- vingt-neuvième -

821 28 13
                                    

vingt-neuvième (on my womb) -


Bigla akong nagising at bumangon mula sa kama tapos agad na dumiretso sa CR at dumuwal. Hindi ko alam kung bakit basta na lang sumama ang pakiramdam ko at init na init ako. Pagkatapos kong sumuka ng ilang beses, nagmumuog ako tapos naghilamos ng mukha. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang reflection ni Paris sa salamin at nakasuot lang ng boxers. Uhm, yeah. Magkatabi kaming natulog sa kama niya sa condo and we just made love few hours ago.

"Anyare sa'yo?" magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Ewan ko, nakaramdam na lang ako na masusuka ako." pumikit lang ako saglit at pinakiramdaman ang sarili ko. Arggh! Umiikot ang paningin ko!

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa beywang. "Are you okay?"

Iminulat ko ang mata ko tapos tumango. "Yeah. Iinom na lang siguro ako ng gamot."

"Sure?" parang 'di siya naniwala sa sagot ko.

Ngumiti na lang ako para ma-convince siya pero ang totoo, sobrang sama ng pakiramdam ko at hilong-hilo pa din ako. Inakay niya ako pabalik sa kama tapos humiga na ulit kami. Kinumutan niya ako ng comforter tapos hinalikan ako sa noo.

"Kukunan kita ng gamot."

Lumabas muna siya sa kwarto saglit at makalipas ng ilang minuto, dumating na siya dala ang first aid kit. Umupo siya sa kama tapos naghanap ng iba't ibang gamot doon. "Ito oh, pwede na siguro itong paracetamol."

Binuksan niya 'yung foil ng gamot tapos pinabangon niya muna ako. Nilagay niya sa palad ko 'yung tableta tapos ininom ko ito tapos sinabayan ng paglagok ng tubig sa isang botelya ng Lock n Lock.

"Itulog mo na lang 'yan ha. Mamaya okay ka na."

Marahan akong tumango tapos humiga ulit at ipinikit ang mga mata ko. Dinadalaw na naman ako ng tulog at agad naman akong nagpa-anyaya.

x - - - - - - - - - - x

Ilang araw din ang lumipas mula nang una kong makaramdam ng pagkahilo pati na rin ang pagsusuka. Continuous din 'yun, kung hindi every other day, araw-araw. Wala naman akong lagnat pero kada take ko ng gamot, hindi naman nawawala. Gusto ko rin sanang magpa-check up sa family doctor namin dahil parang hindi na normal 'tong pakiramdam ko.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong sa akin ni Jess. Magkasama kami ngayon sa paborito niyang salon, well, hindi para magpaganda kundi para magpa-footspa. Ni hindi nga ako mahilig sa mga ganitong bagay pero dahil kay Jess, napipilit niya akong sumama basta libre naman daw niya itong lahat.

Nagkibit balikat ako. "Samahan mo ako sa clinic ng family doctor namin."

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Bakit? May sakit ka ba? Parang wala naman e. Dahil ba 'yan sa hilo mo?"

Tumango ako. "Oo, hindi kasi umeepekto 'yung binibili kong betahistine dahil 'yung paracetamol, wala ding effect sa akin."

"Baka naman may vertigo ka?"

"Hindi ko alam. Basta pagkatapos nito samahan mo ako — ay bago pala 'yun kumain muna tayo sa S&R, gusto ko mag-pizza." ughh, cravings! Ilang linggo na ba akong excited laging kumakain ng pizza? Two weeks? Three weeks? Ewan ko.

Tinignan ako ni Jess na halos 'di makapaniwala sa sinabi ko. "Really, Reimi Suri? Really? Pizza na naman?! Nagmumukha ka nang pepperoni at mozzarella cheese sa kaka-pizza mo! Araw-araw na lang 'yan ang kinakain mo e."

Nag-peace sign ako tapos alangan na ngumiti. "Sige na, Jess. Promise, last na 'to!"

"Hmf, last na for today ta's bago na naman bukas? Tumigil ka nga Sasha, kumain ka na lang ng tempura!"

Your Boyfriend SucksDär berättelser lever. Upptäck nu