Kabanata 9

1.3K 64 3
                                    

Kabanata 9

Passionately

Dumating kami sa paaralan bago matapos ang attendance. Required daw kasi 'yon dahil may dagdag points ang a-attend sa mga activities na meron ang school. Suot ang damit na pinahiram sa akin ni ate Adah, I sighed shyly in front of the fishpond. May mga open na stall ngayon para sa mga gustong bumili ng pagkain and keychains. 

Naghiwalay kami ni Ajik dahil pumunta pa siya sa kanilang department. After what happened in their house, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa namin. He was under an alcoholic, lasing siya nung ginawa namin 'yon. Kaya siguro nadala lang din siya. Pero paano kung mabuntis ako? Paano kung magbunga ang ginawa namin? Anong gagawin ko?

Wala akong karanasan sa lalaki. He is my first. Siya ang nakakuha ng kabirhenan ko. Siya rin ang lalaking tangi kong minamahal. Wala akong ibang nagustuhan, o nakitang lalaki na papantayan sa kanya. Kaya mahirap para sa akin na kalimutan siya. It will take time. And I know, I won't forget him easily. Dadaan pa ng ilang taon bago 'yon mangyari.

May damit na rin akong susuotin para sa ball. Ate Adah provide it. Nahihiya pa nga ako dahil masyadong mahal ang pinahiram sa akin at bagong labas lang sa boutique shop nila. Pero si Ajik ang nagbigay ng huling desisyon kaya wala akong nagawa kundi pumayag nalang din. 

Hindi ko rin alam kung paano sasabihin kay Lynda ang nangyari sa amin. Should I tell her? Pero privacy namin 'yon ni Ajik kaya siguro dapat hindi ko sabihin. Kasi kapag malaman niya, baka kumalat sa iba. It will ruin the image of Ajik. Kaya hindi ko nalang sasabihin at itatago na lamang ang tungkol sa amin. 

But my last question is, ano kami? Anong connection namin? Am I his girlfriend? Or…maybe one of his girls? Kasi kung tatanungin ako, wala kaming label pero may nangyari na sa amin. I commit my virginity to him. Pero wala kaming relasyon. Kaya ano ba kami? Anong relasyon meron kami? 

Napabuntong-hininga ako at ngumiti ng malungkot. At the end of the day, wala pa rin kaming relasyon. I just let him took my virginity because I want to give it. Tumingin ako sa cellphone, may text galing kay Filmor. Tinatanong niya kung nasaan ako. I replied to him.

Ako:

Nasa school na ako. Kayo?

After I send it, he replied immediately.

Filmor:

Nandito na rin kami. Punta ka dito sa IGP, kumakain kami.

Napangiti ako. At least, after the day, meron akong mga kaibigan na ganito. Kahit hindi naman kami relative personally, they still have concern for me. Sa panahon ngayon, mahirap magkaroon ng ganoong kaibigan. I formed my reply.

Ako:

Oo, sige papunta na ako dyan.

Iyon ang naging hudyat kaya lumakad ako papunta sa IGP. Ang sling bag ay nasa likod habang naglalakad ako ng tahimik. May mga nagkalat na istudyante sa paligid, may kumpol ng mga mag-aaral ang lumapit sa akin at gustong magpa-picture. Medyo nahiya pa ako kasi first time may ganito.

"Uhm…sure," mahina kong sagot.

Ngumiti ako sa harap ng camera habang nasa tabi ko sila. After some shot, pinakawalan nila ako. Dumiretso ako sa IGP, pumasok at agad nakita ang mga kabanda. Kumaway pa sa akin si Armel habang umiinom ng soft drink. Umupo ako sa tabi nila at agad binigay ang in-order na spaghetti para sa akin. Ngumiti ako at tinanggap iyon.

"Agad kang nawala kahapon. Saan ka ba pumunta?" usisa ni Wencislao.

Nilapag ko ang tinidor at uminom ng tubig. 

"May problema lang sa bahay." I lied.

Ngumuso si Armel at huminga ng malalim si Filmor. Nagpatuloy ako sa pagkain. Nag-uusap sila habang nakikinig lang ako. 

Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now