Chapter 22

10.2K 548 182
                                    

Aibe closed her eyes when she felt the labor pains. It had been three hours, and the intensity was getting higher as time went by. She was alone inside the delivery room, waiting for her daughter to be born.

Ready naman na ang lahat. Siniguro niyang handa siya sa araw ng paglabas ng anak niya.

Ilang beses huminga nang malalim si Aibe nang maramdaman ang pananakit ng tiyan. Hindi lang tiyan. Kung tutuusin, ultimo yata hibla ng buhok niya ay kumikirot.

Napahawak siya sa kumot nang muling maramdaman ang pagguhit ng sakit.

Ilang beses na rin niyang kinausap ang anak para sabihing lumabas na ito para makapagpahinga na silang dalawa. Gusto na rin niyang matulog at gustong-gusto na rin niyang makita ang anak.

Nag-decide si Aibe na manganak sa public hospital. Ang doktor na magpapaanak sa kaniya ay dati ring doktor ng ate niya kaya naging maayos naman ang lahat.

Maayos na rin ang apartment niya at doon na siya tumira simula nang mag-walong buwan sa pagbubuntis kasama si Lea, ang pinsan niya at ang tutulong sa kaniya sa araw-araw.

Pinilit ni Aibe na makatulog, pero hindi niya magawa dahil sa tuwing susubukan niya, sumasakit iyon.

"Hello, Mommy," magiliw na bati ang doktor sa kaniya. "Medyo malapit na rin tayo kasi based sa internal exam, nakabuka na po ang cervix mo, waiting na lang tayo kay baby."

Tumango si Aibe at nagpasalamat sa doctor at nurse na pumasok. Kahit na public, naging maayos naman ang trato sa kaniya ng mga tao.

Dalawang oras pa ang hinintay ni Aibe nang tuluyan na siyang ipasok sa delivery room. Basang-basa ang mukha niya sa pawis at luha habang nakahawak ang magkabilang kamay niya sa kumot dahil sa sakit.

Nanginginig na rin ang baba niya at pinipilit niya ang sariling magising dahil nakatutulog siya sa pagod. Panay ang ire niya sa tuwing sasabihin ng doctor, panay rin ang pikit niya sa tuwing mararamdaman ang mas tumitinding sakit.

Ilang ire pa nang marinig ni Aibe ang unang iyak ng anak. Ang sigaw ay napalitan ng hagulhol habang pinanonood kung paano linisin ang anak niya.

Malakas na malakas ang iyak nito at naging kampante siya nang ilagay ang anak sa dibdib niya na kaagad humawak sa pisngi niya.

Humikbi si Aibe dahil ramdam niya ang init ng palad nito habang umiiyak tulad niya. Hinalikan niya ang noo ng anak at hawak niya ang likuran nito.

Pilit niyang inaaninag ang mukha ng anak at napangiti nang makita niya itong nakapikit at mukhang nakatulog sa ibabaw niya.

Sinabi naman ng mga doctor na kailangan munang dalhin ang anak niya sa nursery para ma-check mabuti bago dalhin sa kwarto niya.

Pinili ni Aibe ang private room para kahit papaano ay magkaroon siya ng privacy, sila ng anak niya. Kaya naman niya financially at hindi iyon naging problema.

Nakatulog si Aibe at hindi niya namalayan kung gaano na iyon katagal. Ngumiti ang mama niya sa kaniya at kaagad siyang inabutan ng tubig.

"May masakit ba sa 'yo?" tanong ng mama niya at pumuwesto sa likuran para ayusin ang buhok niya.

"Masakit po ang katawan ko, Ma," aniya at huminga nang malalim. "Ang tagal ko yatang nakatulog."

Mahina itong natawa at nagpatuloy sa ginagawa sa buhok niya. "Medyo nga. Nakailang balik na rin dito sina Doc, pero mabuti na rin na nakakapagpahinga ka."

Nang matapos ito, sumandal siya sa headboard ng hospital bed at binigyan siya ng mama niya ng sabaw para uminit ang sikmura niya.

Nilingon ni Aibe ang bag na kulay gray. Iyon ang baby bag ng anak niya at kumpleto roon ang gamit nito tulad ng mga damit nito, diapers, at kung ano pang ipinadala ng doctor sa kaniya.

No Gain All PainWhere stories live. Discover now