CHAPTER 39

7.8K 130 3
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

Tumuloy muna kami sa isang hotel at ngayon papunta na ako sa room namin karga karga ko palang si tress at tulog na ito mukhang napagod kakaiyak. Maging ako ay pagod na pagod narin, pakiramdam ko ay babagsak narin ang katawan ko.

Malapit na ako sa room namin ng masalubong ko si alex kita ko ang pag tataka nito pero hindi ko nalang siya pinansin at tuloy lang sa paglalakad.

"Scarlet" napatigil ako at pagod na tumingin sa kanya.

"Are you okay" tanong nito tumango lang ako akala ko aalis na siya pero nakasunod pa pala siya sakin.

"Saan ba ang room niyo tulungan na kita" sabi nito at kinuha ang bag sa isa kong kamay.

"Anong ginagawa niyo dito"

"Obvious ba alex malamang matutulog." inis na sabi ko dito dinig ko naman ang mahinang pag tawa nito.

"Matutulog tapos wala kayong dalang gamit." dahil sa sinabi niya bigla akong natigilan tama siya wala nga kaming dalang gamit walang damit si tress pati ako syempre kailangan din i shower tong anak ko tumingin ako kay alex.

"Mapagkakatiwalaan naman kita diba alex."

"Oo naman ikaw pa"

"Pwede bang bantayan mo muna ang anak ko bibili lang ako ng damit namin babalik din ako kaagad."

"Wag ka ng umalis bantayan mo nalang ang anak saglit lang"sabi nito at lumapit sa isang babaeng, mukhang nagtatrabaho dito sa hotel maya maya pay tinuro niya kami at nag labas ito ng pera bago ibigay sa babae.

"Ok na tara hatid ko na kayo sa room niyo."

"Anong sinabi mo sa babae"

"Siya na ang inutusan kong bumuli ng mga damit niyo siya na ang bahala" nakangiting sabi nito.

"Bakit kailangan mo pang gawin yon."

"Wala lang halika na nga mukhang nahihirapan ka na jan sa karga mo."

"Ok lang naman anak ko naman" sabi ko at tinuloy ang paglalakad hanggang makarating kami sa room namin mabilis kong hiniga ang anak ko sa isang malambot na kama at naupo, napatingin ako kay alex ng iabot niya sakin ang bag ko agad ko naman kinuha iyon at nag labas ng pera at inabot sa kanya.

"Palitan ko lang ang perang binigay mo sa babae kanina."

"Ano ka ba wag na"

Nag pilitan pa kaming dalawa hanggang sa hindi niya talaga tinanggap ang perang binibigay ko.

"Ano palang ginagawa mo dito at bakit ganun ka nalang sundin ng mga inuutusan mo." tanong ko dito habang nasa anak ko ang tingin.

"Well my mother own this hotel at dito muna ako natutulog hanggang hindi pa tapos ang bahay na pinapagawa ko." sabi niya at ngumiti hindi ko alam pero nahahawa talaga ako sa kanyang ngiti.

"At isa pa magkatabi lang tayo ng room katukin mo lang ako pag may kailangan ka" dagdag nito tumango lang ako sa kanya.

"Kayo bakit andito kayo alam ko naman na matutulog kayo pero na curious lang talaga ako nag away ba kayo ng asawa mo."

"Ang chismoso mo naman" natatawang sabi ko

Mamaya pay tumayo si alex at umalis bumalik itong may hawak ng dalawang malalaking paper bag, agad yun inabot sa akin nag pasalamat ako dito bago siya umalis hindi na ako nag pabili ng napkin dahil meron na ako sa bag.

Tumayo ako ng marinig kong may kumakatok mabilis kong binuksan at nakangiting mukha ni alex ang bumungad sa akin may hawak na towel na naka plastic pa.

"Towel pala" nakangiting sabi niya at binigay ito sakin

"Salamat alex"

"Baka gusto mo sabay tayong kumain umorder ako wala rin akong kasalo kung gusto mo lang haa-"

"Sige" pagpapatigil ko sa kanyang sasabihin at sinara ang pinto.

Tinignan ko ang paper bag na bigay niya kanina una kong tiningnan ang damit ni tress dalawa itong pang tulog medyo malaki ito pero okay narin napatingin naman ako sa damit binuklat ko ito at halos mapairap ako dahil maikling short ito at oversize t shirt na puti.

Matapos kong maligo ay sunod sunod naman nag ring ang phone agad kong kinuha ito at tingnan kung sino ang caller natigilan ako ng makitang si tyler ito hindi ko ito sinagot at hinayaang mag ring sinalent ko na lamang ito at tumabi kay tress.

Inis akong tumayo na may kumatok na naman nakakunot ang noo ko ng makita si alex na nakangiti na naman habang may hawak na mga pagkain agad siyang pumasok kahit hindi ko naman pinapasok.

"Kain na" masayang sabi pa nito

"Yung totoo ng iinis ka ba" inis kong tanong dito maang naman siyang tumingin sakin at parang sirang plaka na paulit ulit na umaling.

"Hindi ko naman kasalanan kung bakit ang aga dumating ang order ko." sabi nito at sumubo

Lumapit nalang ako sa kanya at umupo sa harap niya at nakisalo parang tulad lang ng dati para kaming mag kapatid palaging mag magkasalo sa pagkain walang hiyaan.

"Ilang taon na ang anak mo"

"4"

"Anong pangalan niya"

"Tress"

"Eh yung asawa mo"

"Imbestigador ka" napanguso ito na parang bata

"Bakit pag tinatanong ko kung anong pangalan ng asawa mo ayaw mong sabihin masama bang malaman ito."

"Tyler Devain Cleverio"inis na sabi ko para matahimik na siya.

"Wow bigatin pala ito"

Hindi ako sumagot mayaman naman talaga ang mga Cleverio simula noon pa at kahit nga sa ibang bansa may mga business ang mga ito alam ko rin na may pinsan si tyler na galit sa kanya hindi ko lang alam kung anong dahilan.

"Ang lalim ata ng iniisip mo siguro namimiss mo na ito no." biro nito at tinawanan ang sariling biro ganito pala ang epekto ng pag aaral sa ibang bansa nagiging wirdo nagmumukhang baliw.

"Scarlet sinasaktan kaba ng asawa mo" natigilan ako sa kanyang tanong at bilang pag iiba nito ng usapan. Ayokong magsalita ngunit sadyang pasaway ang aking labi at maagap na sumagot. Hindi ko na alam kung ano talaga ang gagawin ko. That tyler pinapasakit niya talaga ang ulo ko.

"Oo" kusang lumabas sa labi ko kasabay ng pag tulo ng luha ko ng maalala ang nangyari tang ina naman.

"Ehh gago pala ang lalaking yun tell me scarlet anong klaseng pananakit ang ginawa niya sayo." napailing ako at umiyak nalamang parang hindi ko kaya mag salita nagulat nalang ako ng bigla niya hawakan ang mag kabilang braso ko at hawakan ang baba ko pero agad akong umiwas dito.

"Tell me" nag aalalang tanong nito, at ngayon ay hinawakan na ang magkabilang pisngi ko, wala na akong nagawa at hindi na umiwas bagkus ay umiyak na lamang.

"Ayokong pag usapan please" nag mamaka awang bulong ko mabilis akong niyakap nito at sinobsob ang mukha ko sa kanyang dibdib dahilan para mas lalo akong umiyak.

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now