Kabanata 4

1.4K 60 2
                                    

Kabanata 4

Papalarin

Nagpatuloy siya sa ginagawa niya araw-araw. Kapag tapos na ako sa gig namin, palagi siyang naghihintay sa labas ng bar at sasabihin na siya ang maghahatid sa akin. Kapag papasok naman ako sa school, palagi siyang nasa labas ng kanto, naghihintay upang sabay kami sa pagpasok. Ganoon ang nangyari sa loob ng dalawang araw na ginagawa niya. 

At aminado akong nawala ang hiyang nararamdaman ko dahil sa kanya. Kahit dalawang araw palang, parang ang tagal na naming magkakilala at nagkasama. Kahit minsan naririnig ko ang usapan ng mga istudyante dahil sa amin, hindi ko 'yon nabibigyan ng pansin. And Ajik is very different when you know him well. 

He's not just a philanderer but there's a heart in him. Alam niya ang ginagawa niya. Alam niya ang mga plano sa buhay. Alam niya kung paano mabuhay. Alam niya kung para saan ang ipinaglalaban niyang kinabukasan. Alam niya dahil para sa kanya, ang lahat ng ito ay para sa magiging future family niya. 

Sa dalawang araw na pagiging malapit namin, I got the opportunity to know his family. Lola Marita, ang naging ina sa kanila, he mention her because a big part of his heart was for his grandma. Nalaman kong malambing siyang apo, mabait na kapatid, at kahit naiba sa mga Kuya, he manage to do the best for his academic.

Masasabi kong para na nga kaming close sa isa't-isa kahit dalawang araw palang 'yon. Wala na akong balita tungkol sa girlfriend niya. Hindi niya naman sinabi sa akin. Tsaka wala akong balak na tanungin dahil natatakot akong marinig ang isasagot niya. We become friends, and now, I can feel that our world is near. 

"Isha, last practice tayo. May gig pa bukas kaya dapat maging maayos ang katawan natin para sa anniversary." ani Filmor.

Tumango ako. Nasa rehearsal room kami at ngayon ang last practice. Si Ajik ay nasa sofa at nanonood lang sa amin. Kaninang umaga sinundo niya ako sa amin upang ihatid dito. Tapos buong akala ko'y uuwi na siya ngunit hindi pa pala dahil nanatili siya dito upang panoorin kami. Tumayo ako at humarap sa mic. Si Filmor ang hahawak ng gitara dahil nag-iba na naman ang instrumental ng kanta. 

Nasa harapan ko si Ajik kaya medyo kabado ako pero hinayaan ko 'yon at nag-focus ulit. Masyado niyang kinukuha ang atensyon ko sa mga titig niya. Gaya ng request sa amin, tatlong kanta ito at kailangan maging maayos ang performance namin upang hindi masayang ang points na ibibigay. I sighed heavily. Nagsimula ang piano at sumunod ang gitara. I close my eyes and start the song. 

Muli kong dinama ang kanta habang nakapikit. Kahit ramdam na ramdam ko ang malalim na titig sa akin ni Ajik. My heart beat so fast. Pero kinaya ko pa ring kantahin ang mga kanta ng matiwasay. Nang matapos sa ikatlong kanta, narinig ko ang palakpak ni Ajik. Binuksan ko ang mga mata at unang bumungad sa akin ang namumungay na mga mata ng lalaking gusto ko.

Napalunok ako at nahihiyang tumango sa kanya. Si Filmor ay kontento naman sa performance ko kaya hindi na ako natatakot pa para sa lunes. Binigay na sa amin ang flow ng activities the whole week. Sa lunes ang opening ng anniversary, sa Martes magkakaroon ng mga booth na pwedeng puntahan. Sa myerkules may mini concert daw gaya nung mga naunang anniversary, sa huwebes naman ay field demo ng mga first year, hindi ako kasali dahil exempted ako. Sa byernes ang anniversary ball kung saan lahat ng mga college students ay welcome dumalo. 

Ang sabi ni Lynda, masaya ang ball lalo pa't pwede mong gawin ang mga gusto mo during that event. Syempre required na may date dahil may red carpet daw at photoshoot during the party. Na-excite ako pero kinabahan dahil wala naman akong nakikita na pwedeng maging date sa ball. May isang lalaki ako na gustong maging date ngunit baka hindi siya papayag at baka may iba siyang napili na babae kaya hindi ko susubukan. 

Walang pasok ngunit may attendance sa bawat araw. Si Lynda date na si Filmor. Si Armel nakakuha agad sa ibang department, si Wencislao naman ay baka hindi dumalo dahil uuwi siya sa kanila. Ako ang wala pang date sa amin. Kaya hindi ko alam kung saan maghahanap. Hindi ko alam kung saan magsisimula na maghanap ng lalaki na pwedeng maging partner sa ball.

Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon