PROLOGUE

295 7 4
                                    

CHARACTERS:  Barbie Forteza - Estrella

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHARACTERS:  Barbie Forteza - Estrella

                              Julian: David Licauco

                                                    TAKE ME BACK TO 2023

                                                            AiharaNiaZera 

PROLOGUE

"God, I served you for about 10 years and I even prioritized you! I asked and prayed for Gabriel but why do you need to take him back? I deserve Gabriel because he always makes me happy. God bakit! Bakit nagawa mo sa akin ito? Do you even love me?"

Tumayo si Estrella at tanging huni ng mga kulisap ang kanyang naririnig. Lalo nang naki-ayon ang panahon nang pumatak ang ulan . Napangiti ng mapait si Estrella habang naglalakad palayo mula sa bahay ng kanyang Lola. Sinasariwa niya ang mga ala-ala niya kay Gabriel at ang mga pangako nito na hindi niya tinupad.

"Lord! Sana nabuhay na lang ako sa ibang panahon para hindi ko maranasan ang pain na ito. Sana nabuhay na lang ako sa ibang pagkatao ! Lord, why life is so unfair? I saw tons of pictures on social media showing how perfect their life is. Y'ong parang wala silang problema. Ano pa bang kulang Lord? ano pa!" mangiyak ngiyak na wika ni Estrella habang nakatingin sa mga pag-guhit ng kidlat sa langit.

Sa hindi inaasahan ay napansin niya ang iba't ibang kulay mula sa langit na kanyang ikinagulat. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan lalo na nang may ilang bolang apoy ang bumagsak mula sa alapaap. Ang mga ningas nito ay kakaiba sapagkat nag-iiba ito ng kulay at mabilisan ang pagbulusok nito.

"What is happening! is this the Aurora Borealis? "


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Isang kulay asul na ningas ang bumagsak malapit sa kanyang kinatatayuan . Napapikit siya sa liwanag nito at nanlaki ang mga mata nang agad itong nagliyab.

Nararamdaman ng dalaga ang init ng apoy na mabilis na gumihit sa lupa upang palibutan siya sa kanyang kinatatayuan.

Gusto niyang sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig .Hindi na niya matanaw pa ang bahay ng kanyang lola dahil sa nakapalibot na apoy sa kanyang harapan.

Napaupo siya habang nararamdaman ang init ng nagniningas na apoy . Hindi siya makahinga ng maayos habang pinapahid ang tumutulo niyang pawis sa kanyang noo.

"Gab..paalam." mahina niyang wika habang sinasapo ang kanyang dibdib at ang dalaga ay bumagsak sa lupa.

" mahina niyang wika habang sinasapo ang kanyang dibdib at ang dalaga ay bumagsak sa lupa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

        Author's Note: Bet ko talaga ang team Filay!

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now