Chapter 25

11.6K 625 286
                                    

Hinalikan ni Aibe ang palad ni Paige at napangiti dahil sa maliliit na daliri nito. Naamoy rin niya ang baby scent galing sa anak at paborito niya iyon.

Tuwing umaga, bago umalis, pinasususo na muna niya si Paige sa kaniya. Bonding na nila iyon bago man lang siya pumasok sa trabaho.

Ginawang bond ni Aibe ang pagpapasuso kay Paige. Dahil nga madalas siyang wala at nasa trabaho sa maghapon, breastfeeding at skin-to-skin contact ang nagsisilbing bonding nilang mag-ina.

Nang makatulog si Paige, ibinaba niya ito sa crib bago nagbihis ng pang-opisina.

Inilagay rin niya sa ref ang na-extract niyang gatas sa kabilang dibdib. Nilagyan niya iyon ng label at date bago inilagay sa freezer.

Huminga nang malalim si Aibe nang makita ang stash niya ng extracted milk. Mabuti na lang at nakikisama ang katawan niya. Bukod sa healthy si Paige, nakababawas iyon sa expenses lalo na at mahal ang infant's milk.

"Mukhang busog na busog si Paige sa susunod na tatlong buwan sa dami niyan," natatawang sabi ni Lea. "Okay na pala 'yung baon mo, nasa bag na rin."

"Thank you, Ate!" magiliw na sagot ni Aibe. "'Wag ka na palang magluto mamaya, Ate. Mag-uuwi na lang ako ng pagkain natin."

Tumango si Lea at nagsimulang maglinis ng kusina.

Nakita ni Aibe ang bag na nasa ibabaw ng lamesa at baunan niya iyon. Malaki ang pasasalamat niya sa pinsan dahil napadali ang buhay niya dahil dito.

Walang itong balak mag-asawa kaya naman namamasukan na lang sa kanila. Siniguro naman ni Aibe na maibibigay niya ang kung anong kailangan nito at sapat ang nakukuhang sweldo mula sa kaniya.

Bago umalis, hinalikan niya si Paige. Nakayakap pa ang legs nito sa maliit na unan habang nakanganga ang lips na pulang-pula.

"Alis na Mama," bulong niya sa anak at hinalikan ang pisngi nito masarap pisilin. "See you later, bebe ko."

Hirap na lumabas si Aibe ng bahay. Araw-araw ganoon, pero kailangan niya ring magtrabaho para sa needs nila ng anak niya.

Taxi o kaya naman carpool ang transpo niya papasok sa opisina. Hindi naman kalayuan kung tutuusin, pero dahil sa traffic, inaabot siya nang thirty minutes to one hour.

Umuukopa sa malaking building ang Alpham. Isang buong floor iyon at maaliwalas lalo na kapag palubog ang araw.

Pagpasok sa building, kailangan nilang iprisenta ang ID ng kumpanya. Pagkatapos ay gagamit sila ng elevator na kailangang i-swipe ang ID bago mapindot ang floor. Sa floor naman nila, mayroong magandang receptionist na mas bagay pa nga yatang maging model.

"Uy, nandito na si Miss Aibe," sabi ng isa niyang katrabaho. "May kape ulit galing kay boss."

Nangunot ang noo ni Aibe at dumiretso sa cubicle niya at nakita roon ang paper coffee cup na mayroong pangalan ng boss nila.

Diego.

Dalawang linggo na rin simula nang makilala niya ito at sa araw-araw, mayroon siyang kape sa umaga, frappe naman sa hapon. Minsan may cake pa.

Hindi naman niya ito makompronta dahil madalas na wala sa opisina. Ilang beses na rin siyang nakiusap sa secretary nito na huwag nang magpadala, pero hindi raw ito nakikinig.

Walang idea si Aibe kung bakit, pero sa tuwing titikman niya ang kape o kahit ano mang ibigay nitong drinks, nasasarapan siya.

Gustuhin man niyang ubusin lalo na ang kape, hindi puwede dahil nagpapasuso siya ng anak.

Nabasa ni Aibe na safe naman daw uminom ng kape kapag breastfeeding mom, pero siya na rin mismo ang umiiwas.

Madalas na hindi niya iyon nakakalahati at pinipilit na lang ang sariling huminto.

No Gain All PainWhere stories live. Discover now