Chapter 13

10.6K 630 355
                                    

Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa pagkatapos ng mga sinabi ni Uno. Kumain sila ng lunch sa bangka nang hindi nag-uusap at parehong nakatingin sa kung saan.

Pagdaong ng bangka sa dalampasigan, inalalayan siya ni Uno tulad ng dati. Hahawak ito sa magkabilang baywang niya para makababa sa bangka nang hindi nababasa.

Hawak ang ecobag kung nasaan ang pinagkainan nila, nakatingin si Aibe kay Uno na nakikipag-usap sa may-ari ng bangkang nirentahan nila.

Wala siyang idea kung magkano dahil palaging si Uno ang kausap ng matanda.

"Thank you, manong!" magiliw na paalam ni Uno sa matanda.

"Kuya, thank you po!" Kumaway si Aibe at tumalikod.

Nauna siyang maglakad palabas ng resort dahil doon naka-park ang motor ni Uno. Hindi niya alam kung anong oras na rin, pero hapon na at malapit nang lumubog ang araw.

"Ayaw mong manood ng sunset?" tanong ni Uno mula sa likuran, pero sumabay ito sa paglakad.

"Ikaw ba?" Bahagyang lumingon si Aibe at nakita si Uno na nakapamulsa.

"Ikaw tinatanong ko, e," sagot naman nito. "Kung gusto mo munang mag-stay, dito na muna tayo. Kung gusto mo na umuwi, uwi na tayo."

Sandaling huminto si Aibe at tiningnan ang karagatan. Medyo malapit nang lumubog ang araw, pero aabutin pa siguro nang isa o hanggang dalawang oras base sa posisyon niyon.

Napaisip siya dahil parang gusto na niyang mahiga at matulog na muna. Off naman nilang dalawa kaya mayroong pagkakataon.

"Uwi na lang tayo." Tumalikod na si Aibe at nagsimulang maglakad.

Hindi kaagad sumunod si Uno dahil nakatitig lang siya sa likuran ni Aibe. Wala siyang idea kung ano ang iniisip nito dahil pagkatapos ng conversation nila sa bangka—tungkol sa pag-amin nila sa isa't isa—natahimik na ito, ganoon din siya.

Nang makarating sa parking, napansin ni Uno na palinga-linga si Aibe at hindi tumitingin sa kaniya. Minabuti niyang huwag magbukas ng conversation.

One of Aibe's many traits was staying quiet when thinking, and because of that, he started to overthink.

"Basa 'yung shorts ko." Ngumiti si Uno kay Aibe.

Tumingin naman si Aibe kay Uno at mahinang natawa bago ito inirapan. "Hindi na bago 'yan. Uwi na tayo. Gusto ko nang mahiga, e," aniya. "Ikaw, hindi ka matutulog?"

"Matutulog siguro. May pasok na tayo ulit bukas, e," sagot naman ni Uno.

Patagilid na sumakay si Aibe at tulad ng dati, iniyakap niya ang isang braso sa baywang nito habang hawak sa isang kamay ang ecobag na bitbit nila.

Habang binabaybay ang highway, pinanood ni Aibe ang pagkislap ng dagat tulad noon. Napaisip siya sa naging conversation nila ni Uno at hindi na siya nagbukas ng topic nang maramdaman ang pagiging tahimik nito. Pareho silang natahimik.

Parehong nanahimik.

Tama ba ang narinig niya? Hindi rin siya sigurado.

Mahirap mag-assume, mahirap mag-overthink, kaya mas pinili niyang manahimik. Lumalalim ang nasa isip niya, pero hindi naman niya magawang magtanong.

Aibe stared at nowhere when she felt they were slowing down.

"Aibe?" pagkuha ni Uno sa atensyon niya.

Sinilip niya ito mula sa side mirror at nakitang nakatitig ito sa daanan.

"Bakit?" tanong niya.

"Can you be my girlfriend?"

No Gain All PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon