Kabanata 17

2K 73 24
                                    

Kabanata 17

Familiar

Hindi agad ako nakapagsalita. I was so shocked! What does my son mean? Na may anak si Ajik Almuevo? At yung anak niya ang girlfriend ng anak ko! Seriously? Is this coincidence or plan? Bakit ganito ang nangyari? Bakit pinaglalaruan kami ng tadhana? And my son…nobya niya ang anak ng naging ex ko! This is crazy!

“Hello, Ma? Are you still there?”

I swallowed hard. Nang tumingin ako kay Aydem, he was curious too. I bit my lower lips and sighed very hard. Ano naman kung siya ang ama ng nobya ni Beauden? Ano naman kung may nakaraan kami? It was past! It was very clear that we are past! Kaya hindi na sana ako apektado pa! Well, nababahala lang ako sa anak ko. Baka malaman niyang ex-boyfriend ko ang Papa ni Isha na kapangalan ko pa.

Napalunok ako ng malalim bago ngumiti sa asawa ko at sumagot sa anak.

“Y-yes, I’m here. Okay ka naman dyan, Beauden?”

“Of course, Mom. Mabait ang mga uncle ni Isha. They accommodate me well. Tsaka nandito kami sa mansion nila sa Manila.”

I nodded.

“That’s good. Mag-iingat ka dyan, Anak. Hahayaan kitang magsaya kaya sana wag mong sayangin ang tiwala ko.”

He chuckled in the phone.

“I will, Mom. Sige, I’ll hang up the call. See you next week.”

After he said it, natapos ang tawag. Nanghihina kong nilapag ang cellphone sa lamesa at ngumiti ng awkward sa asawa ko. Napalunok ako at pinawisan talaga.

Ngayon ko lang ‘to narinig at nalaman. At ngayon ko lang narinig ulit ang pangalan ni Ajik. After eighteen years, ngayon ko nalang ulit ‘yon narinig. Kumusta na kaya siya?

Well, nagkaroon siya ng anak na babae. So, he named his daughter as Isha Faith. Bakit kaya? Hindi sa nag-a-assume ako pero bakit parang kapangalan ko ang anak niya? Bakit pareho kami? This is so shocking! Sa tagal na lumipas, ngayon ko lang ulit narinig ang kanyang pangalan.

“Hayaan nalang muna natin si Beauden, Hon. Alam niya ang mga ginagawa kaya pabayaan nalang natin.” Aydem said calmly.

I smiled. Niyakap ko siya dahil nakaramdam ako ng guilty. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa naging ex-lover ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Ajik. Tinago ko ‘yon dahil para sa akin, hindi naman ‘yon importante. Pero ngayon, parang nabuhay ulit ang lahat. I feel guilty for my husband. He was open to me. Lahat ng mga pinagdaanan niya ay sinabi sa akin.

Tapos ako? I kept it! Kasi para sa akin, walang silbi ang pagsasabi ng nakaraan!
Niyakap niya ako pabalik. Huminga ako ng malalim bago ngumiti. Tumingin sa amin si Emir at ngumuso. Ayaw niya kasing nakikita kaming sweet sa isa’t-isa ni Aydem. Kaya ngayon ay nakanguso na sa amin.

“Ma, Papa get a room.” suplado niyang sabi.

Tumawa si Aydem at humiwalay ng yakap sa akin. Tumingin siya sa anak at umiling-iling.

“Come on, son. I just want to hug your mommy.” sabi ni Aydem.

I shook my head and smirk at them. Tumayo ako at naisip na pumasok sa kwarto upang mag-isip. Hindi talaga ako mapakali. Nung sinabi ni Beauden ang tungkol sa Papa ng kanyang girlfriend, nagulat talaga ako. Bakit? Kasi unang-una, hindi talaga ako makapaniwala na nagkaroon ng anak si Ajik. But yes, I shouldn’t judge him that easily. Nagkaroon sila ng anak ni Nola? At yung anak nila ay si Isha na naging nobya ng anak ko?

So, ibig sabihin nagkatuluyan silang dalawa? At baka nagpakasal din? Kasi nabuo nga ang anak nila e. Napangiti ako, at least nag-settle siya sa isang babae. Akala ko kasi after our break-up, tapos mga ilang buwan lang ay maghihiwalay rin sila ngunit hindi pala. Nabuo si Isha kaya baka maaaring kasal sila. I’m happy, and I feel good now.

Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now