Chapter 21

10.3K 590 284
                                    

Growing up, Aibe wanted to have a relationship like her parents. Happy, contented, and loving. When it came to companionship, they were her goals, and she found it but lost it.

Twice.

Naalala niya ang sinabi ng professor niya noong college na love is sweeter the second time around. Agree naman si Aibe roon, pero mas masakit kapag nawala.

Hirap na hirap siyang tanggapin ang sitwasyon niya dahil ultimong paggising sa umaga, iniiyakan niya. Umiiyak siya knowing na kailangan niyang harapin ang maghapon na mag-isa at puro tanong.

Walang sagot sa bakit. Walang sagot sa paano. Walang sagot sa saan . . . saan na naman siya nagkulang?

Kailangan din niyang harapin kinagabihan na matutulog siyang mag-isa, gigising na mag-isa, paulit-ulit na cycle. Araw-araw na sitwasyon.

Nakatagilid ng higa si Aibe habang pinanonood ang pag-ikot ng babaeng naka-ballet dress sa ibabaw ng jewelry box ni Kate, ang anak ng ate niya. Ibinigay nito sa kaniya iyon nang malamang malungkot siya para daw mayroon siyang kasama sa kwarto.

Naririnig ni Aibe ang malakas na ulan sa labas ng kwarto niya. Wala siyang energy para bumangon. Ganoon naman simula nang dumating siya sa Metro higit tatlong buwan na ang nakalipas.

Sa bus pabalik noon, marami siyang plano, pero walang natupad kahit na isa dahil hindi pa rin siya makapag-function nang maayos.

May kaunting liwanag na nanggagaling sa bintana, pero may kadiliman itong hatid dahil sa ulan.

Hinaplos ni Aibe ang tiyan at pitong buwan na siyang buntis. Malaki na ito at nahihirapan na rin siyang kumilos dahil doon. Sinasamahan siya minsan ng mama niya sa check ups. Ipinagpapasalamat niyang hindi nagtatanong ang mga ito dahil wala siyang isasagot.

Wala siyang gustong sabihin dahil gusto na niyang makalimot.

May mga pagkakataong napapatingin siya sa phone niya at nagbabaka sakali pa rin, pero ilang buwan na, wala pa rin.

Inangat ni Aibe ang kamay at nakita ang singsing na suot. Binili niya iyon para takpan ang tattoo dahil sa tuwing nakikita niya iyon, naaalala niya ang mga sinabi ni Uno sa lighthouse.

Na hindi tinupad . . . na umalis nang walang paalam.

Masamang-masama ang loob niya dahil alam nito ang pinagdaanan niya, pero nagawa rin palang gawin sa kaniya.

Mas masakit lang at hindi basta doble. Masakit na masakit dahil ginawa niyang sandalan si Uno.

Iyon ang naging mali ni Aibe. Umasa siya sa ibang tao. Sinamahan siya ni Uno sa healing stage niya at naging pader niya ito na puwedeng sandalan sa tuwing hindi niya kaya.

Kaya nang mawala ang pader na iyon, nabuwal siya, bumagsak, at hindi magawang makabangon.

Ang sakit na idinulot ni Yuel ay walang-wala sa sakit na iniwan ni Uno. Parehong masakit, pero magkaiba ng intensity.

Ibang-iba dahil ang bilis makabangon ni Aibe kay Yuel dahil kasama niya si Uno, pero hindi siya makabangon kay Uno dahil ito lang ang gusto niyang makasama sa muling pagbangon.

Masyado siyang umasa, masyado siyang nagtiwala, at iyon ang naging dahilan ng mas malalang pagkawasak ng puso niya.

Ang bata sa sinapupunan na lang niya ang nagiging dahilan ng pagbangon sa araw-araw.

Naisipan ni Aibe na bumangon at maligo. Nagsuot siya ng simpleng spaghetti strap na dress. Hanggang tuhod iyon na mayroong black and white prints at pinarisan niya ng flat shoes na kulay cream.

"Saan ka pupunta, Be?" tanong ng mama niya. "Kailangan mo ba ng kasama?"

Umiling si Aibe at ngumiti. "Hindi na, Ma. Pupunta lang ako ng mall. Nabuburyo na rin ako, e. Baka mag-iikot lang ako para magtingin ng damit ni baby."

No Gain All PainWhere stories live. Discover now