Kabanata 20

1.9K 81 14
                                    

This is the last chapter of this story and the last installment in the series. Thank you guys, for always reading my stories. I hope I give justice for their story. After this, I'll continue writing Costiño Series 13.

------------------------

Kabanata 20

Again

Masaya kong pinagmasdan ang anak habang hawak-hawak ang diploma na kanyang pinaghirapan ng ilang taon. Beauden is graduated. I'm contented happy because my son reach his goal in life. Kahit nahirapan kaming mag-adjust sa nangyari, kahit halos hindi kami nakabangon, kahit tumigil siya ng pag-aaral noon, he still pursue it. 

Ang pagkawala ni Aydem ay malaking impact sa amin. From his presence, down to his businesses and to our children. Aaminin ko, sobra akong nawala sa sarili ng mawala ang asawa ko. Pakiramdam kong nawala sa akin ang kalahating katawan ko. Sobrang sakit. Sobrang nakakapanghina. Sobrang nakakadurog ng puso. 

Kung nahirapan ang mga anak ko, mas lalo sa akin. When my son called that night, I feel so lost. Inuna ko pa ang makipagkita sa iba kaysa alalahanin ang asawa ko. Pero ang mas masaklap pa, hindi ko manlang alam na may sakit siya! Hindi niya sinabi sa akin! Hindi niya sinabi sa mga anak ko! Ang sakit-sakit malaman mula sa kanyang doctor na may sakit siya sa puso! Pakiramdam ko, wala akong kwentang asawa. Kasi napabayaan ko ang lalaking umaruga at tumanggap sa akin.

Heart Enlargement ang sakit ng asawa ko. To confirm, sinabi sa amin ng kanyang private doctor. Windang na windang kami dahil ni isa sa amin ay walang kaalam-alam. Hindi ko alam na may ganoon siyang sakit! Sa ilang taon naming pagsasama, wala siyang sinabi sa akin! Wala siyang sinabi! Kaya durog na durog ako dahil pakiramdam ko ay wala akong silbi para sa kanya.

I ask the doctor, ano ang rason bakit tinago sa akin ng asawa ko? Ang sabi niya, ayaw daw ni Aydem na magkaroon ako ng problema nang dahil sa sakit niya. Ayaw niya daw ako mag-isip ng kung ano-ano. Bakit? Asawa niya ako! I have the right to know about his health! Bakit ginawa niya ito sa akin!?

Hindi ako pumayag na cremated ang kanyang katawan. I want it remain full. Nakahimlay siya sa family cemetery nila, at tuwing kaarawan, kaarawan ng kanyang pagkamatay, palagi kaming dumadalaw sa kanya. Palagi naming inaalala ang kabutihan, pagiging mabuting asawa at anak sa amin. Ang lungkot ng buhay ko sa lumipas na limang taon. 

I try to heal, pero nahirapan ako ngunit unti-unti, nawawala dahil nandito pa ang mga anak ko. Nandito sila at nagbibigay ng lakas sa akin. Kahit minsan naiisip kong wala naman ng silbi ang buhay kong ito. Kaya ng matapos si Beauden ngayon, malaking kahalagahan sa amin. Tumigil siya ng isang taon upang hawakan ang mga negosyo na naiwan ni Aydem sa amin.

And to see my son happy makes me contented again. Kahit wala na sa tabi ko si Aydem. Kahit kaming tatlo na lamang. Ngunit ngayon ay magkakaroon na kami ng bagong kasapi sa pamilya. Buntis ang girlfriend ni Beauden at alam kong magpapakasal sila after his graduation. Two months na ang pagbubuntis, at masaya ako dahil madadagdagan kami.

Ngumiti ako ng lumapit sa amin si Beauden. Agad siyang niyakap ng kanyang nobya kaya napangiti ulit ako. Si Emir ay nasa tabi ko lamang at pinagmamasdan ang paligid. Nang matapos silang magyakapan, sumunod siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. 

"Congratulation, anak." I said contentedly.

He caress my back.

"Salamat Ma, sa pagtindig sa amin." he said back.

I nodded. Nang humiwalay kami, tumingin ako sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanya habang nandito kami, kasama ang babaeng kanyang mahal, at ang magiging pamilya niya. Ang sarap sa pakiramdam na kahit dumaan kami sa madilim na pagsubok, nanatili pa rin ang isa't-isa at kumapit para sa buhay na ito.

Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now