Kabanata 5

1.3K 63 2
                                    

Kabanata 5

Looking

Kabadong-kabado ako pagdating ng lunes. Umagang nagising dahil hindi ako makatulog ng maayos. Sabayan pang hindi ko makalimutan ang sinabi ni Ajik sa akin. Gusto niya akong pumunta sa ball ngayong byernes. Hindi ko alam kung paano at sino ang kasama ko gayong wala naman akong date. Baka magmukha akong tanga doon pero gusto ko, Oo gusto mong pumunta.

Gusto kong malaman kung ano ang meron sa ball. Gusto kong malaman kung masaya ba ang um-attend sa mga ganoon. Pero may sinasabi ang puso ko na wag nalang pumunta dahil baka mag-isa lang ako doon. Hindi ako makapag-desisyon ngayon. Siguro kailangan ko pa ng ilang araw para makumbinsi ang sarili na pumunta.

Suot ang t-shirt na binigay sa amin ng BPED faculty, napabuntong-hininga ako sa harap ng salamin. Wala na akong suot na salamin sa mata dahil may gamit akong contact lens. May lipstick ang labi, walang nilagay sa pisnge at mata. This is it! Pagkatapos ng ilang araw naming praktis, sigurado akong magiging successful 'to!

Lumabas ako ng bahay bitbit ang puso na punong-puno ng pag-asa. Alas-nuwebe pa naman ang pagsisimula ng event ngayon. May dalawang oras pa ako para sa paghahanda sa school. Nang tumingin ako sa unahan ng kanta, lihim akong napangiti dahil muli kong nakita si Ajik, nakasandal sa kanyang motor habang sobrang cool ng kanyang porma. 

Huminto ako sa harap niya, nakatitig na siya sa akin habang may guhit ng ngiti ang kanyang labi. He look so dashing right now. Ang hikaw sa kanyang tainga ay nakakasilaw sa liwanag. Ngayon niya lang 'to sinuot kaya ngayon ko lang din nakita. It was good to him. 

"Ready?" he said huskily.

I smiled sweetly. Sige lang, Isha, maging masaya ka lang ngayon, damhin mo ang kilig dahil kapag dumating ang sakit, siguradong lugmok ka! Ngayon lang naman ako magkagusto sa isang lalaki. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging ganito. Ngayon ko lang maramdaman ang magmahal kaya hindi ko pa alam kung paano 'to hahawakan at aalagaan. 

"Medyo. Iba kasi ang crowd sa bar at sa school." mahina kong sagot.

He shook his head and smiled at me. Sobrang fresh niyang tignan. Sobrang nakakalaglag ng panga ang kanyang hikaw na nagbigay ng matinding karisma sa kanya. Kahapon ko nalaman na wala na pala sila ng kanyang girlfriend. Siya mismo ang nagsabi sa akin kahit hindi ko naman in-open sa kanya. 

Nagulat nga ako dahil hindi naman siguro tatahimik ang babae kung alam nitong may ibang babaeng kasama ang nobyo. Kaya pala walang violent reaction sa school kahit nakikita kami sa campus. Hindi niya sinabi ang rason, he just said that he broke up with the girl. I accept it. At least, naging panatag ang loob ko habang hinahatid-sundo niya ako palagi.

"You are good, Ishaella. I know you can do it. Everyone knows you are a great singer." he said softly.

Ngumuso ako dahil hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sa ilang araw naming pagiging malapit, marami akong nalaman sa kanya. Bukod sa kanyang pamilya, nalaman ko din kung gaano siya kagaling sa pagbibigay ng matamis na salita sa mga babae. Kaya siguro maraming babae ang nahuhumaling sa kanya dahil sa mabulaklaking niyang bibig. Pero alam ko naman ang limitation ko. Alam ko kung saan ako lulugar, ano ang paniniwalaan at iba pa. I know my limitation! Sadyang marupok lang sa lalaking mahal.

"Thank you, Haj." marahan kong sagot.

He smiled. Binigay niya ang helmet sa akin at tinanggap ko iyon. I wore it immediately. Nang maging maayos na, sumakay siya sa motor at sumunod naman ako. Humawak ako sa kanyang balikat ng magsimula siyang magmaneho. 

"May damit ka na bang susuotin sa ball?" tanong niya habang nasa biyahe.

Kagabi ko pa rin 'to iniisip at hanggang ngayon wala pang akong desisyon. Kung pupunta kasi ako, kailangan may kasama akong date para hindi naman ako langawin doon. Tapos ngayon naisip kong kapag pumunta ako, may susuotin ba akong damit? It must be formal! I need to wear dress! Saan ako hahanap no'n? Kapag magrenta ako, siguradong mahal at mababawasan ang ipon ko para sa amin ni Rehato. 

Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora