TETNL Chapter 44

32 1 1
                                    

Jennie's POV

Today is the day nang date namin ni Kai, and sobra yung nerbyos ko ngayon.

"Tutuloy ba ako? Parang ayoko." kinakabahan kong tanong kay Rosie, kasama ko siya ngayon dito sa comfort room.

Kakatapos lang ng shoots namin ngayon, and its already passed 5 in the evening.

Currently, Kai is waiting at the parking lot.

"Loka, kailangan mong makipag kita kay Kai, Jennie. Para once in for all maclear mona sa sarili mo kung sino talaga ang mahal mo, kasi hanggat hindi mo naki-clear kung sinong mas mahal mo sa kanilang dalawa? Mas lalo mo lang paguguluhin ang lahat."

"You need to calm down, kapag sumama ka kay Kai ngayon, may chance na don mo malaman kong sinong pipiliin mo okay? Kumalma ka." tinulungan niya akong pakalmahin gamit ang breathing teknik na natutunan niya online.

Luckily naging okay naman ako in a minute, pero yung kaba ko nandito parin.

"Okay, tama ka. I need to do this, maybe nalilito lang ako kay Lisa." nakita ko naman ang masamang reaction ni Rosie, saka siya may ibinulong sa sarili niya na hindi ko narinig ng maayos.

"Ano yon Rosie? Hindi ko narinig." sabi ko at tumingin sa salamin na nandito. Kailangan kong mag retouch dahil nabura yung ilan sa make up ko.

Habang busy ako mag retouch, napansin ko na tahimik lang siyang nakatingin sa akin at pinag mamasdan ako.

"Rosie?" nag lagay ako ng lipstick saka ko siya tinignan.

"Rosie!" tawag ko, dahil mukhang malalim ang iniisip nito.

"Ha?a-ano yon, Unnie?" lutang na tanong nito sakin.

Okay mukhang napasa yata sa kaniya yung kaba at takot ko kanina.

"Wala, sige, una na ako. Diko sure kung what time ako makakauwi ah? I need to go now, kailangan kong tapusin ang kabaliwang sinimulan ko." mabilis naman siyang napangiti sa sinabi ko, saka lumapit at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Kaya mo yan okay? Tapusin mona ito ngayong gabi, and kung need mo ng help nandito lang ako, just call me." tumango ako, bago lumabas.

Nag paalam kami ulit sa isa't isa.

"Sure ka? Hindi kita ihahatid sa kaniya?" hirit niya.

"Nope, wag na, kaya kona." nakangiting sabi ko sa kaniya at lumakad na papuntang elevator.

"Okay, tumawag kana lang pag nagkaproblema ha?" and I nod my head, saka ako kumaway sa kaniya.

Pagpasok sa elevator agad kong pinindot ang button ng parking lot.

"This is it."

Pag ka labas ko ng elevator ay pumunta na ako sa parking lot, hahanapin kopa sana yung kotse ni Kai pero nakaabang na pala ito sa pag labas ko.

Nakita kong bumaba siya sa kotse niya at nakangiting lumapit sa akin.

Ngumiti naman din ako sa kaniya.

"Hope in?" he kindly ask, kaya tumango ako as he open the car door for me, such a gentleman.

Umikot siya paharap sa kotse saka siya sumakay sa drivers seat.

"Where are we going?" tanong ko pag ka-istart niya ng kotse.

"Sa bahay bakasyunan ko, remember? Sinabi ko yun sayo nung isang araw, nakalimutan mona?" saglit akong napaisip para alalahanin kung nasabi niya ba sakin.

But yeah, nasabi niya nga nakalimitan ko lang siguro.

"Okay." bagot na sagot ko, kung tutuusin ayoko na sana siya makita, kasi sa tuwing nakikita ko siya lalo na ngayon na naging tanga na naman ako sa kaniya. Naiinis ako.

Those Eyes,They Never Lie (On-Going)Where stories live. Discover now