- dix-huitième -

894 30 3
                                    

TWT's NOTE: Excited na ako sa mga mangyayari sa susunod. 'Di ko alam kung bakit. Na-excite ako habang sinusulat to hahaha :D I need your feels and feedbacks below para ayos!! xx

x - - - - - - - - - - x

Your Boyfriend Sucks

storyline by toneewritestragedies

dix-huitième (as much as i want) -

"Good morning everyone. I'm Marriane Torres, your substitute professor for Managerial Statistics as Mr Ortega is currently on leave due to business matters abroad." sabi ng middle-aged na babae sa harapan naming lahat. Sabay-sabay naman ang pag-angil ng mga kaklase kong mga single ladies dahil unfortunately, halata namang umalis na si Lyle para pumuntang South Korea. Naroon siya simula last week at miss na miss ko na siya. Alam kong mabilis lang dumaan ang mga araw pero ang tagal kapag naiisip ko si Lyle.

But to deal this professionally, nag-aaral pa rin naman akong mabuti sa Managerial Statistics kahit hindi na si Lyle ang prof ko ngayon, same goes with my other subjects, nag-aaral akong mabuti para maipasa ko ang unang taon ko. Gusto kong maging proud sa akin si Lyle at ang pamilya ko once na matapos ko itong MBA degree ko.

Natapos din ang klase ko ngayong araw, hindi ko rin nakikita si Paris. Marahil busy 'yun sa Law School kasi fourth year na rin siya at naghahanda para sa board sa mga susunod na buwan.

Sumakay na ako sa kotse ko at nag-drive papunta sa building ng work nina Jessica. Nag-aya kasi siyang kumain kami sa labas at makapag-bonding kasi lagi ko na raw kasama si Lyle at namimiss na rin daw niya ako.

x - - - - - - - - - - x

Tumambay muna ako sa isang pastry shop sa tapat ng building at inantay roon si Jessica.

"Hoy!"

Napalingon agad ako sa tumawag sa akin. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Paris sa may bandang likuran ko at naglalakad palapit sa akin.

"Hello!" nakangising bati niya sa akin tapos umupo sa tapat ko.

Naguguluhan lang ako kasi imbis na si Jessica ang dumating, si Paris ang nandito. "Paris, napadaan ka lang ba?"

Tumatawa siyang umiling. "Pinapunta ako ni Jess dito, hindi kasi siya makakarating e."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "A-ano'ng hindi makakarating? Magka-text kami kanina sabi niya antayin ko siya rito e."

"Tignan mo ang cellphone mo, nag-text na 'yun sa'yo na may importante siyang pinuntahan."

"H-ha?" kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag at tinignan ang text ni Jessica.

From: Jessica Mendoza

Message: sash! i'm sorry, can't come. may emergency kasi e. babawi ako next week hmm? pinapunta ko na lang si Paris dyan para  may kasama ka. sori talaga!  iloveyou <3

At na-send ang text 30 minutes na ang nakakaraan. Ugh! Ang fail ko naman para hindi mabasa ang text niya agad. Napa-facepalm ako tapos tumingin muli kay Paris.

"Bakit ikaw ang pinapunta niya dito? I'm just wondering..." tanong ko sa kanya.

Nag-cross arms si Paris tapos nginisian ako. "E-ewan ko, 'di ko alam. Malamang dahil maliban sa kanya, ako lang ang kaibigan mo 'di ba?"

Tumango ako sa confirmation niya. Bigla naman siyang nag-snap pagkatapos. "Ay teka Sasha,  bakit nga pala na-delay ang pakikipag-boyfriend mo kay Lyle? May nangyari ba? Nako, 'wag ka lang masasaktan diyan ha."

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon