- vingt-troisième -

1K 29 10
                                    

- vingt-troisième (secretly dating) -

Nakatitig lang ako kay Lyle matapos niya akong tanungin kung ano daw ba ang sagot ko kung magiging kami na ba o hindi. Hay naku naman, kung bakit ba ang tanga ko at basta umo-oo na lang ako sa promise ni Lyle e hindi ko naman kayang panindigan? Ano nang gagawin ko nito?

Lyle's too nice that I can't bear hurting him in just a snap. Pero hindi ko naman kayang um-oo dahil hindi na pareho 'yung nararamdaman ko para sa kanya tulad noon at saka.. at saka masasaktan ko si Paris kung o-oo na lang sa kay Lyle ng ganoon na lang. Kung hindi ganito ang feelings ko six months ago, malamang isang matamis na oo ang isasagot ko kay Lyle.

"Suri? What's your answer?" ulit ni Lyle.

Natauhan na lang ako bigla nang mapatingin ako sa mga mata niya. Teka, kailangan ko na bang sumagot ngayon agad agad?

"Uhm, ah.. L-Lyle. K-kasi..." nag-sa-stutter ako. Paano ba naman kasi sobrang kinakabahan ako. Kailangan ko na kasing sabihin lahat-lahat ngayon para wala na akong burden para isang sakitan na lang!

Nakangiti lang siya sa akin habang iniintay ang sagot ko.

"A-ano e.. K-kasi ano.." Diyos ko, tulungan niyo po ako, parang awa Niyo na. Hihimatayin na yata ako sa kaba at sa stress.

Niyakap na lang ako bigla ni Lyle na ikinagulat ko. "That's fine if you can't still answer me yet. Hindi naman ako nagmamadaling malaman ang sagot mo e. As long as we're happy and you're with me now, I can manage to wait."

Ano ba naman 'to! Ano'ng gagawin ko? Paano ko sasabihin na 'wag na siyang maghintay dahil wala naman siyang iintayin? Naiiyak ako, pakiramdam ko nadagdagan lalo ang kasalanan ko kay Lyle e.

"Lyle..." speechless na ako. 'Di ko na alam ang gagawin ko talaga. Bakit ba ako sumuot sa ganitong ka-hirap na sitwasyon?

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I love you. You don't know how much I missed you like hell. I'm hoping to spend more and more time with you, alright?"

Uh-oh.

x - - - - - - - - - - x

"Oh ba't 'di mo pa nasabi sa kanya?" tanong sa akin ni Paris habang magkasama kami sa caf ng University at umiinom ng frappe.

"H-hindi ko pa kaya e." tapos napayuko ako. Napasuntok ng mahina sa mesa si Paris at agad akong napatingin sa kanya.

"Tss, naaawa ka bang masaktan mo siya?"

"Hindi naman sa ganoon, ang hirap naman kasi talaga. Ayokong ma-spoil 'yung masaya niyang moment nung nakita niya ako at saka kadarating niya lang. Ayokong dagdagan ang stress niya." mahina lang 'yung tono ng boses ko enough para mapakinggan niya.

"Pero inii-spoil mo 'yung moment na maging tayo? Ano ba 'yan, Sasha. Nakaka-frustrate 'tong ginagawa mo."

"Eh nakaka-frustrate ka din kasi. Bigyan mo pa ako ng kaunting time."

"Tsk." nang makita niyang ubos na ang frappe niya, kinuha niya ang frappe kong nakapatong lang sa mesa sa tapat ko tapos ininuman ito. "E kailan pa? 'Pag nahuli na tayo? Ba't ayaw mo kasing hayaan ako na sabihin 'yun sa kanya para wala ka nang hirap-"

"'Wag!" napataas ang boses ko sa sinabi niya. Nakakabaliw naman kasi 'to si Paris. 'Yung mga mahihirap na bagay para sa akin na gawin e parang ang dali-dali lang sa kanya!

"Oh ba't ganyan ka makapag-react? Kesa mahirapan ka pa, ako na lang magsasabi. Ang saya 'di ba?" tumawa siya pagkatapos.

Tignan mo ang isang 'to. anong masaya dun? Makakasakit kami ng tao e. Haaaay, sana lamunin na po ako ang lupa. Hindi ko na kaya 'to!

Your Boyfriend SucksOn viuen les histories. Descobreix ara