Chapter 20

10.7K 576 290
                                    

"Here's your Java Chip Frappuccino, ma'am."

Nakangiting iniabot ni Aibe sa babaeng turista ang order nitong Java Chip na siya mismo ang gumawa. Dumiretso rin siya sa paghiwa ng cake na order naman ng isa pang table.

Pagkatapos ay bumalik siya sa counter para i-attend ang bagong customer na nag-order ng muffin, bagel, at hot choco na si Bill naman ang umasikaso.

"Punta lang ako sandali sa stock room," sabi ni Aibe pagkatapos niya mag-punch ng order. "Kukuha lang ako ng butter and jam."

Hindi alam ni Aibe kung ano pa ba ang ginagawa niya sa isla, kung bakit hindi pa rin niya nagagawang umalis. Mahigit dalawang buwan nang hindi umuuwi si Uno, pero para pa rin siyang tangang naghihintay sa araw-araw.

Ginawa niyang busy ang sarili para hindi gaanong maisip ang nangyari sa kaniya. Gusto niyang isipin na maayos lang ang lahat at busy lang ito kaya hindi pa nakababalik.

Paglabas ni Aibe galing sa stock room, siya namang pasok ng isang pamilyang turista. Mag-asawa, isang toddler, at isang baby na parang ilang buwan pa lamang.

"Good morning, ma'am and sir!" magiliw na bati ni Aibe at pumuwesto kaagad sa counter. "May I take your order, please?"

"Three strawberry frappuccino, miss," nakangiting sabi ng babae at nilingon ang asawa. "Love, gusto mo ba ng cake? Meron silang tres leches, o!"

Ngumiti ang lalaki at tumango. Kinuha nito ang baby mula sa asawang babae at sinabing ito na ang mag-order para sa kanila.

Hindi sinasadyang makuha nito ang atensyon ni Aibe lalo nang dumiretso ito sa table kung nasaan ang anak at hinalikan ang tuktok ng ulo.

"Anything else, ma'am?" Pinilit niyang alisin ang atensyon sa nakita at hinarap ang ginang. "I can also recommend toffee nut frappuccino if you're interested. It's sweet and nutty."

"Sounds good!" Malapad ang ngiti nito. "Two strawberry frappe na lang and one toffee nut. One slice na rin ng tres leche and maybe this vanilla with cherry cake."

Aibe processed and made the order herself. Natuto na siyang mag-mix ng drinks, siya na rin ang naghiwa ng cake. Sinabi ni Bill na tutulungan siya, pero ito na lang ang pinag-deliver niya sa table bago nagpaalam na mag-break muna sa likod ng café.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nang mag-pregnancy test si Aibe at hindi na niya iyon pinansin. Nag-research naman siya na mayroong pagkakataon na may false positive naman at iyon ang pinanghawakan niya.

She made herself busy to avoid overthinking. Alam niyang safe sila ni Uno dahil alam niyang hindi siya lolokohin nito pagdating doon. Alam din niya ang pakiramdam nang may proteksyon sa wala.

Imposibleng positibo dahil maingat sila.

Bumili ng tortang ampalaya si Aibe para kainin sa lunch. Bumalik na rin ang appetite niya at mas nakatutulog na rin siya nang maayos. Unti-unti na siyang nasasanay sa gawaing bahay kahit na minsan, nagsusugat pa rin ang kamay niya.

Sa tuwing off niya, madalas na general cleaning ang ginagawa niya o hindi naman kaya ay papasok na lang para hindi siya ma-stuck sa bahay.

May mga pagkakataong gusto na niyang umalis sa isla, pero naiisip na baka bumalik si Uno. Hindi niya alam kung gaano pa katagal ang kakayanin niya pagdating sa paghihintay, pero susubukan pa rin niya.

Nilingon ni Aibe ang dagat. Payapa at maaliwalas, hindi tulad ng isip niya na punong-puno ng bakit.

Bakit hindi siya nagpaalam?

Bakit hindi siya nagsabi?

Bakit hindi pa siya umuuwi?

Bakit pa ba ako naghihintay?

No Gain All PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon