Special Chapter 2

452 10 5
                                    

ELIJAH'S POV

2022

"Congrats for winning that case, Atty. Vazquez." Bati sa akin ni Louis. He's a lawyer too.

"Thank you, bro."

"That case didn't seem to make you sweat." Natawa rin ako sa sinabi niya. Well, totoo naman. Marami akong nakitang butas sa evidence na pinakita nila. "Nagawa mo na namang lampasuhin si Santos."

"Puro yabang lang kasi ang alam ni Santos."

Ilang beses ko na nakaharap yung kumag na yun. Hindi naman niya napapanalo ang kaso na nahahawakan niya kapag ako ang kalaban.

Napunta ang atensyon namin ni Louis sa cellphone ko nang mag ring yun. "Si Royce." I answered it. "Yes, Royce?"

I was expecting Royce's voice, but to my surprise, it's a woman's voice.

[Good afternoon, Sir.]

"Yes, who is this? Where's Royce?" Sunod-sunod na tanong ko.

[I'm Nurse Gab from Mt. Carmel Hospital.]

"Hospital? Wait why?"

[Mr. Vega got shot po.] I turned my head to Louis.

"Shit. Louis, Royce got shot."

"What?!"

"Thank you for informing us, we're going there." Ibinaba ko na yung tawag. Tumayo ako mula sa swivel chair at kinuha ang susi ko.

"Sa tingin mo sino?" Louis asks as we walk out of the law firm.

"I'm still yet to conclude, Louis."

Royce have won many cases against big people. And yung recent niya, isang drug lord.

Delikado ang pag aabogado lalo na kung malaki ang babanggain mo. We'll never know when will the end of us. Kailangan talaga ng lakas ng loob at tapang.

For the past few years, I've won a lot of cases. I've been receiving threats from different people. Well, hindi ko naman macocontrol yun.

Ayos lang sakanya na siya ang makatanggap ng death threats, pero kapag pamilya niya na, ibang usapan na yun.

Sandali lang ang naging byahe dahil hindi naman traffic papuntang Bulacan. Louis and I went straight to the front desk.

Nagtanong agad ako. "Excuse me, may we ask where is Royce Vega?"

"Sige sir, wait lang po."

We're patiently waiting for the nurse to tell us. Pero bigla kong narinig yung mala-anghel na boses nung nurse kanina. "Christy, tawag ka ni Doc Jam." Napalingon ako sa nagsalita.

"Ah sige, Gab, ikaw na muna dito. Sir si Nurse Gab nalang po muna ang mag assist sa inyo." She said, then she walked away. Bumaling sa akin yung Nurse at ngumiti.

"Ano pong maitutulong ko, sir?" Woah, ang ganda. I felt Louis elbowing me. Natulala na pala ako.

"I–I'm atty. Vazquez, ako yung nakausap mo kanina. How is Royce Vega?"

"Ah kayo po pala. Nasa room 301 na po si Mr. Vega. Stable na po ang kalagayan ng pasyente. At hindi naman daw po fatal ang gunshot wound ni Mr. Vega." She's pretty, and soft spoken. Nagulat ako nang hinila ako ni Louis.

"Salamat, Nurse. Halika na nga Vazquez, natulala ka na naman dyan eh."

"Ako?"

"Ay baka ako?" Bago pa man kami lumiko ng daan ay lumingon ako sa nurse. She's also gazing at me.

Dance With Me // Sandro Marcos FanfictionWhere stories live. Discover now