- trente-septième -

648 22 0
                                    

- trente-septième -(hide and seek) -

"Why? What happened? Akala ko okay kayo ni Paris and you were expecting a child." sunod-sunod na tanong sa akin ni Cedric habang ako naman ay tahimik na pinupunasan ang mga luha ko.

Umiling ako tapos tumingin sa kanya, nakita ko 'yung matinding gulat sa mukha niya sa narinig niya sa akin.

"You mean...?"

"Yes, I've got miscarriage towards the end of the first trimester of my pregnancy. Siguro dahil na rin sa stress -- madalas na kasi kami magtalo ni Paris noon dahil busy din siya sa pag-aaral para sa upcoming Bar Exams niya.

"Oh, I'm sorry to hear that.." he condole.

"We broke up and after three months, just this now, we've met again. He even connived with our families to set me up and ask for marriage."

"Tapos?"

Bumuntong-hininga ako at naisip ko na naman ang ginawa ko. I'm really really messed up. "I rejected his proposal."

"Fuck--!" biglang napa-preno si Cedric sa gulat sa sinabi ko.

"Aww!" Mabuti na lang at naka-seat belt ako kundi tatama talaga ako ng malakas sa dashboard!

"S-sorry, Sasha! I got carried away. Nabigla lang ako. Are you alright?"

"Okay lang ako..."

"'Di nga? Talaga? Teka, mahal mo 'yun ha? Bakit mo ni-reject 'yung proposal? I mean, you've hurt his pride and ego there." alam kong pati si Cedric ay hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Miski ako sa sarili ko hindi rin ako makapaniwala kung bakit ako umatras sa engagement.

Umiling-iling ako. "I'm not yet ready. I know it's my fault when I left him hanging there. Tama ka, nasagasaan ko nga ang pride at ego niya. Pero kasi, Ced, hindi ko pa kaya. Masakit pa rin sa akin 'yung mga nangyari dati." tapos yumuko ako.

Naramdaman ko na lang na iniangat ni Cedric 'yung baba ko tapos iniharap ako sa kanya.

"Then let yourself healed the pain inside. Huwag mong pilitin ang sarili mo na tanggapin ang isang bagay na 'di mo pa kaya. Masasaktan ka lang lalo."

Hindi na ako nag-reply sa sinabi niya, sa halip ay tumingin na lang ako sa labas ng windshield. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin. Akala ko okay ako pero hindi pa rin pala.

x - - - - - - - - - - x

Hinatid ako ni Cedric kina Jessica dahil 'yun lang 'yung place na pwede ko siyang kausapin at sabihin lahat ng nasa loob ko. Mabuti na lang at hindi sila nagpang-abot ni Jess dahil kung mangyari 'yun, baka masapak pa niya si Ced. I knew Jessica's capabilities.

"Huwaaaaat~!!?? Ni-refuse mo ang marriage proposal ni Paris? Grabe, friend! Nahihibang ka na talaga!" pinapaypayan ni Jessica ang sarili niya gamit ang kamay niya tapos inirap-irapan ako.

Nagkibit-balikat ako tapos napatalumbaba. "Sorry, Jess. Hindi pa kasi ako handa. Hanggang ngayon hindi ko pa rin masakit pa rin pag naiisip ko na ako 'yung dahilan kung bakit masyado akong nagpapaapekto sa feelings ko kaya ako nakunan at saka kung bakit hindi nakapag-bar si Paris. I've messed up everything."

Tinulak niya ako sa balikat. "Oo, you've messed up everything nga. Iniwan mo na nga 'yung tao tapos after three months nagpakita sa'yo na parang walang nangyari, nag-propose pa ng kasal -- ni-reject mo lang? Sa tingin mo ba may gana pa si Paris na balikan ka? Wala na ano! Sinira mo na ang love story niyo. Dalawang beses mo pa siyang tinakbuhan. Haaaay, nakakaloka kayo!" minasahe ni Jessica 'yung sentido niya. Alam kong na-stress na naman siya sa mga sinabi ko.

T-in-ext ko na si Mikko pati na ang parents namin na nandito ako kina Jess. I've told them not to worry about me nor bother because I wanna clear things up for myself.

"Akala ko okay na ako, hindi pa rin pala."

"Kasi hindi mo siya nakita ng tatlong buwan pero ngayong harap-harapan na at abot-kamay mo na, nagsibalikan lahat ng memories nyo mapa-good or bad tapos mare-realise mo hindi ka pa okay." paliwanag niya sa akin habang kumakain siya ng popcorn na kala mo isa akong pelikula sa sine na pinapanuod niya.

"Oo nga e -- teka nga! Saan mo nalaman 'yang mga yan? Don't tell me may something na talaga sa inyo ni Brook ano?" tinignan ko siya na parang nagsu-suspetsa lang pero inilayo niya lang ang tingin niya sa akin. I conclude that there's really something with the both of them.

"Whatever! Ikaw 'yung topic, friend kaya 'wag mo nang ilihis ang pinag-uusapan natin!" pinandilatan niya ako kaya napanguso na lang ako. Pasasaan ba't malalaman ko din kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni Brook.

"I don't know what to do..."

"Hay nako, magpatapon ka na nga sa ibang dimensyon, Sasha! Hindi na kita maarok talaga. Pati ako nano-nosebleed sa'yo e. Jackpot na si Paris. Both physically, financiallly, emotionally, mentally! Lahat ng may -ally meron siya, friend. Ikaw lang 'tong nag-iinarte." inirapan niya ako.

Tama si Jessica, meron lahat si Paris nung mga katangian na hinahanap ko sa lalake. Pero hindi ko pa rin alam sa sarili ko kung bakit patuloy na nagtatago ako kay Paris, kung bakit nagtatago pa rin ako sa nakaraan. Kailangan ko na ba talagang mag-let go?

I'm really so tired of this hide-and-seek.

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now