"Wow! Talaga, Tita?"
Nakangiting tumango si Mom 'saka sinimulang alisin ang dating pusod ni Elle na medyo magulo pero ayos lang din naman tingnan dahil maganda siya eh.
Nanood lang ako sa kanila.
Tinitirintas ata siya ni Mom. "Ang itim at sobrang kapal pala ng buhok mo, anak."
Nanlaki ang mata ko. "Anak?" Alanganing tumawa ako.
"Huwag ka nang magselos diyan. Kunin mo na lang 'yong foundation tapos lipstick ko."
Tumango-tango na lang ako habang pinipigil ang sariling tawa. Gusto ata ni Mom na maging kapatid ko si Elle. NANGILABOT AKO!
"Oh." Inabot ko ang hinihingi niya at muling nanood sa make up session nila.
"'Di ba, mas lalong na-highlight 'yong beauty mo," papuri ni Mom kay Elle. "Ano sa tingin mo, anak?"
Napalingon ako sa kanila nang nakataas ang mga kilay. Itinuro ko ang sarili. Tumango ako. "Ah, pwede na rin." Maganda naman talaga 'yan kahit kailan. Nakakainis!
"Anak, upo ka sa tabi niya," utos ni Mom sa akin habang hawak ang kaniyang selpon niya na ready na ang camera. "Dali na!" pagpilit niya pa kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod.
"1.2.3. Say cheese."
"Cheese," tugon ni Elle.
"Naihne naman, ngiti ka rin please?"
'Di nila alam pinipilit ko lang pigilan ang ngiti ko ngayon.
"Isa pa, say cheese!"
"Cheeseeeee!" sabay naming sabi ni Elle.
"Oh 'di ba! Ang kyut!" Pinasilip niya sa amin ang picture namin sa selpon niya. Parehong naningkit ang mga mata namin sa sobrang lawak ng ngiti sa picture. Oo nga, ang kyut.
"Elle! Girl!" tawag ng pinsan kong si Angel na kakarating lang kasama ang mama niyang si Auntie Angelita. "Luminya na raw tayo para sa processional."
Tumango si Elle para sumunod na sana kay Angel nang mapahinto siya dahil kay Mom.
"Sandali lang, be, Elle."
Tumigil si Elle. "Po?"
Iniabot sa akin ni Mom ang selpon niya. "Kuhanan mo kami ng picture mamaya," bilin ni Mom sa akin. Tinusok-tusok niya muli ng hintuturo ang tagiliran ko bago ako tinalikuran. Inakbayan niya si Elle 'saka sila luminya para sa processional ng mga honor students.
Ayos 'di ba? Iniwan nila ako.
Ayaw ko namang tumanganga roon kaya lumipat na lang ako ng pwesto. Pumunta ako ng library at saka nanghiram ng isang monoblock chair sa librarian. Mabuti na lang at mabait naman si Ma'am kaya nakahiram ako. Maganda ang napili kong pwesto kasi malapit lang naman ang library sa stage, bukod pa ro'n hindi ako nabibilad dito kumpara sa mga nakaupo sa upuan na nakaayos sa quadrangle.
Habang tumutugtog ang piyesang paulit-ulit pinatutugtog tuwing recognition rites, natanaw ko si Mom at Elle na naglalakad na papunta sa quadrangle. Inihatid niya si Elle sa nakatalagang upuan nito. Ilang segundo pa silang nag-usap tapos nagtanguan.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo para salubungin si Mom na naglalandas na ngayon papunta sa pwesto ko. Inihaya ko sa kaniya ang upuan ko at hinayaan siyang umupo roon.
"Naaawa ako sa batang 'yon. Bakit parang 'di man lang proud ang mga magulang niya sa kaniya?"
Wala akong naitugon dahil kahit ako'y naaawa rin kay Elle. Noon pa man, pansin ko na. Tuwing PTA meeting, siya palagi ang umaattend, asan kaya ang mga magulang niya?
"May we call on the Grade 7 Honor students and their respective parents to please be ready."
Lumingon si Elle kay Mom na sinalubong naman ng ngiti ni Mom.
"Anak, huwag mong kalimutang picture-ran kami." Tumayo si Mom para puntahan si Elle.
"4th Honor, Elle Reign Hernandez. Aside from being an honor student, Elle is also recognized as the most behave student and elected as the new SSG Grade 8 Representative for 2016-2017."
Napapalakpak ako habang pinapanood sila ni Mom na umakyat sa stage.
Lakad-takbo akong pumunta sa unahang parte ng quadrangle, sa tapat ng stage kung saan nakatayo ang Mom ko at si Elle.
Walang habas at sunod-sunod na click sa phone camera ang ginawa ko para 'di ko mapalagpas ang bawat sandali. Ang pagsabit ni Mom ng medalya kay Elle, ang palitan nila ng ngiti, at pati na rin ang pagpunas niya ng sariling luha sa kaniyang kanang mata.
Pagbaba ng stage, nakita kong niyakap niya ng mahigpit si Mom.
Gago, nagseselos ako. Masama 'to, ba't ko pinagseselosan ang sarili kong ina?
Minabuti ko na lang na bumalik sa pwesto ko sa library para tumambay ulit. Halos isang oras para ang hinintay ko para sa Oath-Taking.
"At this juncture, may we call on our newly elected SSG Officers for the school year 2016-2017!"
Isa-isang tinawag ang pangalan mula President.
"SSG PIO, Naihne Crasco."
"Go, anak!" habol pang cheer ni Mom.
Binigyan kami ng tig-iisang kopya ng Oath habang inaabot naman ng emcee ang mikropono sa principal.
"Please raise your right hand and repeat after me."
"I, Naihne Crasco, having been elected as PIO of Supreme Student Government of Sto. Cristo National Highschool, hereby solemnly pledge that I will act and perform to the best of my ability, the duties and responsibilities of my position that I will uphold the Constitution and By-Laws of the SSG. Without mental reservation or purpose of evasion, I impose upon myself this voluntary obligation. So, help me, God."
ALAS-SINGKO na natapos ang program, at saka pa lang kami nakauwi. Pagdating sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto para magbihis at magpahinga.
"Anak, tulog 'yong kapatid mo sa kabilang kwarto. Pakibantayan muna ha? May bibilhin lang ako," utos ni Mom mula sa kabilang dako ng pinto.
Matapos magbihis, tinungo ko agad ang kwarto kung saan naroroon si Nat pero imbes na kay Nat ang atensyon, nasa kawalan ang isip ko.
Kumusta kaya siya? Ano bang ginagawa niya? Umiiyak kaya siya ngayon?
"Gag-Mom naman! Aray, sorry na!" daing ko nang bigla niya akong paghahampasin ng dala niyang basket. Paano ba naman kasi nakakagulat naman talaga 'yong may pumasok na pala sa pintuan nang hindi mo alam, 'di ba? "Masakit na kasi, tama na!"
Tumigil si Mom sa panghahampas nang biglang gumalaw si Nat. Pinanood namin ang kapatid kong muling makuha ang komportableng posisyon niya.
Muling ibinaling sa akin ni Mom ang atensyon nang muling makatulog si Nat. "Saan mo natutunan 'yang bad words na 'yan?"
Napayuko ako. "Sorry, Mom. Lumalabas lang po sa bibig ko minsan."
Aamba pa sana siya nang isang hampas pero sinalo ko ang basket niya na mabigat pala.
Bumuntong hininga siya. "Sige na. Iwan mo na lang 'yan diyan sa mesa."
"Mom...galit ka? Sorry na nga. Ano bang dapat kong gawin?"
Sumilay ang matamis na ngiti ni Mom. "Magluluto ako. Sunduin mo si Elle sa kanila. Kakain tayo."
Nagsalubong ang kilay ko. "Teka, bakit ako?"
Hindi na siya tumugon.
"Mom naman. Maawa ka!"
Dedicated kay @penguininthenorth kasi sumabog 'yong notifs ko last day dahil sa kaniya.
You can also read her amazing works by just clicking the name under dedication. Promise hinding-hindi niyo pagsisisihan. ♡♡♡
YOU ARE READING
Ctrl + Z [On-Going]
Teen FictionCliché as it may sound, friendship that grows into romantic love is one of the most beautiful things that could happen in our lives. But how sure are we when we know that tomorrow holds a series of unknown fates? The story of Ctrl + Z centers on two...
CHAPTER 17: Recognition Day
Start from the beginning
![Ctrl + Z [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/261845437-64-k665216.jpg)