Chapter 34

11.1K 609 126
                                    

Diego didn't know if he should continue. Nakatitig lang sa kaniya si Aibe habang ikinukuwento niya ang nangyari sa isla. He told her every detail for her to understand.

"Iniwan ko 'yung sulat kasama 'yung dog tag ko," pagpapatuloy ni Diego. "Pero hindi ko alam na bumalik si Evandro o baka may inutusan siya. Alam kong may nagbabantay sa 'yo noong mga panahong 'yun, but I now realized that I shouldn't have underestimated him."

Again, Aibe didn't say anything, and she just stared at him like it was nothing.

"Hindi ko na maibabalik 'yung oras, araw, at pagkakataon, pero hihingi ako ng sorry, Aibe. Paulit-ulit akong hihingi ng sorry sa nangyari." Yumuko si Diego. "I'm sorry, love."

"Isa lang ba 'yung pinatay mo para sa kaniya?" tanong ni Aibe.

Tumango si Diego. "Isa lang."

"Kung isa lang, bakit hindi mo ako binalikan kaagad?" Kalmado ang boses ni Aibe habang nakatingin kay Diego. "Bakit umabot nang mahigit isang taon bago kita ulit nakita? Bakit ang tagal?"

Ilang beses huminga nang malalim si Diego at muling sinalubong ang tingin ni Aibe. Kahit mahirap dahil wala itong emosyon katulad noon, ayaw niya itong alisan ng tingin.

"Puwede bang sulitin mo na 'yung mga sasabihin mo? Kasi hindi ko alam kung masusundan pa ba 'tong conversation na 'to dahil kung puwede lang, hindi na kita makita," diretsong sabi ni Aibe.

Naramdaman ni Diego ang paninikip ng dibdib niya sa sinabi ni Aibe. Hindi niya ipinahalata na nasaktan siya roon at nanatili siyang seryosong nakatitig sa kasintahan.

"At sana hindi na kasinungalingan 'yung mga marinig ko kasi pagod na ako." Mahinang natawa si Aibe. "Pagod na akong makarinig ng mga kasinungalingan, e. Pagod na akong maloko kasi hindi ko na alam kung ano pa ba ang tama."

Diego was aware that he shouldn't let Aibe know about the agency. It was one of the rules unless they were married, but he would instead break the rule than lose Aibe again.

"Sino ka ba talaga?" tanong ni Aibe. "Kasi hindi kita kilala. Iba 'yung Uno na nakilala ko sa kaharap ko ngayon. Hindi kita kilala. Iisa kayo ng mukha, pero hindi ikaw siya."

"Ako pa rin siya." Nagsalubong ang kilay ni Diego. "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa 'yo, pero member ako ng isang organization. We're hired to terminate and protect."

Tumayo si Aibe at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Kita ni Diego ang frustration sa mukha nito habang paikot-ikot na naglalakad sa living area ng maliit na kwarto. Pareho silang hindi gumagawa ng ingay dahil natutulog si Paige sa crib.

"So sinasabi mo sa akin na mamamatay-tao ka?" Nagsalubong ang kilay ni Aibe. "Sumama ako sa kriminal?"

"I don't kill for fun, Aibe." Diego stood up. "They are missions, and we had reasons."

Aibe stared at him with disappointment written all over her face. Bahagya ring lumayo si Aibe kay Diego na ikinagulat niya.

Diego was about to hold Aibe's hand when she dodged him, and it broke his heart.

"Aibe."

"'Wag mo akong hahawakan," ani Aibe at mas lumayo pa sa kaniya. "So, sinasabi mo sa akin na tumagal tayo nang hindi mo sinasabing mamamatay-tao ka? Nakasama kita sa isang bubong, tang ina, tapos malalaman kong—"

Bumagsak ang luhang pinipigilan ni Diego dahil sa sinabi ni Aibe. Pati na ang pagtingin nito sa kaniya na nakakunot ang noo na para bang hinuhusgahan siya ay hindi nakatakas sa paningin niya.

"Puwede ba akong humiling?" Paatras na naglakad si Aibe papunta kay Paige. "Ayaw ko sanang lalapit ka sa anak ko. Nakikiusap ako sa 'yo."

Hindi nakagalaw si Diego kung saan siya nakatayo at matamang nakatitig kay Aibe na tinatakpan ng sarili ang crib ni Paige.

No Gain All PainWhere stories live. Discover now