Chapter 10

11.6K 535 202
                                    

Sa unang pagkakataon, pinanood ni Aibe ang sunrise at kasama niya si Uno. Pareho silang nakaupo sa dalampasigan at pinanonood ang pagbabago ng kalangitan.

"Wala ka pa ring pasok ngayon?" Nilingon ni Aibe si Uno na umiinom ng beer. "Hindi ka na natulog."

"Wala pa. Mamayang gabi pa sa bar na." Ngumiti si Uno. "Gusto mo ng kape? Puwede akong kumuha roon kahit off ko. Makikisuyo ako sa kaibigan ko."

Tumango si Aibe at niyakap ang sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng umaga. Mayroon ding ilang nasa gilid ng dagat na tulad nila ay sinasalubong ang umaga.

Nagpaalam si Uno na pupunta muna sa café kaya naiwan siyang mag-isa. Nakakuha siya ng pagkakataong ilibot ang tingin sa lugar. Ilang araw na lang, babalik na siya sa katotohanan at kailangang harapin ulit ang sakit.

Sa ilang araw ni Aibe sa Isla Mierte, lumuwag ang paghinga niya sa puntong hindi na siya masyadong nasasaktan sa tuwing naiisip ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Yuel.

Progress? Maybe.

Mula sa likuran, inobserbahan ni Uno si Aibe. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok nitong nakaipit habang yakap ang sarili. Unti-unting nagbubukas si Aibe tungkol sa personal na buhay nito, nagsimula sa pagkukuwento tungkol sa sariling trabaho.

Nagagandahan si Aibe sa sunrise at iniisip niya kung bakit hindi niya binigyan ng pagkakataon noon ang sariling i-appreciate ang maliliit na bagay tulad niyon. Libre naman, pero ipinagsawalang bahala niya.

"Here." Inabot ni Uno ang coffee cup bago ito naupo hindi kalayuan sa kaniya. "Ganda, 'no? Ilang araw ka na lang dito sa isla?"

Dinama ni Aibe ang init na nanggagaling sa cup at dalawang kamay pa niya ang nakahawak doon. "Hindi ko na binibilang." Natawa siya. "Kapag naisipan ko, mag-i-stay pa ako, pero bahala na. May trabaho ako, e."

"Kung sa tingin mo, kailangan mo pa, why not?" Uminom si Uno sa sariling coffee cup. "Naalala ko tuloy noong ako. Sabi ko isang linggo, naging isang buwan, naging anim na buwan, naging isang taon. Ngayon, one year, three months na akong nandito at hindi ko alam kung babalik pa ba ako."

Hinipan ni Aibe ang hawak na coffee cup bago tinikman. Medyo matapang ang kape, pero masarap dahil may kakaibang tamis na hindi overpowering.

"Anong flavor 'to?" tanong ni Aibe. Kumunot ang noo niya nang may malasahang kakaiba. "Matapang 'yung kape, pero may kakaiba."

"White chocolate mocha," ani Uno at ngumiti. "Two shots of espresso ang nilagay ko tapos nilagyan ko ng white chocolate chips, milk, and some spices. Sakto lang ba 'yung pait para sa 'yo?"

Tumango si Aibe dahil nagustuhan niya iyon. Masarap ang blending at gusto niya ang twist ng chocolate sa kape na nagpalasa pa nga.

"For some reason, I kinda want to suggest for you to stay," basag ni Uno sa katahimikang namayani sa kanilang dalawa. "Why don't you give yourself a break? I know deserve mo rin 'yun."

"Pinag-iisipan ko pa," sagot naman ni Aibe at muling hinipan ang basong hawak. "Nasa Metro kasi ang buhay ko, pero natatakot din akong bumalik dahil baka makalimutan ko na namang huminga."

Tiningnan ni Uno si Aibe at naka-side view ito sa kaniya. May ngiti sa labi nito, pero wala sa mata.

"Aibe?" pagkuha ni Uno sa atensyon niya. "May sasabihin ako sa 'yo, pero 'wag kang magagalit or sana 'wag kang iiwas. If it'll make you uncomfortable, I apologize."

Nagtatakang tinitigan ni Aibe si Uno, pero sinabi niyang okay lang naman kung ano iyon. Hindi niya alam kung bakit seryoso ang tono, pati na ang mukha nitong nakatitig sa kaniya.

No Gain All PainWhere stories live. Discover now