This Annoying Girl 13

Start from the beginning
                                    

"Sige po," Sinulyapan ko 'yung papel habang papalabas ng office. Whole details 'to para sa Heart's Day Party.

Agad na akong dumiretso sa announcement room at in-on ang microphone.

"Attention, everyone," Tumigil ako saglit, "Please listen to this announcement regarding the Heart's Day Party that will be happening tomorrow. I'm very sure that everyone is already prepared for the event." Tumigil uli ako, "For those who are not yet able to check the details of the event on the bulletin board, please do check now.. To remind you, the party will start exactly 5 PM until 11 PM. This will be held at Room A social hall. We are expecting to have outsiders from other schools so please do not make an unnecessary behavior that will break the school's reputation. Other details are already posted on the bulletin board. Thank you." Pinatay ko na 'yung microphone at lumabas na ng room.

Dumiretso na uli ako sa HS office. Nando'n pa rin si Julia kausap ang mga co-organizers niya kaya nilapitan ko sila.

"Guys, gusto niyo tignan 'yung Room A? Para makita rin natin ang outcome ng powers natin." Sabi ko at natawa sila sa huli kong sinabi.

"Tara!" Sabi nila.

Nung huli kasi akong pumunta sa Room A, makalat pa. Ano na kaya itsura ngayong naalis na 'yung mga kalat? Nakaka-excite.

Pagpasok naming mga officers, napanganga kami. Sobrang ganda ng gawa namin! I'm so proud of my team.

May heart shaped balloons na nagfo-float sa celing tapos medyo madilim ang venue kasi puro red and lights namin. May white rin pero konti lang. Red lahat at feeling ko tuloy, Valentine's Day talaga kahit July pa lang. 

Biglang na-imagine ko naman na may nagsasayaw na couple sa dance floor. And how I wish may gano'ng mangyari sa'kin bukas.

[ DANIEL's POV ]

    Nalaman kong 'di makakapunta si Khalil sa Heart's Day Party.. so ibig sabihin, wala ng ka-date si Kath? Hm, sayang naman.

Ako, walang ka-date. 'Di ako niyaya ni Kath eh. Sanay na kasi ako na siya ang naga-aya sa 'kin sa mga events tulad na ganito kaya 'di na rin ako nagrereklamo.

Loner ako bukas. Tsk.

Karirinig ko lang rin ng announcement at lahat excited, pero ako, 'di masyado. Pa'no, isang gwapo ba naman, mag-isa? Tss.

**~

Nagsimula na ang first period.

"Class, no lessons for today because we will have an orientation regarding the Heart's Day Party tomorrow." Naghiyawan ang mga kaklase ko.

Lumingon ako sa sa pwesto kung nasaan naka-upo si Kath pero wala siya. Nasaan siya? Ugh, eto na naman ako iba ang pakiramdam. 'Di ako mapakali. 

Ba't ba 'ko nagkakaganito? Oo inaamin ko, 'di talaga ako sanay ng walang nangungulit sa'kin



**~

Buong araw wala si Kath at buong araw rin akong wala sa mood. Hindi ko man lang siya nakita ngayon. Pero at least, narinig ko nung nag-announce siya.. at least

[ KATHRYN's POV ]

Hindi na kami umattend ng orientation dahil kami mismo gumawa ng mga nakalagay do'n at syempre alam na alam na namin.

Umuwi muna kami para iwan ang mga gamit namin at para magpalit ng damit dahil pawis na pawis na kami. Kanina pa kami nag-aayos at nagdo-double check ng venue at namuo na ang jabar kaya kailangan talaga mag-freshen up.

Pagtapos naming mag-ayos ni Julia, bumalik na kami agad ng school. Marami rami pa rin kaming aayusin dahil kulang ng ilaw sa isang parte ng room. Nagdagdag rin kami ng balloons kasi parang ang konti.

**~

Halos magseseven na ng gabi nang matapos kami sa pag-aayos. Pa'no natanggal 'yung screw sa stage at naging dahilan para bumagsak ang kumakapit sa screw. Tulong tulong namin inayos 'yun.

Bago kami umalis, sinigurado namin na okay na ng lahat. TInest na namin 'yung aircon, microphone at mga projector. 

Grabe feeling ko magcocollapse na 'ko sa sobrang pagod. 'Di na nga ako nakakain ng dinner pero keri lang.

Kinuha ko ang phone ko dahil gusto kong magtweet.

@bernardokath : jgh from school gah, so tired fixing the venue

Nakita kong online si Khalil dahil niretweet niya ang tweet ko kaya naisipan kong i-mention siya.

@bernardokath : 'di na 'ko gano'n ka-excited bukas @TheKhalilRamos bonding pa naman o tsk

Agad siyang nagreply,

@TheKhalilRamos : @bernardokath sorry na hehehe marami namang iba diyan ehem

Nanlaki mata ko. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to! Sa public ba naman i-bulgar. Ugh.

@bernardokath : @TheKhalilRamos utang na loob pare huwag kang madaldal dito 

@TheKhalilRamos : @bernardokath hehehehe enjoy ka nalang bukas at huwag tunawin ng tingin si ano HAHAHA :))))))

@bernardokath : @TheKhalilRamos bahala ka diyan magpapahinga na nga ako!!!.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Where stories live. Discover now