CHAPTER 50

8.9K 151 19
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

1:36AM ng magising ako dahil naramdaman kong wala sa tabi ko si tyler napahikab ako at tumingin sa pintong nakabukas. Hindi ko alam pero mas gusto ko talagang magising na nasa tabi ko parin siya. Yung pagmulat ng mga mata ko ay siya ang unang makikita ko pati narin mga anak ko.

Babangon na sana ako ng makita ko itong pumasok, may hawak na fresh milk nagulat pa ito ng makita ako. Mukhang kanina pa siya gising, at fresh milk?

Naadik na ata sa gatas!

"Bakit gising ka pa." tanong nito at lumapit sakin inalok pa ako ng gatas pero umiling lang ako kaya mabilis niyang ininom yun at hinalikan ako dahilan para mainom ko iyon. Gagawa talaga siya ng paraan gamit ang labi niya, well nasanay na ako na ganun ang ugali niya. He always using his lips.

Pasaway!

"May napanaginipan kaba kaya ka nagising." Tanong nito at hinaplos ang buhok ko. At masuyo iyon na hinalikan, kusa akong napangiti at yumakap sa kanyang braso.

"Wala naman" malambing kong sabi.

Muling nilapit nito sakin ang kanyang mukha at mabilis akong hinalikan agad naman akong tumugon at yumakap sa batok niya.

Humiwalay ito ng habol hininga bago hilain ang kumot tinakip sa dibdib ko.

"I know na pagod kaya at gusto kong mag ipon ka muna ng lakas mo." sabi nito kaya ginawa kong unan ang dibdib niya at muling pumikit. Nanunuot pa sa aking ilong ang mabangong amoy ito.

"Sleep well my love." dinig kong sabi nito at hinalikang muli ang ulo ko.

"Matulog ka narin tyler." sabi ko dito. At tuluyang yumakap sa kanya.

"I can't baka pag gising ko wala ka na sa tabi ko iiwan mo ulit ako" parang bata na sabi nito dahilan para matawa ako.

"Hindi, sleep well honey" malambing na sabi ko dito habang nakapikit.

Ramdam ko ang mahigpit nitong yakap, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Ganito na ba talaga ako kadesperada na kahit ako ang nasaktan ay ako pa ang maaawa, mukhang wala na akong magagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

NAGISING akong wala na naman siya sa tabi ko, napatingin ako sa wall clock, agad akong napabangon ng makitang mag tatanghali na pala.

May suot narin akong damit..damit ni tyler pero alam kong wala akong panloob kaya nag suot muna ako underwear bago ako lumabas ng kwarto pero agad din akong napatigil ng makita si tyler may kausap itong babae yung babaeng lagi kong nakikitang kasama niya at pinagseselosan ko.

Biglang bumalik ang inis ko dito kaya sinadya kong lakasan ang pag uubo ubo ko, mabilis kong pinag krus ang braso ko sa tapat ng dibdib ko ng tumingin sila sakin.

"Who is she kuya?" kuya? Gago ba to.

"She's my wife." Sabi naman nito at sumilay ang magandang ngiti.

"Siya yung nakakita satin sa office mo." nanlalaking matang sabi ng babae biglang nangunot ang noo ko dahil parang bata pa ito pero-

"Ahm hi I'm sorry for that ako po may kasalanan ang nangyari sa office ni kuya naputol po kasi yung takong ng sandal ko."parang nagmamakaawang sabi nito. Wait she's tyler-

"By the way I'm Roosie Ann Cleverio 17 years old and I'm from-" napatigil ito dahil pag tikhim ni tyler, aaminin kong nagulat ako, parang narinig ko na ang pangalan niya hindi ko lang matandaan at sa una ay inakala ko itong nasa 20 dahil sa tangkad nito mukha ngang katangkad ko na ito well hindi naman na mag tataka dahil matatangkad talaga ang mga cleverio.

Cleverio talaga siya?

"I'm her youngest cousin." dagdag pa nito at tumingin kay tyler na nakatingin lang sakin.

"I'm so sorry ulit kuya don't worry babalik na ako sa london alam ko naman na yun ang gusto mo pasensya na ulit" bumalik ang tingin nito sa akin "I'm sorry po kung pinag seselosan niyo ako pero sana wag na ngayong alam niyo na pinsan niya ako sorry po" biglang namasa ang mata nito dahilan para mag taka ako.

"Umalis ka na nga malalate ka na sa flight mo" napatanga na lamang ako dahil sa sinabi ni tyler.

"Tyler" inis na tawag ko dito nagulat ako ng biglang umiyak ang pinsan niya.

"P-pinapaalis mo na t-talaga ako" parang batang sabi nito "h-hindi ko pa n-nakikita ang p-pamangkin ko".

"Para kang tanga ikaw nga nag sabing aalis ka na" inis na sabi ni tyler at mabilis na tumayo "umuwi ka na bukas ko pa susunduin ang anak ko or sa susunod na linggo na" sabi ni tyler dahilan para tignan ko siya ng masama.

"A-aalis na ako h-hindi pa ako k-kumain".

"Ahm pwede naman dito ka nalang kumain".

"Talaga po"

"Your so beautiful in a picture but hindi ko akalain na mas maganda po pala kayo sa personal" nakangiting sabi pa nito habang nakatitig sakin  na para bang sinusuri ako.

"Can you please leave now roosie hindi pa kami naka pag luto" iritang sabi ni tyler.

"Sinungaling ka kuya pagdating ko nga dito nag luluto ka"  sabi naman nito.

"Okay so let's eat" pagpapatigil ko sa bangayan nilang dalawa siyaka humawak sa braso ni tyler.

Napaka tanga ko dahil ngayon ko lang nalaman na nag seselos ako sa wala, bigla tuloy ako nakaramdam ng guilty dahil sa mga nasabi ko sa kanya.

Hindi ko man lang siya nabigyan ng chance na magpaliwanag, siguro ay galit ang meron sa puso ko noon, lahat naman siguro ganun din ang mararamdaman kapag nakitang mong may kasamang ibang babae ang jowa mo or asawa mo nagiging bingi tayo hindi natin nagagawang makinig sa kanilang paliwanag.

Bigla akong napangiwi ng makita ang ulam over cook kasi ang gulay, walang nagbago ganito pa rin siyang mag luto napailing nalamang ako at umupo sa kanyang tabi

"You know what ate pwede kang maging model" nakangiting sabi ni roosie pero agad akong umiling.

"Hindi bagay ang trabahong yun sa kanya ang panget" sabi ni tyler habang nag lalagay ng ulam sa plato.

"Bakit naman hindi"

"Basta kumain ka na nga lang para makaalis kana" inis na sabi ni tyler pero nginitian lang siya ng pinsan niya na tila ng aasar pa.

"Napakaganda niyo po talaga-"

"Because she's my wife kaya pwede ba tumigil ka na paulit ulit ka eh" hindi siya pinansin ng pinsan at tinuloy lang ang pagsasalita pero agad akong natigilan at nabitawan ko nalang ang kutsarang hawak ko dahil sa sunod na sinabi niya at kusa na lang napunta ang tingin ko kay tyler.

"Kaya naman po pala pati si tyrone may gusto sayo".

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon