CHAPTER 20

13K 182 25
                                    

SCARLET VERGARA CLEVERIO POV:

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid, ko minulat ko ang mga mata para alamin kung anong nangyayari.

Unang bumungad sakin ang sobrang puting kisame pati kumot ko at hinahangaan ko ay puti, biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kusang pumatak ang luha ko kasabay ng pag bangon ko, walang tao sa paligid ko at ngayon alam kong sa labas nanggagaling ang ingay.

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas yon, unang pumasok si kuya dave bago si mama at papa.

"Sissy ohh god finally gising ka na." sabi ni kuya at niyakap ako.

Napatingin ako kay mama na luhaan, agad din siyang dumamba ng yakap sakin ganon din si papa. Napatingin ako sa paligid ngunit hindi ko mahanap si tyler. Nasaan ang asawa ko.

"Ma" bulong ko kasabay ng pag tuloy tuloy na pag patak ng luha ko, dalawang bagay lang ang gusto kong alamin ang anak ko at ang asawa ko. Nakakapa ako sa tiyan ko, iba ang kabang nararamdaman ko.

"Mama how's my child my, my, Husband." umiiyak kong sabi hindi sila nag salita, dahilan para mainis ako, babangon na sana ng pigilan ako ni kuya pero tinulak ko ito.

Ang simple lang ng tanong ko pero bakit parang ang bigat para sa kanila ang sagutin ako. Nakakainis gusto kong masilayan ang asawa ko. Bakit wala siya dito sa tabi ko.

"MAMA" sigaw ko bigla akong napa upo sa sahig.

"I'm sorry anak but your child is gone." sabi nito napahagulhul ako.

I'm sorry anak but your child is gone."

"I'm sorry anak but your child is gone."

"I'm sorry anak but your child is gone." Paulit ulit na salita na tumatak sa utak ko na hindi ko matanggap.

"NO! NO NO" agad akong niyakap ni mama habang hinahaplos nito ang likod ko. She's joking that's not true. Ayoko siyang paniwalaan.

Bigla pumasok ang tatlong nurse at inalalayan akong tumayo at may tinurok sakin pero hindi ko alam, biglang nanghina ang tuhod ko kasabay ng pagbuhat sakin ni kuya at hiniga ulit sa kama hinawakan naman ni mama ang kamay ko.

"Si tyler" mahinang bulong ko habang bumibigat ang mga talukap ko. 

"I want to see my husband, where is he?" Tanong ko.

"Mag pahinga ka muna anak." huling narinig ko bago ako lamunin ng dilim.

DAVE VERGARA POV:

"Ma magpahinga na rin po kayo ako na ang bahala sa kanya." sabi ko kay mama habang kay scarlet ang tingin.

"Wala pang malay si tyler." biglang sabi ni papa kaya napatingin kami sa kanya.

"Ayon din sa imbestigasyon tulog daw ang driver ng truck." dagdag nito

Muli akong napatingin ako kay scarlet na mahimbing ang tulog, wala siyang masyadong natamo dahil sa pag harang ng katawan ni tyler sa kanya, pero dahil malakas daw ang pag kabangga ay nakunan ito. Nasasaktan ako para sa kapatid at ayoko siyang nakikita na ganito.

Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto kaya napatingin ako doon, pumasok si tyrone.

"How is she." tanong nito sakin at bumati kila mama at papa.

"Medyo ok na." sagot ko bago umupo sa sofa ganon din siya.

Nag usap muna kami ni tyrone pero maya maya ay umalis din siya dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin, pinauwi ko narin sila mama at papa para makapag pahinga, dahil simula ng mabalitaan namin ang nangyari wala pa sila ng pahinga dahil galing pa sila ng business nila.

Lumabas muna ako para bumili ng pagkain aba mahirap din ang walang kain.

Agad kong kinuha ang phone ng biglang tumunog ito.

"[Hey how is tita scarlet is she okay now.]" Ang sarap talagang sipain ng batang to parang sino kung kausapin niya ako, nakakalimutan niyang ako ang bumuo sa kanya, itapon ko nalang kaya to sa ilog at gumawa na lang kami ng bago ung medyo maginoo.

"Damn you, Wala ka bang respeto, I'm your fucking Father! Akiro ganyan mo ba talaga ako kausapin? Haaa." sagot ko at kinuha ang supot ng pagkain ko siyaka binayaran "My sister is ok now." Pilit na kalmadong sabi ko.

"[Gusto kong pumunta jan.]" sagot naman niya tang ina nanggigigil ako sa batang to.

"Hindi pwede ang bata dito." sabi ko "hindi pwede ang pangit dito gwapo lang."

"[So bakit anjan ka.]" tang-

"[Wag ka ngang sinungaling dad yung classmate ko nga sumama sa hospital nung na hospital ang papa niya.]" aba tingnan mo nga naman tong batang to kung ano ano nirarason palibhasa ganyan din ako.

"Uuwi ako bukas kaya bukas ka na lang sumama pagbalik ko" sabi ko at binaba ang supot na hawak ko sa sofa.

"[Pwede kong kausapin si tita ganda]" tanga talaga neto ang bobo paano niya ba makakausap ang tulog.

"Hindi"

"[Why]"

"Makakausap mo ba ang tulog" sagot dinig ko ang boses ng misis ko na tinatawag siya.

"Matulog ka na kausapin ko ang asawa ko." dagdag ko pero bigla nalang niyang pinatay, napaka bastos talaga ng batang yun napatitig pa ako sa phone hanggang dumating ang message niya.

Akiro

Lowbat na wag ka ng tumawag mag chacharge pa ako tulog narin si mommy.

Napairap nalamang ako dahil sa message niya hindi naman ganto ugali ko? Haa!? Oo basta hindi siya nag mana sakin hindi rin ganon ugali ni janice, saan kaya nag mana ang batang yon sarap pakainin ng chocolate hehe bawal yun sa kanya eh.

Kakain na sana ako ng biglang bumukas ang pinto pumasok ang luhaang ina ni tyler, agad akong tumayo at inalalayan siya mukhang hinang hina na kasi, siyaka pina upo ko siya sa sofa at kumuha ng tubig binigay ko yun sa kanya. Mabilis naman niya itong ininom bahagyan pa akong tumingin sa pagkain ko.

Gutom!!

"Tita are you okay." tanong ko dito pero umiyak lang siya habang nakatingin sa tulog na scarlet.

"Hindi parin nagigising si tyler kanina pa." umiiyak na sabi nito.

"Magigising din po siya tita wag po kayong mag alala."

"Bakit ngayon pa nangyari to ngayong magkakaanak na sila do you know how much I'm very excited na mag kaapo but.-" hindi na natuloy ang sasabihin nito dahil sa tuloy tuloy na pag buhos ng luha niya.

My Possessive Husband (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt