TETNL Chapter 14

45 4 0
                                    

Lisa's POV

As soon as we arived at our destination dito sa yate nato. Agad nila kaming inassist.

Dala dala ng butler ko ang maleta naming dalawa ni Jisoo, habang hawak ko ang kamay nya. Pasakay na kami sa yate, inaalalayan ko syang makaakyat bago ako.

"Lisayah, tayo lang talagang dalawa dun sa Boracay?"tanong ni Jisoo pag kaupo nya sa isang couch dito sa loob.

"Oo naman, bakit?"tanong ko rin pabalik, habang tinitignan ang kabuuan nitong yate. Matagal tagal kona ring hindi ito nagagamit.

"Ahm..."sabi nya. Kaya napatingin ako sa kanya nun. Nakita kong parang may tinatago sya sakin,kaya kumunot ang noo ko sa kanya.

"what?"

"Inaya ko kasi sila Chaeng..." Sabi niya, dahilan para magulat ako, and at the same time mag taka.

"huh?, but why?" dismayadong tanong ko, at napasapo sa noo ko.
Pag katapos nun Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kona nakahawak sa hinihilot kong noo.

"Lisayah, its not that ayokong sumama sayo ng mag isa"diko siya pinansin nun.

"Pero kasi, alam mo namang friend kona sila chaeng. Plus makakapag bonding naman din tayo dun ng maayos" pag kukumbinsi niya sakin, pero diko parin sya pinansin nun, Though nakikinig naman ako.

"kaya sige na, pumayag kana, papunta narin sila dito. Tsaka ayaw mo nun,
mas marami mas masaya, bigay mona sakin to please?"pag papacute niya sa harap ko. Tinignan ko muna sya nun ng ilang segundo bago ako pumayag.

"Fine" pag kasabi ko nun agad niya naman akong niyakap ng mahigpit.
Kaya niyakap kona lang din siya pabalik.

*****

"Butler change plan" sabi ko sa kasama ko dito ngayon sa taas. Sila Jisoo, chipmunk at Jennie nandon sa baba sa loob.

"ano po yun Ms.M?"tanong niya sakin.

Humarap ako at tinignan sila Jisoo, na nag sasaya sa loob.

"make a reservation of two rooms sa condo ni ms. Cassandra. One for me and Jisoo, then one for chaeng at Jennie, paki damihan narin yung activities na gagawin nila kapag nag work ako dun, para di sila mabored" pag kasabi ko nun, agad nakong bumalik sa loob at nakisali sa kanila.

Nagka kwentuhan pa kaming apat dun saglit, hanggang sa tinawag na kami ng personal chef namin dito para kumain.

Pagka rating sa dining table.

"Huwaw! Nakakatakam naman ang mga ito" sabi ni chaeng, at agad na naupo sa isnag upuan don.

Sumunod kaming tatlo don, dahil nauna na si chipmunk, laging gutom to.

"Nagustuhan moba?"tanong ko sa katabi ko, habang kinukuha yung pag kain. But I didn't hear a respond kaya napatingin ako dito, only to find out na si Jennie pala ang katabi ko. Natigilan tuloy ako don.

"ah.. Oo, mukang masarap naman sila"sagot nya sa tanong ko, kasabay ng pag iling ko.

Pag tingin ko sa harap ko, nandun si Jisoo kumakain na.

Gusto kopa sanang umangal, at kung paanong napunta sya don sa side nayun,pero binalewala kona lang. Dahil kumakain narin sya.

"Ikaw Lisa ah, kakatampo ka, bat si Jisoo lang ang gusto mo isama?"tanong ni chaeng.

" Sya lang gusto ko chaeng, tsaka di kaba nag sasawa sa mukha ko?matagql at halos araw araw tayong nag kikita diba?"malumanay kong sabi ang ininom yung tubig malapit sakin. Nasa dining table parin kami at kumakain.

Those Eyes,They Never Lie (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon