Kabanata 1

2K 67 2
                                    

Kabanata 1

Night

"Isha, practice tayo?" si Filmor.

Napahinga ako at tumango. Sinukbit ko ang gitara sa likod upang makaalis na sa classroom. Kailangan naming mag-practice dahil magkakaroon ng foundation week ang university. Isa kami sa magpi-perform dahil request ng BPED faculty. Pumayag naman ang banda lalo pa't dagdag points 'yon sa amin. Naglakad kami papunta sa rehearsal room. Kompleto ng kagamitan ang university pagdating sa music. May piano, violin, drum set and all. Sa katunayan, napili kaming ipanglalaban sa Music Competition sa ibang bansa. Ngunit hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Iniisip ko rin ang offer ni William, ang manager ng bar na kinakantahan namin. Magandang opportunity 'yon sa amin lalo pa't sa ibang bansa ang location. Pero hindi pa ako sigurado dahil baka hindi pumayag ang mga ka-bandmate ko. Lalo na si Filmor, siguradong hindi niya iiwan si Lynda dito. 

For sure, hindi kami pwedeng magdala ng iba dahil malaki ang gastos sa amin. Kaya kailangan ko pang sabihin 'to sa mga kasamahan ko. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko ang offer. Gusto kong subukan dahil baka nandoon talaga ang magandang kinabukasan para sa akin. 

But then again, I think about Rehato, my sibling. Maiiwan siya kapag umalis ako. Maiiwan siya sa Lola at Lolo namin. At alam kong mahihirapan ang mga matanda lalo pa't may mga edad na sila. Tsaka alam kong hindi papayag si Rehato na umalis ako na hindi siya kasama. Palagi kaming magkasama sa hirap at ginhawa. Palagi siyang nasa tabi ko kapag may mga problema ako. He never left me. Tapos ako? Iiwan ko siya para lang sa pang sarili ko? 

Hindi ko man sabihin pero iyon ang totoo. Kapag tanggapin ko ang offer, may maiiwan talaga. May mga taong masasaktan at sigurado akong magdudulot 'yon ng matinding trauma sa kanila. Kaya kailangan kong pag-isipan 'to ng mabuti. Kailangan kong mag-desisyon. Sa ngayon, focus muna ako sa goal na maging maayos ang presentation namin sa darating na foundation week. 

Nilagay ko ang gitara sa lamesa at binuksan upang makuha iyon. Kompleto na kami at naka-set na rin ang iba. Si Armel na siyang nasa drum ngumiti sa akin. I just nodded. Nilagay ko ang holder ng gitara sa balikat at humarap sa mic. Tatlong kanta ang requested sa amin ng mga BPED faculty. Kaya iyon ang kailangan naming praktisan. Nagsimula si Wencislao sa piano kaya sumunod ang drum. Si Filmor naman ay nagsimula na sa gitara, samantalang hinahanda ko ang sarili para sa kanta. 

Nang maging okay ang instrument, I started singing. The song is very emotional that I need to put an effort to sing it emotionally. Kagaya ng mga ginagawa ko sa bar. I need to adopt the emotional so that my voice will be fit to the song. Nang matapos sa unang kanta, sunod ang ikalawa hanggang sa matapos namin ang tatlo. I really feel the message of the songs. It was real! May pumalakpak kaya nagulat kami. 

Nang tumingin sa pinto, nakatayo doon ang lalaking palihim kong hinahangaan. He was standing there bravely while watching us. Napakagat-labi ako habang nahihiya. Nandito pala siya habang kumakanta ako kanina. Nanood pala siya habang nagpra-practice kami. Bakit? At teka, anong ginagawa niya sa rehearsal room? 

"Sorry, guys. I was walking when I heard the song. Bukas ng kaunti ang pinto kaya nakita ko kayo. Anyways, you can continue the practice." he said very manly.

Napalunok ako. Umiwas ako ng tingin habang ramdam na ramdam ko ang kanyang malalim na titig sa akin. 

"It's okay. Salamat sa pakikinig." maikling sagot ni Filmor.

Tumango-tango siya at muling tumingin sa akin. Nagkatitigan kami bago siya ngumiti sa akin. Muling kumabog ng mabilis ang puso habang hindi makapaniwala na ngumiti siya sa akin. Oh my God! This is unexpected! Napalunok ako at huminga ng malalim. Lumabas siya at sinarado ang pinto. Narinig ko ang mahinang tawa ni Armel.

Almuevo Series 3: To End With You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now