Awit, naalala ko na naman si Miss Nars, ang ganda no'n. Ano nga 'yong pangalan niya? Blank ata 'yon?
Ayon na nga, ilang segundong naramdaman kong tinititigan niya ang ilong ng elepante ko, tapos medyo nagulat ako nang biglang may tumusok sa akin.
"Anesthesia 'yan, pampamanhid," sabi ng nars. Pinitik pitik niya ang ilong ng elepante ko. Ilang minuto lang din, sabi niya ayos na raw, tuli na raw ako.
Napahalukipkip si Ariel. "Hindi pa rin ako naniniwala, patingin."
"Hindi ito ang oras para magkumparahan niyan. Seryoso talaga, 'yon 'yong proseso?" duda pa rin si Sage sa kwento ko.
"Oo nga. Tapos binigyan ako ng palda ni Mom para 'di raw masaktan 'yong sugat."
"Ano 'yon? May sugat bang hindi masakit?" dagdag pa ni Ariel.
"Ayaw ko na. Bakit ba kasi kailangan magpatuli?"
"Supot pa kayo?"
Lahat kami napasinghap nang biglang sumulpot si Angel na nagtatago lang pala sa likod ng halaman.
"Usapang lalaki nga 'to 'di ba? Lalaki ka ba?" Pumamewang si Ariel.
"Ikaw lalaki ka ba?" ganti ng pinsan ko.
"Mamaya na ang bangayan. Pakisagot muna ng tanong ko, kailangan ba talaga natin magpatuli?" ulit ni Sage.
"Oo, kailangan. Sabi ng magandang nars na tumuli sa akin, mahalaga daw na magpatuli para malinisan tapos para makaiwas daw sa inpeksyon. Para na rin daw 'to sa magiging asawa natin." Tumawa ako.
"Anong para sa asawa diyan?"
Nanigas ang katawan ko dahil sa babaeng bagong dating.
"Anyway, Naihne tara na! Oath-Taking na raw."
'Gaya ng nakasanayan, nagpahatak na lang ako sa kaniya.
RECOGNITION DAY. Maaga pa rin kaming pumunta sa school, hindi dahil may attendance, kundi dahil nag-order si Miss Myra kay Mom ng spaghetti at iba pang klase ng pagkain na ihahanda raw para sa Guest Speaker at iba pang bisita.
Uniform ang dapat suotin, kaya naka-uniform ako at black shoes. Inayos ko rin ang buhok ko pagilid, pero wala ako ng usong bangs katulad ng mga rakista kong kaklase.
Nasa loob ngayon ng principal office si Mom. Habang hinihintay ko siya sa labas, natanaw ko si Elle na nakaupo sa bench 'di kalayuan sa kinatatayuan ko.
"Anak, si Elle ba 'yon?"
Nagtambol ang puso ko dahil sa gulat. "Mom naman!"
Tumawa lang siya 'saka ako pinagtutusok ng hintuturo sa tagiliran ko. "Tara lapitan natin."
"Huwag-"
Bago ko pa man siya mapigilan, ayon, nakalapit na siya.
Napahawak na lang ako sa sintido ko at walang nagawa kun'di lumapit na rin sa kanila.
"Asan parents mo?" tanong ni Mom kay Elle.
"W-wala po eh," nakangiting tugon niya kay Mom. Nakapusod ang buhok ni Elle 'gaya ng nakasanayan niyang tali. Pansin ko rin ang pamumuo ng pulbo sa noo at leeg niya, marahil dahil sa pawis dulot ng init ng init ng panahon.
Natahimik si Mom. Malamlam ang matang nginitian niya pabalik si Elle.
"Anak," tawag sa akin ni Mom. Iniabot niya sa akin ang maliit niyang bag. "Pakihanap ng suklay at pangtali ko ng buhok."
Agad naman akong sumunod at saka iyon inabot sa kaniya.
"Ayusin natin ang buhok mo?" puno ng lambing na sabi ni Mom sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ctrl + Z [On-Going]
Teen FictionCliché as it may sound, friendship that grows into romantic love is one of the most beautiful things that could happen in our lives. But how sure are we when we know that tomorrow holds a series of unknown fates? The story of Ctrl + Z centers on two...
CHAPTER 17: Recognition Day
Magsimula sa umpisa
![Ctrl + Z [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/261845437-64-k665216.jpg)