TETNL Chapter 28

29 1 0
                                    

Jennie's POV

"Guys, bilisan niyo naman kumilos." sabi ni Rosé.

Nag aayos kami ngayon ng mga gagamitin, balak kasi nila mag picnic.

Oo, sila hindi ako kasali, dahil mas gugustuhin kopa sana na manatili sa bahay at makasama si Lisa.

Pero hindi pwede, hayst.

Gusto daw nilang mag picnic kaming apat, jusko is this for kids only? No? Maybe?

"Eto na, nilalagay na sa likod ng kotse, chill ka nga, as if naman tumutulong ka." pananagot ni Lisa.

Busy ako ngayon mag, lagay nung mga drinks dito sa malaking cooler.

Habang si Lisa at Jisoo naman, ay busy mag lagay ng iba pang gamit sa likod ng kotse.

So basically, lahat kami ay busy, maliban kay Rosé, na walang ibang ginawa kung hindi ang kumain at panoorin kaming tatlo.

"Kumakain kaya ako."malungkot na sagot nito kay Lisa.

"Oo nga eh, halata ko sarap ng kain mo. Habang nag papakahirap kami dito ang galing." sarcastic na sagot ni Lisa.

Heto na po sila nag aaway na naman sa maliliit na bagay.

"Tumahimik muna kayo pwede? Mas mapapatagal tayo nito kung mag babangayan pa kayo. Ikaw Rosé, paki lagay naman nito sa kotse tulungan mo ako." sabi ko nalang. Hawak ko ang kabilang side na hawakan ng cooler, saka namin ito binuhat ng sabay at inilagay sa likod ng kotse.

Nang masecure na namin na kompleto na lahat ay, sumakay na kaming apat sa kotse.

Sa unahan kami ni Lisa, dahil siya ang magdadrive, habang nasa backseat naman ang dalawa na sina Jisoo and Rosé.

__________

"Wow, ang ganda naman dito." bungad ko ng makalabas ng sasakyan at tinignan ang buong lugar.

Nasa mataas kami, bundok yata ito, I don't know.

"Grabe, bang ganda naman dito." Jisoo said, saka lumapit sa tabi ko at tumingin din sa view.

"Yeah, grabe may alam ka palang ganitong lugar Lisayah?" Rosé asked.

Nandito na kaming apat ngayon at, nakadungaw sa magandang view.

It was full of green trees, na may magandang sikat ng araw, sapat lang para di kami mainitan, dahil sa malamig na simoy ng hangin.

Perfect talaga itong pang picnic.

"yes, okay kilos guys. Mag aayos pa tayo ng set up natin dito." Lisa interrupted. Saka niya inilabas ang mga gamit pati narin ang mga foods.

Mabilis naman kaming kumilos, at inayos ang magiging pansamantala naming sapin dito.

After ng ilang minutes ay natapos din kami sa wakas.

Pagod kaming nahiga dito sa sapin namin.

Nakikita ko tuloy ang magandang kalangitan.

Asul na may white ang kulay nito, nakakarelax ngayon nalang din ako narelax ng ganito sa buong buhay ko.

Nakakamiss din pala bumalik sa pagiging bata ano? Yung wala ka masyadong iniisip, kundi yung pag kain mo, at kung paano ka makakatakas sa mama mo, kapag pinapatulog kana sa tanghali.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko, mukhang masarap matulog dito ah.

"Wag kang matutulog dito, Jen ah." rinig kong sabi ni Lisa, saka ito nahiga din sa tabi ko.

Those Eyes,They Never Lie (On-Going)Where stories live. Discover now