Chapter 38

10.6K 611 190
                                    

Nakita ni Aibe kung paanong huminga nang malalim si Uno habang nakatingala at nakapikit. Nakasalampak pa rin ito sa sahig na nakasandal sa pader at nakapatong ang siko sa sariling tuhod.

Pilit niyang pinatitigil sa pag-iyak si Paige at hindi niya alam kung nararamdaman ba nito ang presensya ng ama.

Mahinang isinayaw ni Aibe ang anak habang siya mismo ay nakatingin kay Uno na tahimik, pero patagilid na tumingin sa kanilang mag-ina. NangangalumataNangangalo mata ito at mukhang pagod na pagod.

Nakikita rin ni Aibe kung paanong sinusubukan ni Uno ang magsalita, pero parang walang lumalabas sa bibig nito. Panay ang tikhim at umayos sa pagkakaupo.

Rinig ni Aibe ang mga yabag galing sa labas ng pinto at hindi siya nagkamali nang makita ang parents niya.

"Umalis ka na rito," pagbabanta ng papa ni Aibe. "Kapag hindi ka pa umalis, magpapatawag ako ng pulis at kakasuhan kita ng trespa—""

"Pa." Sinalubong ni Aibe ang tingin ng parents niya. "Pa, o-okay lang po. Sige na po, ako na po ang bahala," nauutal niyang sambit. "Ako na po ang bahala rito, Pa."

Nagsalubong ang kilay ng papa ni Aibe. "Aibe, sasaktan ka na naman nito, e. Paalisin mo na ''to. Umalis ka na.," Hhumarap ito kay Uno. "Nakikiusap ako sa ''yo, uma—""

Nagulat si Aibe nang dahan-dahang lumuhod si Uno sa harapan ng mga magulang niya. Pabagsak itong nayuko. "Sandali lang po. Gusto ko lang pong makita sina Aibe at Paige, saglit lang po. Promise po, aalis kaagad ako. Sandali lang po."

Sumikip ang dibdib ni Aibe habang nakatingin kay Uno kaya nang tumingin sa kaniya ang parents niya, tumango siya at sumenyas na okay lang ang iwanan na muna sila. Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha ng mga ito, pero umalis din para mabigyan sila ng space.

Kahit na hindi pa siya handang harapin si Uno, nasaktan siya sa kung paano ito makiusap sa mga magulang niya. Hindi rin nakatutulong na hindi pa tumatahan si Paige sa pag-iyak.

"Uno?"

Humarap si Uno kay Aibe at panay ang kurap ng mga mata dahil pinipigilan ang luha. "K-Kailangan mo ba ng tulong? K-Kkanina pa ba siya umiiyak?"

"Medyo," sagot ni Aibe.

"Puwede ko ba siyang buhatin?" Bbumagsak ang luha sa magkabilang mata ni Uno. "Sandali lang tapos aalis na ako."

Tango lang ang naisagot ni Aibe at maingat namang tumayo si Uno. Rinig niya ang buntonghininga nito hanggang sa makalapit sa kanilang mag-ina.

Nakapako ang titig ni Uno kay Paige. Ang salubong na kilay ay nanatili ngunit may kaunting ngiti sa mga labi at namumuo ang luha sa mga mata.

"Hi," bulong ni Uno paghawak kay Paige. "Shhh . . . bakit ka umiiyak?"

Hindi inalisan ni Aibe ng tingin sina Paige at Uno. Mas lalong nagmukhang maliit ang anak niya na patuloy pa rin sa pag-iyak kaya mahinang isinayaw ni Uno para subukang patahanin.

"Bababa lang ako sandali, kukuha lang ako ng milk niya sa ref at saka iinitinipapainit ko muna," ani Aibe at kumuha ng bote ni Paige sa ibabaw ng cabinet. "Okay ka lang ba rito?"

Tumango si Uno at hindi inalis ang tingin kay Aibe na ikinailang niya.

Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan niya ang parents niya sa living area na kaagad tumingin sa kaniya nang marinig siya.

"Kailangan ko bang tumawag ng police?" tanong ng papa ni Aibe. "Gusto mo bang tumawag ng police?"

Umiling si Aibe at hindi nagsalita. Dumiretso siya sa freezer para kumuha ng extracted breastmilk para painitinipainit nang mapadede na rin si Paige. Dumede naman ito sa kaniya, pero malamang na kulang pa rin.

No Gain All PainWhere stories live. Discover now