod sakin hindi ko na rin siyang hinintay na pag buksan ako ng pinto ng kotse niya tulad ng ginawa niya kanina.

"Sino pala ang asawa mo" muling tanong nito.

"Pwede bang wag na lang natin pag usapan yun."  bakit ba siya interesadong makilala kung sino ang asawa ko.

"Bakit may problema ba hindi ko naman aagawin ang asawa mo ahh bakit ang damot mo pangalan lang eh." Nakangusong sabi nito dahilan para matawa ako. Hindi parin talaga siya nagbabago, Alex is always a alex.

"Para kang bakla manahimik ka nga." Natatawa kong sabi bigla naman itong naging seryoso. Napahawak ako sa aking labi ng marealize ang aking sinabi. Wala rin talaga preno ang  bunganga ko.

"Oops don't call me that" seryosong sabi nito, nag peace sign nalang ako kahit sa totoo lang ay parang gusto ko nalang lumabas dahil sa kahihiyan.

"Oo na sorry na" mahina kong sabi at sinuot ang seatbelt.

Kahit panay ang kwento ni alex hindi ko mapigilang maisip si tyler hindi ko mapigilan isipin kung anong ginagawa niya ngayon at sino ang kasama niya.

"Ang lalim ata ng iniisip mo, gaano na ba kayo katagal ng asawa mo." Muling pag iinterview niya.

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now