Simula

3.5K 96 3
                                    

Simula

Ang pagtibok ng puso sa isang tao ay isang biyaya na bigay ng Maykapal. Ang pagmamahal na siyang nagbubuklod sa atin upang tayo ay maging isa. Ang mga ngiti at tawa na siyang nagbibigay sigla sa bawat isa. Ang lungkot at pighati na dinadamayan ng bawat isa sa atin. Tayo ay nagmamahal, nasasaktan, lumuluha at nakakaramdam ng lungkot. Ngunit ang mga pinagdadaanan ay may katapusan, may hantungan at may wakas.

Kaya masasabi kong kahit masaklap sa akin ang buhay, masaya pa rin ako dahil nakakaramdam pa rin ako ng pagmamahal. Nagmamahal pa rin ako kahit nasasaktan at nakakangiti pa rin ako kahit napupuno na ng lungkot ang bawat isa. Bata palang ako sinubok na ang buhay namin. Maaga akong binawian ng magulang. Namatay si Mama nung pinagsisilang ang bunso kong kapatid. Naiwan kami sa kamay ni Papa at masasabi kong naging masaya naman ang buhay namin kahit nawala si Mama.

Ngunit, gaya ng masasakit na tagpo, kinuha rin sa amin si Papa. Isang gabi, natagpuan ang kanyang katawan na wala ng buhay at nasangkot umano sa aksidenteng naganap sa kanyang pinagta-trabahuan. Dumilim ang paligid at buhay namin, ang nag-iisang magulang na meron kami ay nawala pa. Sa huli, naiwan kami kay Lola at Lolo, ang magulang ni Papa. Hindi sila naging mahigpit sa amin. Sa katunayan ay pinag-aaral nila kami. Ako sa college ngayon, at si Rehato sa high school.

Mabait sa amin si Lola at Lolo. Kahit mahirap ang buhay sa kamay nila, natuto kaming maging kontento sa mga naibibigay nila. At masaya ako dahil sa likod ng lungkot, nanaig ang kaliwanagan sa amin. Ngumiti ako habang nasa harap ng mga tao. Hawak-hawak ang gitara habang nakaupo sa high chair at pinanonood ng maraming tao.

“Isha, another song pa daw request ng audience.” pukaw sa akin ni Filmor.

Ngumiti ako sa kanya. Isa kaming banda, at nasa gig kami ngayon. Kapag natatapos ang klase sa umaga at hapon, hindi ako nakakauwi dahil kailangan kong dumalo sa mga gig namin. Ako ang vocalist ng banda, si Filmor ang guitarist, ang nasa likod ko ay si Wencislao na siyang nakahawak sa piano at si Armel sa drum. Kilala na kami sa bar na ito at suki kami ng mga tao. Nakilala kami sa pangalang The Good Vibes. Kinakanta namin ang classic song, opm at ibang request ng audience.

At ngayon, katatapos lang namin sa pang-limang kanta at may request pa ang iba. Ngumiti ako habang napapailing sa mga audience na gustong-gusto pa akong kumanta.

“You want another song, guys?” malamig ang boses ko.

Nag-unahan na sila sa pagsigaw.

“Another song pleaseeeeeee.” sigaw ng karamihan.

I smiled. Sige, pagbibigyan ko tutal ay wala naman kaming schedule sa bar na ito. Nilibot ko ang mata sa dagat ng mga tao, lahat sila ay nakangiti sa akin at natutuwa sa performance ko. Habang nagsisimulang tumugtog ang drum at piano, napahinto ako sa kalagitnaan ng paglilibot, hindi inaasahan na makikita siya dito. Ang mga titig na nakakatunaw, ang ngiting hindi ko kailanman makalimutan. Ang mukhang kasing walang perpekto at panga’y umiigting sa tuwing napapangiti.

Here is the man I stare, I adore so much. I dream so much. I like so much. The man I secretly stalk and admire. Hindi ko inakala na mapupunta siya dito gayong ang alam ko ay busy siya sa iba’t-ibang babae. Masaklap na katotohanan, hindi siya kontento sa iisang babae. Masaklap na katotohanan, hindi siya marunong magmahal ng babae. Ngunit sobrang makapangyarihan ang kanyang mga mata, na kahit mapatitig ka’y siguradong mahuhulog. Na sa tuwing natutulala ako sa kanyang mga mata, wala akong magawa kundi aminin na nahulog ako.

I get lost in your eyes

And I feel my spirits rise

And soar like the wind

Is it love that I am in?

Narinig ko ang kilig sa mga taong nanonood sa amin. This song is for him. I dedicate it for him. Kasi sa tuwing nagsasalubong ang mga mata namin, nawawala ako. Sa tuwing lumalalim ang kanyang tingin, nahuhulog ako. Ito ang nararamdaman ko sa lalaking nakaupo ngayon di kalayuan sa akin, suot ang kanyang uniform at may hawak na baso ng wine, bagong gupit, mga ngiting naglalaro sa labi, kilay na perpekto, at ilong na bagay sa kanya.

Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now