- trente-huitième -

703 19 2
                                    

- trente-huitième (come back home) -

Bumalik din ako sa bahay namin kinabukasan. Katakot-takot na sermon ang inabot ko sa lahat dahil sa ginawa ko. Hinanda ko naman na ang sarili ko sa mga consequences na pwedeng mangyari at sa mga salitang maririnig ko mula sa kanila pagbalik ko sa amin.

"You're really a crazy twin sister are you? What's happening with yourself uh? You've left him dumbfounded, not minding all his effort then what? You're running away. Ano bang plano mo ha?" I remember what Mikko said to me. Nasaktan ako sa sinabi niya pero wala naman akong nagagawa kung 'yun ang opinion niya -- nasasaktan ako kasi totoo.

"Sasha, wala naman na sa akin kung napahiya kami sa harap ng Fujiwara family pero bakit mo naman ginawa 'yun? Akala ko ba mahal niyo ni Paris ang isa't isa? Hindi mo na ba siya mahal?" that's what my Mom asked me but I did not bother to reply. Yes, I still love him but I'm not ready for anything yet.

"Tinatakbuhan mo 'yung problema mo tapos sasabihin mong kailangan mo ng space o gusto mong makapag-isip? Paano kung 'yung pagbalik mo, si Paris na 'yung may ayaw dahil pagod na siya sa kakahabol mo? Magde-decide ka na lang ba 'pag nakita mo na na masaya siya sa iba at hindi na ikaw 'yung dahilan ng kasiyahan niya?" doon na ako tuluyang natauhan sa sinabi ni Dadadi. Wala rin namang mangyayari sa akin kung patuloy lang akong magmumukmok e.

Me and Paris suffered already and it's time that we need to fix everything for our relationship. I decided to text him.

To: Fujiwara, Paris

Message: Let's meet sa Starbucks, doon sa una tayong nagkita. --Suri Shadows

Nanginginig pa ang kamay ko nang pindutin ko 'yung 'send' button tapos hinintay ang reply niya pero wala akong natanggap matapos ang ilang oras kong paghihintay. Feeling ko parang tinutusok-tusok ang puso ko at nakaramdam ako ng sakit sa dibdib.

Nakahiga na ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko nag-reply na si Paris. Haay! Halos tumalon-talon ako sa kilig nang makita sa kanya galing 'yung text. Hay Diyos ko, para akong teenager kung kiligin!

From: Fujiwara, Paris

Message: Ayun sa wakas! Nag-text ka din. Oo pupunta ako bukas. Makakaasa ka. Bukas tayo mag-uusap ha. Inaantay lang kitang maunang mag-text kung kailan ready ka na. See you, Sasha. I miss you, I love you.

Napapikit ako sa kilig at kinuyom ko 'yung mga palad ko. Hindi siya galit, Lord! Hindi! Uwaaa~! Mahal pa rin niya ako tapos miss niya na din ako. Akala ko talaga katapusan na namin pero hindi pa rin pala. Pakiramdam ko 'yung ngiti ko abot sa magkabilang tenga ko habang nagta-type ng reply sa kanya.

To: Fujiwara, Paris

Message: I miss you, too and I love you. See ya! ♥

This is it! I need to fix everything -- my life and my love life!

x - - - - - - - - - - x

Exactly 10am ako nakarating sa Starbucks. Um-order muna ako ng Cafe Americano habang nag-iintay kay Paris. Sabi ko 10:30am kami magkita pero nauna ako ng 30 minutes dahil sa sobrang excitement.

Umabot na ng 10:30am pero hindi pa siya dumarating. Sinilip ko 'yung cellphone ko kung nag-text siya o nag-missed call pero wala naman. Whew, sana naman walang mangyaring masama. At saka sana 'wag na din siyang mag-surprise pa dahil aatakihin ako sa puso e.

T-in-ry ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot, nag-message ako pero hindi din siya nag-reply. Nasaan na kaya si Paris? Nag-aalala na ako sa kanya...

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon