Chapter 6

12.3K 624 358
                                    

Gising na si Aibe, pero hindi niya magawang bumangon. Nakadapa siya habang yakap ang isang unan. Mula sa glass wall na nasa harapan, nakatitig lang siya sa karagatang kumikislap.

Isa iyon sa hindi niya inaasahang view sa cabin na nakuha. Pagmulat ng mga mata niya, iyon na kaagad ang nakita niya.

Huminga nang malalim si Aibe at ngumiti. Sulit naman pala ang paggastos niya sa perang inipon para sa kasal kung araw-araw siyang gigising na ganoon ang view.

Hindi rin niya alam ang oras dahil isa iyon sa gusto niyang gawin.

Aibe was used to checking the time whenever she had the chance. Na-realize niya na palagi niyang binibilang ang araw, oras, ultimo minuto, at segundo.

At sa paghinga niya sa nasabing probinsya, kasama roon ang alisin ang habit na nakasanayan niya simula umpisa.

Nakaramdam si Aibe nang gutom at naisipang pumunta na lang sa restaurant para kumain. Wala rin naman siya sa mood maluto. More like hindi kasi siya marunong magluto.

Isa pa iyon. Sa tuwing umaalis sila ni Yuel, ito ang umaasikaso sa lahat. She was literally doing nothing every vacation.

"Mag-isa ka na lang, matuto ka," sabi ng isip niya na ikinangiti niya.

Maraming kailangang magbago simula nang mawala si Yuel sa buhay niya. Aibe had to be independent on the those things she wasn't familiar with.

She was so used to being babied that she forgot to grow up for herself. It was a mistake she thought was normal, until the person who provided her everything . . . left.

Medyo marami na rin ang nakababad sa arawan. Hindi pa naman ganoon kasakit sa balat ang sinag kaya sigurado siyang hindi pa naman tanghali.

Sanay lang din siguro talaga ang body clock niya na automatic na gigising kahit walang alarm.

Pumasok si Aibe sa loob ng resort at huminto sa entrance kung saan may pool sa magkabilang gilid. May mga batang nakasakay sa salbabida at nagtatawanan. Ngumiti siya at naisip na isang araw ay gagawan niya nang paraang maisama ang magulang sa resort na ito.

Sa pagkakataong ito kasi, gusto niyang siya na lang muna.

Napaisip si Aibe kung saan siya papasok. Sa kanan ay buffet restaurant at mula sa salamin, nakita niyang medyo maraming tao.

Sa kaliwa naman ay may coffee shop at pagbukas ng pinto dahil may lumabas na babae mula roon, naamoy niya ang pinaghalong amoy ng kape at waffles na naging dahilan ng pagkalam ng sikmura niya.

Pagpasok na pagpasok ni Aibe, naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura dahil sa gutom. Dumiretso siya sa bar counter at naupo roon para hintayin ang order.

Isa sa nagustuhan niya sa café, para itong diner sa mga napanonood niyang American TV series na nasa mismong counter ay puwedeng kumain.

Kinuha ni Aibe ang menu na nasa harapan at nagtingin ng puwedeng kainin. Maraming offer, mostly American and English breakfast, pero mayroon ding Pinoy version ng almusal tulad ng tapsilog, lugaw, at kung ano-ano pa.

"Good morning, ma'am. May I take your order, please?" tanong ng lalaking malalim pa yata sa balon ang boses.

Nag-angat ng tingin si Aibe at napatitig sa lalaking nasa harapan. Nakaputi itong long-sleeve, maayos ang buhok na parang naka-wax pa nga, at malayo sa itsura nito na naalala niya.

"Good morning," pag-uulit ng lalaki. "So, what's your coffee blend?"

Hindi nagpahalata si Aibe na naaalala niya ang lalaki dahil ito ang bartender sa bar kung saan siya nag-dinner. Ang galing lang dahil sa gabi ay bartender ito sa bar, barista naman sa café kinaumagahan.

No Gain All PainWhere stories live. Discover now