Chapter 35

11.5K 544 151
                                    

Nilingon ni Diego si Aibe na ipinalilibot ang tingin sa condo niya habang buhat si Paige na mahimbing na natutulog. Seryoso ang mukha nito at mabigat pa nga ang paghinga.

"So," tumikhim siya, "sa ngayon, dito na muna kayo titira sa condo ko. Mas safe para sa inyong dalawa ni Paige lalo na't walang basta-basta makakaakyat dito sa unit nang walang permiso."

Bahagyang lumingon si Aibe sa gawi niya. "Hindi ba puwedeng sa apartment ko na lang kami? Hindi ako komportable rito."

"Hindi sa ngayon." Umiling si Diego. "Mas safe sa inyo ni Paige rito, e. Hindi pa rin kasi namin nahahanap si Evandro at hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin kaya mas okay na muna rito."

Natakot si Diego sa reaksyon ng mukha ni Aibe habang nakatitig ito sa kaniya. Mahabang katahimikan at nakikita ni Diego kung gaano kahigpit na nakayakap ito kay Paige na para bang ayaw nitong bitiwan ang anak.

Nag-iwas siya ng tingin at naglakad papunta sa pinto na magiging kwarto nito kasama si Paige. Hawak niya ang dalawang maleta nina Aibe at Paige.

"Dito ang magiging kwarto ninyong dalawa. Sa kabilang pinto," itinuro ni Diego ang nasa kanang bahagi, "dito naman si Ate Lea, pero pinagawa kong merong pinto sa loob para may access kayong dalawa."

Nanatiling tahimik si Aibe na nakatingin kay Diego. Walang kahit na ano mang sagot kaya nagpatuloy siya.

Itinuro niya ang pinto sa kaliwang bahagi. "That's my room. Kapag meron kang kailangan, puwede mo akong katukin kahit na anong oras. Kung ayaw mo akong makita, sabihan mo lang ako."

"Hindi ko gagawin 'yun sa sarili mong bahay," sagot ni Aibe. "Puwede bang pumasok na kami ni Paige? Gusto kong magpahinga. Asa'n pala si Ate Lea?"

Pilit pinakakalma ni Diego ang sarili sa lamig ng pakikitungo sa kaniya ni Aibe dahil kung ang pagbabasehan ay ang pagsasama nila sa isla, sobrang malayo iyon sa kasalukuyang ipinakikita at ipinararamdam nito sa kaniya.

"Nagsabi si Ate Lea na bukas na lang siya pupunta rito. Dadaan daw muna siya sa bahay ng isang kapatid niya. Pumayag naman ako," sagot ni Diego. Ibinaba niya ang maleta sa gilid ng kama. Isinara niya ang blinds para dumilim ang kwarto lalo na at natutulog si Paige. "Sa labas lang ako. Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako."

Pumasok si Aibe sa kwarto nang hindi kumikibo.

Maingat na isinara ni Diego ang pinto ng kwarto para hindi magising si Paige. Tumawag siya sa isang restaurant para bumili ng lunch nila, ganoon din kay Dos na sinabing daanan na lang iyon.

It was just nine in the morning, and the day would be long.

Nagpunta siya sa balcony para tawagan si Arkon para muling magpasalamat sa kaibigan. Malaki ang naitulong nito sa isang linggong pamamalagi nila ni Aibe sa bahay ng mga ito. Nahihiya man siya, alam niyang mas ligtas.

Arkon also gave Diego some time off to protect Aibe and Paige.

Ilang beses na rin itong nagtanong tungkol sa DNA test ni Paige sakali mang gusto niyang malaman kung anak niya ito, and he refused . . . again.

He knew that Paige was his, and if he confirmed, it would come from Aibe. That was for sure.

"How is she?" tanong ni Arkon habang magkausap sila sa phone. "In case na kailangan mo ng tulog, let me know. And yes, no missions for you until further notice. Ako na ang bahala."

"Thanks," Diego breathed. "Arkon, I have a question."

Walang sagot galing kay Arkon ngunit naririnig niya ang pag-type nito sa keyboard na mukhang nasa opisina.

No Gain All PainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt